CHAPTER 53: Ouch!

2.2K 45 1
                                    

Agatha's POV

Sinundan ko si Sabrina dahil gusto Kong malaman niya lahat lahat tungkol Kay Ivan. Gusto Kong malaman niyang Mali ang iniisip niya Kay Ivan. Gusto Kong maging masaya ang pinsan ko at Alam Kong si Ivan lang ang makapagpapasaya sa kanya.

"Sab.." Tawag ko at lumapit sa kanya.

"Bakit ganon Eya? Bakit pilit na pinaglalayo kami ng tadhana? Hindi ko na Alam kung makikipagbalikan pa ko Kay Ivan sa lahat ng nalaman ko. Paano kung mahal pa rin niya si Tarah? Pano ako??" Malungkot at halos naiiyak niyang sabi.

"Sab, hayaan mo munang magpaliwag siya sayo..."

"Paliwanag? Para saan pa Eya?! Ayoko ng maniwala sa wala, ayoko ng umasa sa wala. Kung mas mahal niya talaga ako sana Hindi niya ko sinaktan! Sana Hindi niya ko ginamit!"

"Ginawa ko yun dahil yon ang tama.." Nagulat nalang kami pareho ng may magsalita sa tabi namin. Si Ivan pala..

"Ah, Sab.. Alis muna ko ah.. Mag-usap kayo.."

"Ikaw ng bahala sa pinsan ko.." Bulong ko Kay Ivan bako umalis. Kailangan nilang mag-usap.

Habang naglalakad ako napansin Kong may lalaking nakaupo sa may bench ng mag-isa. Parang pamilyar siya sakin kaya nilapitan ko at umupo sa tabi niya. Nang nakaupo ako Ay nalaman Kong si Vander pala.. About him, I know na may gusto siya sakin dati dahil laging kinukwento sakin ni Sab, nain-love daw siya sakin sa picture.. And now ng dahil dun nagiging magulo ang lahat. Alam Kong mahal siya ng pinsan Kong si Aleah at ganon din siya pero masyado kasing madrama si Aleah eh. Magkaiba ang first love sa true love.. Diba?

"Nakausap mo na ba si Aleah?" Saka niya lang ako napansin ng magsalita ako sa lalim ng iniisip niya.

"Ha? Ah, Hindi pa.. Ayaw niya Kong makausap." Malungkot niyang sagot. Ano ba yan! Dumating lang ako bilang Eya ang dami na nilang problema?

"Don't worry magiging maayos din ang lahat.. Mapapatawad ka rin non tiwala lang! Basta wag mo siyang sukuan, kung kaya mo siyang suyuin araw araw gawin mo." Nakuu.. Pwede na ata akong maging Love Adviser netoo.. Kanina Kay Sab, ngayon naman Kay Vander.. Sinong sunod? Si Ethan? Gwen? Si Renz? Ay Hindi siguro, mukang wala namang problema yong mga yun sa love life nila, lalo na si Bustamante. Masyado kasi silang sweet ng girlfriend niya na Tin daw ang pangalan. Sa totoo lang hindi ko bet ang babaing yun. Hindi sa nagseselos ako no? (Defensive much lang ateng? Haha!) Hindi ako nagseselos! Period. Basta parang may something lang kasi sa kanya. Aishh.. Forget that.

"Sana nga.. Ahm.. Agatha, about nga pala don sa issue.. