CHAPTER 50: Questions

2.2K 44 0
                                    

SABRINA'S POV

"Sabrina, are you okay?" Napatingin ako Kay Ivan.




"Ah, oo okay lang ako." Sagot ko at umiwas ng tingin. Nandito kami sa loob ng classroom, kami lang yong nandito, nasa canteen yong iba dahil wala yong Prof namin. Niyayaya nila akong kumain pero sabi ko hindi ako nagugutom. At etong kasama ko naman, nagpaiwan dahil wala daw akong kasama.




"Anong problema?" This time sobrang seryoso niya.




"Wala nga.." Pagsisinungaling ko.




"You're not good at lying. Tell me, wag mo yang solohin."




"Aissh! Fine! Nagtataka lang kasi ako kung sino yong Eya na kasama ni Vander doon sa picture." Simula ng makita ko yong picture na yun, parang may gumugulo sa isip ko at the same time naiinis ako Kay Vander dahil feeling ko hindi lang kung sino yong Eya na yun sa buhay niya. Paano nalang si Aleah? Alam ko namang Mahal niya si Vander.




"Ako din."




"What do you mean?"




"Hindi ko naman kasi kilala yong babaeng yun, at wala din akong clue kung bakit magkasama silang dalawa, I know Vander, hindi yun basta basta lumalapit o sumasama sa mga babae."




"Eh nakausap mo na ba si Vander?"




"Dipa, ngayon sana kaso wala siya." Yah, hindi pumasok si Vander ngayon kaya nakabeast mode si Aleah, baka daw nag date sila nong Eya.




"Ang kilala ko lang naman na Eya eh yong first love niya na pinsan mo." Wait! Oo nga no?




"Baka naman yong pinsan mo yun?"



"Huh? Imposible yun." Tch. Imposible namang siya yun eh nagagalit nga siya sa Eya na yun diba? Tsaka wala akong pinsan na mukang pokpok!




"Sabagay.. Nga pala, Asan na si Eya?"




"Bakit mo naman hinahanap?"




"Wala lang. Akala ko kasi ipapakilala mo siya Kay Vander."
Tange! Paano ko pa ipapakilala eh magkakilala na sila! Tsk.



"Hindi na kailangan. Andyan naman na si Aleah eh!"



"Sabagay.."






VANDER'S POV

IVAN CALLING..

"Oh?"

["Bakit di ka pumasok?"]

"May inasikaso lang."

["Magkita tayo sa Bar."]

"Huh?"

["Psh! Ang sabi ko magkita tayo sa bar. Kailangan nating mag usap. Aantayin kita, 6 pm!"]

"Pero---" toot.. Tooot..

Putik! Binabaan ba naman ako! Tch. Ano bang sasabihin niya?




Hindi ako pumasok ngayon ngayon dahil naguguluhan pa rin ako. Hindi ko kasi Alam kung si Eya ba talaga na pinsan ni CM yong kasama ko kahapon o nagpre pretend lang na Eya.




Bukod kasi sa wala siyang hawig dun sa batang Eya dun sa picture eh sobrang Arte niya pa. Pinagsisisihan ko tuloy na sinamahan ko siya kahapon. At tsaka isa pa, sa tuwing nababanggit ko si CM eh iniiba niya yong topic. Tinatanong ko pa nga siya kung bakit di man lang pinaalam ni  CM samin na dumating siya pero parang hindi niya Alam yong mga sinasagot niya. Feeling ko tuloy hindi siya yong Eya na first love ko.




Kahit sa picture ko lang nakita si Eya noon, sobrang namangha na ako sa kagandahan niya. Tsaka sabi sakin ni CM, mabait daw si Eya, matalino at medyo masungit.




Naisip ko din, imposible namang nagsinungaling sakin si CM na patay na si Eya. Bakit niya naman sasabihin yun kung di totoo diba?






IVAN'S POV

Papunta akong bar ngayon dahil magkikita kami ni Vander. Tapos na rin ang klase namin at kahahatid ko lang Kay Sabrina sa bahay nila. Gusto ko lang maliwanagan kung sino ba yong Eya na yun at bakit sila magkasama ni Vander.




"Good evening sir." Bati nong Guard bago ako pumasok.





Nilibot ko yong paningin ko at nakita ko si Vander na nakaupo sa likod at umiinom mag isa. Kanina pa siya rito?





"Kanina ka pa?" Napatingin siya sakin at umiling.





"Ano bang pag uusapan natin Ivan?" Seryoso niyang tanong.





"Sino yong babaeng kasama mo sa Teries Cafe kahapon?" Napakunot noo siya sa tanong ko.





"Nakita mo?"






"Hindi lang ako, buong tropa."





"Paanong?"





"May nagbigay sa bahay nila Sabrina ng litrato mo kasama ng isang babaeng nagngangalang Eya."





"Uh, so? Masama bang sinamahan ko lang yong pinsan ni CM?" Huh?





"Pinsan?"





"Oo, siya si Eya. Yong pinsan ni CM."





"Pero sabi ni Sabrina, hindi siya yun. Nag aalala nga siya Kay Aleah dahil mukang galit na galit siya sa nakita niya, ganon din si Sab. Vander, kilala ni Sabrina si Eya, kung si Eya yun bakit siya magagalit?"





"Hindi ko rin Alam. Ewan ko, actually kahit ako naguguluhan. Ang sabi kasi ni CM sakin Patay na si Eya. Pero may nag text sakin kahapon na kung gusto ko daw makita si Eya na first love ko eh pumunta ako sa Teries Cafe, noong una Parang ayaw Kong maniwala kasi sabi ni CM patay na daw siya, pero naisip ko wala namang masama kung I ta try ko. Ayun nga, nakita ko siya sa Cafe, sabi niya siya daw yong pinsan ni CM tas nagpasama siya sakin sa mall. Di ko naman siya matanggihan dahil Baka pag may nanyareng masama sa kanya baka kung anong magawa sakin ni CM."





"Anong nga ulit? Patay na siya sabi ni Sabrina? Pero bakit nandun siya?"






"Oo yun ang sabi ni Cm, ewan ko nga bro eh. Naguguluhan din ako."





Bakit wala namang nabanggit sakin si Sabrina na patay na si Eya? At kung patay na nga siya, sino yong Eya na nagpakilala Kay Vander? Sa tingin ko, nag pepretend lang yong babae na siya si Eya. Pero bakit? Sino siya? At sino rin kaya Yong nag text Kay Vander? Iisa lang kaya sila? Anong kailangan nila sa kaibigan ko? O baka naman samin? Bakit nila kilala si Eya na pinsan ni Sabrina?

My Ex Boyfriend, My Fiancee [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon