Dinala ako ng mga paa ko dito sa Park..
Ano ba naman yan!Lahat nalang ng nakikita ko may mga masasakit na memories hayss..
ALEAH'S POV
"Uyy Gwen, anyare dun?" Pababa na kasi kami kanina ni Tin ng marinig namin na parang nag aaway si Gwen at Sab tapos biglang umalis si Sab.
"Nagalit dahil dito." Pusa na naman? Bakit ba kasi naiinis si Sab dyan sa pusa.
"Ikaw naman kasi Gwen, just make tapon tapon nalang kasi yan. Its so mabaho kaya." Tinotoo na talaga ni Tin maging conyo.
"Pero?"
"Gwen sundin nalang natin yong gusto ni Sab. Baka naman kasi may dahilan kaya ayaw niya dyan sa pusa. Tyaka isa pa, first day na first day natin dito nag aaway tayo." Pangungumbinsi ko Kay Gwen.
"Tsss. Fine! Basta wag namang itatapon ibigay nalang natin sa iba." Malungkot na sabi niya.
"Tao po?" Sino yon?
"May tao ata Aleah, buksan mo!" Hindi naman si Sab yon dahil boses lalaki.
Pagbukas ko ng pinto ay may matandang lalaki rito na nakatayo. Eto Siguro yong hardinero na sinasabi ni Sab.
"Ahm.. Magandang Umaga Iha, Kayo ba Yong mga kaibigan ni Ma'am Sab?"
"Ah? Kami nga po. Hinahanap niyo po ba si Sab? Umalis po kasi eee."
"Ahmm.. Hindi naman, kakamustahin ko lang sana kayo dito. Tumawag kasi saakin si Sir Dave na nakarating na raw kayo."
"Ganon po ba? OK lang naman po kami dito."
"Mabuti naman kung ganon. O siya sige maiwAn ko na kayo."
"Ahmm manong wait lang po!" Habol ni Gwen. Jusko dala dala niya pa rin yong pusa.
"Manong, pinabibigay nga pala ni Sab. Kayo na daw po muna ang mag alaga."
"O sige, Iha maraming salamat." Umalis na si Manong.
"Tara na hanapin na natin si Sab." Sabi ko.
Sinara namin yong bahay at umalis. Nasaan kaya ang babaeng yon?
SABRINA'S POV
Saturday na ngayon at pangatlong araw na namin dito.
Ang bilis ng panahon noh?
Kasing bilis Kong magtiwala noon sa taong manloloko.
Naging ok nadin kami ni Gwen. Ang bruha, hingi ng hingi ng sorry saakin eh hindi naman ako galit sa kanya. Galit ako doon sa taong nagbigay ng pusang yon.
Speaking of pusa?
Binigay na daw ni Gwen Kay Manong Andoy ng bumisita ito sa bahay.
Sa ngayon, nandito kami sa Mall para bumili ng Cellphone ko dahil naiwan yong phone ko sa Canada.
Remember? Kaya hindi ako ma contact nila Aleah at Dad noon para sabihing flight ko na pala. Dahil naiwan ko pala ito sa kwarto ko at nakapatay.
Bibili narin kami ng mga gamit namin sa School. Yep, dito na kami mag aaral at sa Monday na kami Papasok. Naenroll narin kami ni Dad kaya wala ng problema.
Yun nga lang hindi ko alam kung saang School ba?
Sana naman wag doon sa School ko dati..
"Guyys, nagtext si Tito Dave." Sabi ni Aleah.
"Among sabe?" Tanong ko.
"Sa Blind Academy daw tayo mag aaral!" Exited na sabi nito.
"What?" Gulat Kong tanong.
"Bingi lang Sab? Blind Academy daw, why?" Curious na tanong ni Tin.
"Nothing.."
Blind Academy?
Lord, pinaparusahan niyo po ba talaga ako?
Sa dinami rami ng School dito, bakit doon pa?
Bakit sa Blind Academy pa?
BINABASA MO ANG
My Ex Boyfriend, My Fiancee [COMPLETED]
Teen FictionSabrina is known as a CERTIFIED MALDITA! However, she is also one of those girls who is numb and bitter when it comes to love, ever since her ex-boyfriend used and deceived her just to get back with his true love. What if she finds out that her ex...