CHAPTER 12: Welcome to Philippines

3.3K 68 0
                                    

SABRINA'S POV

Ginising ko na yong tatlo dahil pababa na yong sinasakyan naming eroplano.



Nang makababa kami sa plane ay bigla ba namang sumigaw si Tin at Gwen kaya pinagtitinginan tuloy kami.



"Whoahh! My gosh anganda pala dito." Talon talon with matching palakpak pa talaga si Tin. Naku isip bata talaga ang isang to.



"Grabee! Ganito pala rito?" Gwen na parang tanga. Yong totoo kaibigan ko ba mga to? Para kasi silang takas sa mental eh? Sabagay mga first timer kasi eee.



"Uyy tumahimik nga kayo, pinagtitinginan na tayo oh?" Sabi ni Aleah. Si Aleah kasi may experience na yan dito. Taga dito Daddy niya pero nang mamatay ito ay nag migrate na sila sa Canada.



"Paano ba namang di tayo pagtitinginan eee ngayon lang sila nakakita ng Dyosa na tulad natin." Tsk. Magpinsan nga talaga sila ni Claud. Yabang eee. Pero at least totoo naman.



"Tumpak girl!" Maarteng sabi ni Tin. Para po sa pagkakaalam niyo, Si Tin ang pinaka maarte saamin, mahilig din yan sa fashion. Si Gwen naman ang boyish saaming apat pero Dyosa tulad ko. Si Aleah naman siya yong parang ate namin lalo na pag may problems kami, Matured kasi mag isip, may pagka maarte at masungit pero mabait. At ako naman ay ang pinakamaldita saamin lalo na sa mga kaaway ko, kilala ako bilang Certified Maldita.





"HAHAHAHAH.." Tawanan namin habang naglalakad pasakay sa taxi. Wala yong car ko eh, naiwan.. Mamimiss ko rin yon. TSS...





"Manong sa Elites Subdivision po." Sabi ko sa driver ng makasakay kami sa taxi. Yong Elites Subdivision kasi mga elite ang nakatira dyan kasama na ako.





"Manong dito na po!" Napansin ko kasing Nasa tapat na pala kami ng bahay ko.





"Eto po oh, Salamat po." Binigay ko na yong pamasahe namin at umalis na yong taxi.





"Ghadd girl! Eto ba yong bahay mo dito? Grabe angganda!" Manghang manghang wika ni Aleah.





"Oo nga parang mas malaki pa to sa bahay niyo sa Canada at sa bahay namin. Grabe anlaki." Di makapaniwalang turan ni Gwen.





"My gash best! I can't breath, its so laki to the highest mountain." Ano ba yan kailan pa natutong mag conyo si Tin? Ang alam ko lang naman maarte lang talaga siya magsalita.





"Uyy Tin? Umayos ka nga para namang dika marunong magtagalog eh noh?" Pambabara ko sa kanya.





"Eee? Hayaan niyo na ko trip ko lang para naman maniwala sila na first time ko lang rito kaya hindi ako marunong magtagalog!" Explain niya.





"Hayys. Bahala ka nga! Tara na pumasok na tayo pagod ako.." Nauna na akong naglakad at binuksan ang gate. Nasaakin ang susi nito pero may isa pang duplicate ito na Kay Mang Andoy. Siya yong hardinero ko at the same time siya rin ang nagbabantay nitong bahay noong wala ako. Pero mukhang wala ata siya ngayon.





Pagpasok ko..

Ganun parin, walang pinagbago..
Ganon parin yong mga ayos ng gamit..
Wala ring nabawas at nadagdag..
Malinis pa rin siya..
Grabee, I miss this house and this place...





"Nyaww... Nyawww.." Nagulat ako ng may biglang lumapit saaking pusa na animoy may gustong sabihin. Lumapit pa siya saakin at winawagayway niya yong buntot niya sa paa ko.





"Nyaww..." Malungkot na asal nito. Hindi parin ako makaalis sa kinatatayuan ko. Bakit nandito parin to?





"Waw! Anlaki talaga at ang ganda!" Sigaw ni Gwen habang papasok sila.





"Oh Sab? Anyare sayo? Parang nakakita ka ng multo?" Tanong ni Aleah. Hindi pa nila napapansin yong pusa.





"Kaya nga- wait! Omy! Sab, pusa mo ba yan?" Nagniningning pa ang mata ni Gwen.





"Huh? Ah, hindi eee.." Pagsisinungaling ko.





"Eh bakit nandito?" Tanong ni Aleah.





"Dunno!"





"Nyaww... Nyaww..."





"Oh? Ancute mo naman!" Lumapit si Gwen at kinarga yong pusa.





"Gwen, di kaba nandidiri dyan? Ewey.." Maarteng tanong ni Tin. Napatingin ako Kay Gwen, halatang gustong gusto niya yong pusa.





"Huh? Hindi no! Ancute niya kasi eee. Sab, sino nagbigay sayo?"





"Ano bang pinagsasabi mo Gwen? Hindi nga sakin yan eee."





"Talaga? Bakit ayaw mo sa kanya?" Nu ba namang klaseng tanong yan Gwen?





"Kasi hindi ko siya gusto."





"Tsk. Pilosopo."





"Sab, mauna na kami sa taas ah? Busy pa kasi kayo dyan eee." Singit ni Aleah.





"Oo nga, I want to rest na." Dagdag ni Tin. Binigay ko yong susi ng room nila at sinabi ko kung saan. Pagkasabi ko umalis na sila dala yong mga maleta.





"Tsk.. Mauna na ko sa taas." Sabi ko Kay Gwen na busing busy sa pusa. Tumalikod na ako pero napahinto ako sa sinabi ni Gwen.





"Sab, namiss ka daw ng alaga mo!" Di na ako lumingon at nagderetso na sa kwarto ko.





Namiss niya daw ako?

Don't tell me, nakakausap ni Gwen yong pusa? Eee hindi naman nagsasalita yun?







My Ex Boyfriend, My Fiancee [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon