ETHAN'S POV
"Hi CM." Bati ko Kay Sab ng dumaan sila dito sa hallway kasama ng mga kaibigan niya. Pero hindi man lang ako pinansin. Diba nga, gagawa kami ng paraan para magka ayos sila ni Pareng Ivan.
"Saklap bro! Ni hindi man lang tumingin." Wika ni Renz.
"Tsk. Tingnan niyo kakausapin ako niyan." Paninigurado ko at hinabol sila CM para harangan.
"Okay kung ayaw mo ng CM, Sab gusto ka daw makausap ni Ivan." Parang nakakatakot talaga siya ngayon, ibang iba na siya sa Sab na nakilala namin dati.
"You know what? Please say to your friend that im busy... And can you please excuse as I don't talk to strangers." Mataray nitong sabi sabay bangga ng braso ko at umalis sumunod naman yong mga kaibigan niya. Pero nahuli yong isa at..
"You hear my best right? She doesn't talk to Strangers! Tsk. Alis!" Nakangisi nitong sabi nong katabi ko sa room sabay bangga ulit ng braso ko. Naiwan nalang akong tulala.
"Bro, kinausap ka nga!"tsk. Napahiya na nga ako nakuha pang mang asar ng loko.
"Ikaw kayang kumausap Renz." Utos ko dito.
"Tsk. Oo ba tingnan niyo hindi ako non matitiis." Pagmamayabang nito.
"Talaga lang ah!" Sabay pa kami ni Vander.
UWIAN...
" Uy Renz ayon na sila oh!" Turo ko sa paalis na grupo ni CM.
Tumakbo si Renz at katulad ng ginawa ko kanina hinarangan niya ang mga ito sa pintuan.
"Ah hey girls! Pwede ba ako sumabay sa inyo?" Kala ko ba kakausapin niya lang si CM.
"Of course you can!" Sagot nong may pagka Conyo. Hindi ko alam pangalan eh.
"Talaga?" Ano bang binabalak niya.
"Oo naman. Basta ba dapat gumapang ka sa lupa habang naglalakad kami."
"HAHAHAHAHAHAHHA!!" Tawanan naming lahat, grabe kung makita niyo lang ngayon si Renz parang mamamatay na sa kahihiyan.
"Anong sabi mo? Tsk. Wag nalang nagbibiro lang naman ako!" Lagot ka dyan Conyo Girl.
"Really? Your weak naman pala eh!"
"Tsk. Hindi nam-"
"Tama na nga yan! Pwede ba padaanin mo kami? Sinasayang mo lang oras namin." Pagputol ni CM sa sasabihin ni Renz.
"Paano kung ayaw ko?" Malokong sabi naman ni Renz. Kami naman nakatingin lang sa kanila.
"Ayaw mo huh? Let's go girls!" Sumenyas si CM sa mga kaibigan niya. Parang may binabalak sila na Ewan?
Maya maya pa...
Blagg..
Toink... Toink...
"Awwwwh!!"
Watdaheck???
Napatumba nila si Renz. Sinipa lang naman ni Conyo Girl yong pagkalalaki ni Renz tapos pinagbabatukan siya nong tatlo. Saka sila nagtakbuhan. Agad namin nilapitan si Renz na namimilipit sa sakit habang hawak hawak yong sinipa ni conyo girl kanina.
"Bro are you alright?" Nag aalalang tanong ni Ivan.
"Tsk. Mukha ba akong okay? Ang sakit kaya!"
"Sana kasi hinayaan mo na sila ayan tuloy baka mabaog kana. Hahaha!" Sabi ko sabay tawa.
"Tsk. Humanda sakin yong Conyo Girl na iyon. Makakaganti rin ako." Halatang naiinis siya Kay Conyo Girl dahil sa nangyare.
TIN'S POV
HAHAHAHAHAHAHA!!
Hanggang ngayon tawa parin kami ng tawa dahil don sa nangyare kanina. I feel sorry for him sa ginawa ko pero he deserve that! Ang kulit kasi eh!
"HAHAHAHAH" Tawa ko ulit. Paano ba naman kasi naaalala ko parin yong face niya kanina, gwapo pa naman sana siya pero dahil kaaway siya ni best Sab ay naiinis ako sa kanya. Naalala ko naman yong itsura niya kanina.. Ang EPIC.
"BWAHAHAHHA HAHA MAMAMATAY NA ATA AKO HAHA SA KAKA- HAHA.. TAWA HAHAHA!"
"Nabaliw na ata." Narinig Kong sabi ni Aleah.
"Hindi maka move on." Sabi naman ni Sab.
"Baka naman tinamaan na!"
"Anong sinabi mo Gwen?Ako tinamaan?" Doon sa lalaking yon? Never!
"Bingi ka na din ngayon? Oo bakit.."
"Tsk. Never! Over my oh so sexy body! Hindi ako magkakagusto sa lalaking yon?" Wait? Tama ba yong sinabi ko?
"Oh wala kaming sinabi ah! Ikaw lang nagsabi niyan Tin." Mapanuyang wika ni Aleah.
"Why so defensive best?" At Ginaya pa ni Gwen yong Boses ko.
"Tama na nga yan, matulog na tayo.." Sabi ni Sab at naglakad na.
"Tin? Don't dare to fall in love with that guy if you don't want to be hurt." Sabi nito at tumalikod na.
What does she mean?
Naiwan nalang akong tulala sa sinabi ni Sab.
BINABASA MO ANG
My Ex Boyfriend, My Fiancee [COMPLETED]
Roman pour AdolescentsSabrina is known as a CERTIFIED MALDITA! However, she is also one of those girls who is numb and bitter when it comes to love, ever since her ex-boyfriend used and deceived her just to get back with his true love. What if she finds out that her ex...