GWEN'S POV
Ewan ko kung anong nakain ni Aleah at kailangan naming sundan si Sab? May nangyayare talagang hindi ko Alam.
Pagdating namin sa bahay Ay agad kaming pumasok at hinanap si Sab pero hindi namin makita.
"Aleah, nakita mo?" Tanong ko sa kanya dahil pinuntahan niya ang kwarto ni Sab.
"Wala eh. Asan kaya yun?"
"Baka sa Garden." Biglang sabi ni Tin.
"Tara!" Sumunod kaming lahat Kay Aleah at nagulat kami sa nadatnan namin sa may Garden.
VANDER'S POV
Nagulat kaming lahat ng makita si CM na umiiyak habang may hawak hawak na pusa.
Pusa? Ang natatandaan ko yang pusang yan yong bigay ni Ivan noong birthday niya.
"Akala ko mahal niya ako, bakit di niya ko pinaglaban. Bakit sumuko agad siya.. Nagsawa na ba siya? Bakit ganon Chummy? Bakit niya ko iniwan?" Umiiyak niyang sabi, hindi niya pa kami napapansin dahil nagtago kami sa may pintuan pero kitang kita namin siyang nag eemote.
"Uy anong ginagawa mo?" Tanong ni Tin Kay Renz dahil Vinivideo ni Renz si CM habang umiiyak. Alam ko na ang plano ng lalaking to.
"Pwede ba wag kang maingay." Suway nito at hindi pinansin si Tin.
Tahimik lang kaming lahat na nakikinig. Sa tingin ko Mahal pa rin ni CM si IVan.
"Ivan naman eh, sabi mo mahal mo ko, sabi mo hindi ka magsasawang maghintay na mapatawad kita. Kahit kelan talaga ang tanga tanga mo, eto na nga oh, napatawad na kita! Pero umalis ka naman! Tch!" Nagulat kami ng tumayo siya at agad nagtago dahil akala namin papasok siya pero..
"Ivan! Napatawad na kita! Ang tanga ko diba? Nasaktan, Naloko, Napaglaruan. Pero wala eh, Mahal kita eh! Kaya sana naman bumalik kana, kasi.. Kasi hindi ko kayang mawala ka pa ulit.. Wala na Kong pakialam kung masaktan pa ako ulit, basta ang Alam ko, handa akong magpakatanga at mahalin ka!"
"EARL IVAN RODRIGUEZ!! MAHAL KITA! MAHAL NA MAHAL KITANG G*GO KA!" Haha! Sabi ko na nga ba eh, paano ba yan Ivan, Mahal ka pa naman pala ng babaeng mahal mo eh.
"Whoooah!!! Totoo ba yan CM?" Biglang sumigaw si Ethan kaya ayun nakita na tuloy kami ni CM.
"Kanina pa kayo dyan?" Gulat niyang tanong.
"Narinig namin lahat." Sagot ko.
"Tsk!" Sabi niya.
"CM, Sorry.." Ako
"Para saan?"
"Sa lahat lahat ng maling nagawa namin sayo. Hindi namin sinasadya.." Renz.
Ang tahimik ng paligid at tanging buntong hininga lang namin ang naririnig. Seryoso lang kaming nag uusap usap.
"CM, Alam naming nasaktan ka namin.. Sana mapatawad mo kami, CM Sorry, Sorry talaga.." Napaiyak na si Ethan, at ganon din kami ni Renz. Noong nawala si CM, sobra kaming nalungkot dahil parang tunay na kapatid na ang Turing namin sa kanya. Siya yong tinuturing naming little sister lalo nat wala kaming kapatid na babae.
"Sana lang hindi pa huli ang lahat.."
"Tapos na yun, kalimutan na natin. Besides, nangyare na. Napatawad ko na kayo kasabay ng pagpapatawad ko Kay Ivan. Sorry din dahil naging ma pride ako." Napangite ako sa sinabi niya.
"Talaga? Napatawad mo na kami CM?" Renz. Tumango lang si CM.
"Whoooah!!" Sigawan nila Ethan at Renz Sabay yakap Kay CM.
"Uh, Can't breath.." CM
"Pano ba yan Gwen?" Sabay wink ni Ethan the chickboy Kay Gwen.
"Alam mo na Tin, Haha!" Renz At inakbayan pa niya si Tin.
"Hoy! Hindi ibig sabihin na okay na tayo eh, pwede na kayong chumansing sa mga kaibigan ko! Manligaw Muna kayo!" Binatukan niya pa si Ethan at Renz.
"Oo naman CM." Renz na abot tenga ang ngite.
"Subukan niyo lang saktan yang mga yan, ingungudngud ko kayo sa kanal!" Brutal naman Neto!
"Dont worry CM, never Kong sasaktan si Gwen."
"Aba! Sinong ponsyo pilato ang nagsabing pwede mo akong ligawan ha?"
"Aba Malay ko! Basta liligawan kita, Sa gusto at sa gusto mo."
"Che! Bahala ka sa buhay mo!" Sabay walk out ni Gwen at sinundan naman ni Ethan.
Si Tin at Renz ayun akala mo sila na, naghaharutan sa may sala habang nanonood ng Spongebob.
Si Aleah pumasok na din sa loob, di man lang ako napansin. Sabagay, hindi niya naman talaga ako pinapansin eh.
"CM, Ayos ka lang?"
"Huh? Oo naman.."
"Don't worry, magiging maayos din ang lahat. Alam Kong kayo pa rin ni Ivan sa huli, Maniwala ka."
"Sana nga Vander. Sige na kausapin mo na siya."
"Huh?"
"Tsk. Kausapin mo na si Aleah." Ah. Yun pala yun. Napangite nalang ako.
"Sige."
BINABASA MO ANG
My Ex Boyfriend, My Fiancee [COMPLETED]
Novela JuvenilSabrina is known as a CERTIFIED MALDITA! However, she is also one of those girls who is numb and bitter when it comes to love, ever since her ex-boyfriend used and deceived her just to get back with his true love. What if she finds out that her ex...