CHAPTER 34: Runaway

3.2K 69 0
                                    

SABRINA'S POV

Humarap siya ng nakangite at naglahad ng kamay samantalang ako tulala at hindi pa rin ma process ng utak ko lahat ng nangyayari.


"Nice to meet you Ms. Park." Nakangiteng sabi niya habang nakalahad ang kanyang right hand.


"Sabrina!" Suway saakin ni Dad dahil di ko parin inaabot yong kamay ng fiance ko daw.


Hindi ko Alam ang gagawin ko sa mga oras na to..

Tatakbo na ba ako?

Uupo at hahayaang maikasal sa lalaking nasa harap ko?

O

Magdasal nalang ako na sana Lamunin na ako ng lupa?

Mygadd.. Ayoko na! I can't believe this!

Of all people ba naman?

Parang mas gusto ko pang maikasal sa pangit eee kesa sa kanya...huhuju!

At sa huli..

Mas pinili Kong tumakbo at umalis sa lugar na yon.

Hindi ko kaya! Halo halong emotion yong nararamdaman ko.

Dali dali akong umalis sa black hotel at pumunta sa park na malapit . Hindi ko na Alam kung nasan yong mga kaibigan ko kanina.


Alam Kong magagalit at madidisappoint sakin si Dad pero hindi ko talaga kaya! Hindi ko kayang maikasal sa lalaking kinaiinisan ko!


Umupo ako sa may bench at hindi ko maiwasang maiyak.. Bakit ganto? Ano po bang nagawa Kong masama at pinarurusahan niyo ako?


Puro na lang ba kamalasan yong dadating sa buhay ko?










IVAN'S POV

Bigla na lang siyang tumakbo kaya agad ko siyang hinabol. I'm sure na nagtataka si Dad at Tito sa nangyari pero saka ko nalang ee explain, ang mahalaga ngayun mahabol ko si Sabrina.


Napansin Kong tumigil siya sa park at umupo, I know she's crying! And its because of me again..


"Sabrina,," Tumingin siya saakin habang umiiyak.


"Anong ginagawa mo rito?" Masungit niyang sabi at pinusan ang luha niya Sabay Iwas ng tingin.


"I'm sorry.." Sa lahat ng nagawa ko sa kanya Siguro hindi sapat ang sorry ko para mapatawad ako ni Sabrina.


"Yan na lang ba ang sasabihin mo huh Ivan? Sorry? Ano bang magagawa ng sorry mo sa lahat lahat ng sakit na dinulot mo sa buhay ko! Huh?" Galit niyang sabi.


"Alam mo bang pinagsisisihan ko na dumating ka pa sa buhay ko! Sana hindi nalang kita nakilala, sana hindi nalang kita minahal, Sana hindi ako umasa, edi sana hindi ako nasaktan, sana hindi ako ganto.. Sana... Sana hindi ka nalng dumating sa buhay ko!!" Gusto ko man siyang yakapin pero Alam Kong hinde pwede. Masakit! Masakit makita yong taong mahal mo na nasasaktan ng dahil sayo.


"Sabrina, Alam Kong hindi mo na ako kayang mahalin pa ulit, pero sana.. Sana mapatawad mo ako." Umiiyak kong sabi at lumuhod sa harap niya. Gusto ko lang naman na mapatawad niya ako, hindi ko na ipagpipilitan yong sarili ko sa kanya kung yun ang gusto niya.


"Hindi ko Alam kung paano kita mapapatawad!" Tumayo siya kaya hinawakan ko yong kamay niya.


"Sabrina please.. Kahit yun nalang.. Magiging masaya nako.. Patawarin mo lang ako, kami nila Vander.. Wag kang mag alala, kakausapin ko si dad na wag ng ituloy ang kasal natin, Alam ko namang hindi mo to gusto eee, Alam Kong di ka masaya."Handa na akong palayain si Sabrina kung yun ang ikaliligaya ng taong mahal ko kahit mahirap para sakin.


