RENZ'S POV
Nandito kami ngayon Sa 4ever Room. Saamin ang kwartong to or should I say tambayan namin. 4 EVER, yan ang pangalan ng grupo namin. Gusto niyo bang malaman kung bakit 4 EVER?
4 - apat kami.
E - Earl Ivan Rodriguez
V - Vander Ramirez
E - Ethan Tolentino
R - Renz Bustamante
Oh ayan na yong trivia ah!
Nagpaplano na naman kami ng pwedeng gawin para makausap na ni Ivan si CM. Sa totoo lang kasi hindi naman ginusto ni Ivan yong nangyare dati, that time kasi bago niya makilala si CM, nagbreak sila ni Tarah ( si Tarah ang nakipagbreak ). Dahil mahal na mahal ni Ivan si Tarah lagi niya itong sinusuyo ay nagmamakaawa na balikan siya nito.
Hanggang sa Dumating si CM dito sa Blind Academy at naipasa sa kanya ang title na Crown Princess ( Natalo niya si Tarah), pagkatapos siya rin ang ibinoto ng karamihan bilang Student President ( Natalo ulit si Tarah. )
Simula noon kinainisan na siya ni Tarah. Walang araw dati na hindi siya pinagtitripan ni Tarah, pero dahil may Maldita side din si CM lumalaban siya rito. Sila ang kilala bilang matalik na magkaaway. Then one day, naging Close si CM at Ivan. Pinakilala pa nga siya saamin ni Ivan na friend niya eh.
Doon namin mas nakilala si CM. Si Vander din ang nagpangalan yan sa kanya, CM satands for Certified Maldita. Until, naging mag best friend si CM at Vander tapos lagi narin siyang sumasama sa tropa namin.
Naaalala ko pa nga na kwinento saamin ni CM na Na love at first sight daw siya Kay Ivan. Crush niya si Ivan noon pero yong loko masyadong manhid dahil Si Tarah parin daw ang mahal niya. Pero para saamin mas gusto namin si CM para Kay Ivan.
Isang araw nagulat nalang kami dahil kumalat sa buong Blind Academy na si CM at Ivan na. Syempre hindi kami makapaniwala.. Ang alam kasi namin si Tarah parin ang mahal ni Ivan. Tinanong namin siya that time kung seryoso ba talaga siya at ang sabi niya naka move on na daw siya at nainlove siya Kay CM kaya hindi na namin sila pinigilan. At dahil crush din naman siya ni CM eee sinagot niya agad ito.
Ng malaman yon ni Tarah lalo siyang nainis Kay CM. Kulang nalang isumpa niya ito pero lagi naman siyang pinagtatanggol ni Ivan. Minsan nga na O OP na kami pag magkakasama kami dahil sobrang sweet nilang dalawa. Mas lalo naming nakilala si CM. At botong boto kami sa kanilang dalawa.
Pero one day sa hindi sinasadyang pagkakataon narinig naming nag uusap si Tarah at Ivan. Inamin ni Ivan saamin na hindi niya talaga mahal si CM at ginagamit niya lang ito para bumalik sa kanya si Tarah. Sobra kaming nagalit sa kanya at gusto naming sabihin Kay CM ang totoo pero nakiusap saamin si Ivan. Wala na kaming nagawa kundi sumunod Kay Ivan na Magpanggap na mahal niya si CM. Ang alam lang namin ay inutusan siya ni Tarah na paibigin si CM at iwan ito sa huli para umalis ito sa Blind Academy para maagaw niya ang lahat Kay CM. Ang nakakainis lang ginamit niya pa talaga si CM.
Ngunit may kasabihan nga na WALANG LIHIM NA HINDI NABUBUNYAG!
Nandito kami non sa tambayan at nag uusap usap about doon sa plano ni Ivan. Hindi namin namalayan na pumasok pala si CM at narinig lahat ng sinabi namin, syempre nagulat kami tapos bigla namang dumating si Tarah that time. Wala ng nagawa si Ivan kundi sabihin ang totoo Kay CM.
Iyak lang ng Iyak noon si CM. Gusto namin siyang I comfort pero galit din siya sa Amin. Nagmakaawa pa siya Kay Ivan na siya nalang ang piliin nito pero mas pinili ni Ivan si Tarah at sinabi niya na ginamit niya lang Si CM para magkabalikan sila ni Tarah!
Pagkatapos ng pangyayaring yon, wala na kaming balita Kay CM. Hindi narin siya pumasok dito sa Blind Academy. Hindi na naming siya muling nakita. Sabagay, hindi ko rin naman masisisi si CM kung Galit parin siya sa amin ngayon. Nagbago na nga talaga siya! Nagbago na ang Sabrina Park na nakilala at naging kaibigan namin.
"May Sunog!"
"Ha? Nasaan? Nasaan ang sunog?" Natataranta kung sabi.
"Aray ano ba?" Binatukan kasi ako ni Ethan.
"HAHAHA! Walang sunog!" Natatawang sabi ni Vander.
"Tsk. Kinabahan pa naman ako. Loko talaga kayo."
"Tulala ka kasi dyan. May problema ba?" Tanong ni Ivan.
"Huh? Wala, may naalala lang ako! Ano nga palang plano Ivan?"
"Ako na munang bahala!" Sagot nito.
"Sana makausap mo na siya bro at sana mapatawad niya na tayo!"
"Sana nga..." Ivan.
BINABASA MO ANG
My Ex Boyfriend, My Fiancee [COMPLETED]
Teen FictionSabrina is known as a CERTIFIED MALDITA! However, she is also one of those girls who is numb and bitter when it comes to love, ever since her ex-boyfriend used and deceived her just to get back with his true love. What if she finds out that her ex...