SABRINA'S POV
Maaga akong nagising ngayon para pumasok. Nag ayos na ko ng sarili at bumaba. Siyempre naka all black na naman ako. Nang makababa ako ay agad Kong nakita si Manang na naghahanda ng breakfast.
Wala parin si Dad dahil nasa business meeting siya sa Korea. Ang Alam ko next week pa sila uuwi.
Pagkatapos Kong kumain ay nagpaalam na ako Kay manang na umalis. Pagkarating ko sa School ay nagbubulungan na naman yong mga estudyante. Ganyan naman lagi eee..
Naglalakad ako ng biglang nag ring yong phone ko, nag text si Tin na Nasa Canteen daw sila dahil wala daw yong prof. Namin sa first subject. Kaya naman naglakad nako patungo sa Canteen.
Pagkarating ko iilan lang ang mga student na nandito, halos classmates ko lang lahat. Kami lang siguro yong walang first subject. Agad hinanap ng mata ko yong mga kaibigan ko. And I saw them na nakaupu sa bandang gitna.
Agad akong lumapit sa Kanila ng hindi ako napapansin. Pero napatigil ako ng makita na kasama pala nila si Claud.
"Sab! Andyan ka na pala! Lika na dito dali.." Pagyaya sakin ni Aleah ng mapansin ako kaya napatingin naman sila Tin.
Lumapit nalang ako sa kanila at umupo.
"Mabuti naman dumating kana Sab kanina ka pa kasi hinahanap samin ni Claud." Sabi ni Tin. Napatingin naman ako Kay Claud. Wala naman, nakangite lang siya sakin at kumindat pa.
"Hi Sab!" Bati ni Claud ng nakangite parin. Tumango lang ako.
"Uy! Guyss nakita niyo yon? Hindi inisnab ni Sab si Claud ngayon.. Ayiee.." Masyado bang big deal yon sa kanila?
"Oo nga.. Ayiee.." Pang aasar nilang tatlo. Napa iling nalang ako.
"Ahmm... Sab, what do you want to eat?" Tanong ni Claud. Katatapos ko lang kayang kumain? Teka nga! Hindi ba nag breakfast tong mga to? Ang aga aga lumalamon.
"Burger at Mango shake nalang." Ewan ko ba busog pa naman ako eh pero kasi nahihiya akong tanggihan siya. Ano bang nangyayare sakin? Kanina pinansin ko siya tas ngayon pumayag akong bilhan ako ng pagkain ko. Di naman ako ganito dati pagdating sa kanya lagi ko lang siyang iniisnab dati. Am I falling in love with him?
"Okay!" Masayang sabi nito at umalis na para bumili. Nagtitilian naman yong mga classmates Kong nandito pati na yong tatlo Kong kaibigan.
"Mayghadd!! CLARINA loveteam na talaga ako!" Sigaw ni Mich, at nagtilian naman sila lahat.
A/N: CLARINA means CLAud and sabRINA.
"Best nikikilig tologo oko.." Pabebeng sabi ni Gwen.
Pagkarating ni Claud may dala siyang tray na may lamang burger, mango shake, kanin at adobo. Paano niya nalaman na favorite ko ang adobong manok?
"Bakit may kanin at adobo? Burger at shake lang naman yong sinabi Kong bilhin mo ah?" Tanong ko at naupo na siya.
"Para mabusog ka. Ayoko kasing nagugutom yong mahal ko!" Nakangiteng sagot niya. Kikiligin na ba ko?
"Ahmm.. Kainin mo na yan, pasensya na hindi sinangag yang kanin mo wala kasing mabili eee." Teka? Paano niya nalaman na mahilig ako sa sinangag pati tong adobo?
"Nabasa ko lang sa Fb account mo." Kaya pala! Speaking of fb account, matagal na akong di nag oopen ng account ko. I think its almost five years nadin.
Nakikinig lang yong iba saamin. At mga kinikilig. Diko na pinansin yong sinabi niya at kinain nalang yong binili niya.
"Hoy Claud! Anong ginawa mo sa best namin at pinapansin ka na ngayon?"
"Nothing.."
CLAUD'S POV
Grabee! Hanggang ngayon di pa rin ako makapaniwala na pinapansin na ako ni Maylabs. Parang tumatalon sa tuwa yong puso ko. May chance naba para mahalin niya din ako?
Kinukulit ako nila Gwen kung ano daw ba ang ginawa ko Kay maylabs at pinapansin niya na ako. Sabi ko naman wala akong ginawa, totoo naman eee. Habang nag uusap kaming tatlo biglang may nag ring na Cellphone. Napatingin kami Kay Sab nang may kausap siya sa Phone.
"Guyys.. I need to go. Pa excuse nalang ako. Importante lang!" Sabi niya. Sino kaya yong tumawag?
"Huh? Ah! Okay! Ingat!" Sabi ni Aleah.
"Bye girls!" Wika niya at lumabas na ng Canteen habang ako nakatingin lang sa kanya. Hindi man lang siya nagpaalam sakin.. Tsss.
Pero masaya pa rin ako dahil pinapansin at kinakausap na niya ko. This day makes me happy because of her, because of the girl I really love.
BINABASA MO ANG
My Ex Boyfriend, My Fiancee [COMPLETED]
Teen FictionSabrina is known as a CERTIFIED MALDITA! However, she is also one of those girls who is numb and bitter when it comes to love, ever since her ex-boyfriend used and deceived her just to get back with his true love. What if she finds out that her ex...