"Bakit sa tingin mo ba papayag talaga akong maikasal sayo? Mas gugustuhin ko nalang tumira sa Korea at magmanage ng company kesa magpakasal sa taong manloloko! Sana pala sa una palang di na ako pumayag sa fiance fiance NATO! Edi sana hindi na kita nakita ulit! Bwes*t!"



"Wag kang mag alala, hindi na kita guguluhin pa. Hindi na ako lalapit sayo. Lalayo ako kung yan ang gusto mo.Sabrina mahal kita.. Mahal na mahal kita!" Wala na akong pakialam kung pinagtitinginan na ako- kami ng mga tao dito.




"Hindi na kailangan.. Babalik na ako ng Canada! Wala ng rason para manatili pa ako rito!"




"Pero Sabrina?" Iiwan na naman niya ko? Hindi ba pwedeng dito nalang siya..




"Bitiwan mo na ako Mr. Rodriguez!" Pilit niyang tinatanggal yong pagkakahawak ko sa kamay niya pero imbis na bitawan ko ito hinila ko siya sakin paharap at niyakap ng mahigpit.




Ang sarap sa pakiramdam na yakap yakap ko na ulit yong taong mahal ko. I thought itutulak niya ko o susuntukin pero hinayaan niya lang akong yakapin siya.




"Mahal kita! Mahal na Mahal kita Sabrina.." Bulong ko sa kanya, hindi pa rin ako bumibitaw sa pagyakap sa kanya. Nararamdaman Kong umiiyak pa rin siya.




"Sana mapatawad mo ako sa lahat lahat ng nagawa ko sayo,  pinagsisisihan Kong sinaktan kita. Maniwala ka, Minahal kita! Kung maibabalik ko lang ang nakaraan.."




"Bakit? Bakit ang sakit sakit?!!" Humahagulgul nitong sabi.




"Sabrina.."




"Sobrang sakit pa rin! Hindi mo Alam kung gaano ako nasaktan noong mga panahon na mas pinili mo si Tarah kesa saakin! Nagmakaawa ako sayo na ako nalang ang piliin mo kahit na Alam Kong malabo, Ivan.. Minahal kita.. Minahal kita higit pa sa buhay ko, pero pinagmuka mo lang akong tanga."




"Simula nang nakipaghiwalay ka sakin at si Tarah ang pinili mo, naging miserable na yong buhay ko! Lagi Kong tinatanong sa sarili ko.. May kulang pa ba sakin? May Mali ba sakin? May nagawa ba akong masama? Para iwan ng lahat.. Pero Alam ko namang wala na talaga eee.. So, I decided na bumalik ng Canada." Nakikinig ako sa sinasabi niya habang tuloy parin ang pag agos ng luha niya habang nagsasalita.




"Naging bitter ako pagdating sa pag ibig. I prefer to be a loner.. Until I met them, yong mga best friend ko.. They made me realize that I live in this world to be happy, to enjoy what life is, they help and taught me how to moved on. And one day, I just knew to myself na tama sila, hindi ko dapat sinasayang ang oras ko sa mga taong nanakit sakin, narealized ko nalang na naka moved on na nga ako. Ginawa ko ang lahat makalimutan ko lang ang sakit, ginawa ko ang lahat makalimutan lang kita!"




"Pero dahil nga may galit sakin si tadhana, sa dinami dami ng lalaki sa mundo, bakit ikaw pa ang naging fiance ko?" Nakatingin lang ako sa kanya at hindi ko maiwasang mainis sa sarili ko.





"Ayoko na... Pagod na pagod na ko! Babalik nalang ako ng Canada, tutal hindi naman na matutuloy yong kasal. Kung kelangan niyo ng pera para sa companya niyo, kakausapin ko nalang si Daddy, hindi na natin kailangang magpakasal. Ayoko ng makasira pa ulit ng relasyon."





"Hindi ko Mahal si Tarah, nagkamali ako. Sabrina hindi mo na ba talaga ako mapapatawad?" Tumingin ako sa mga mata niya.

My Ex Boyfriend, My Fiancee [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon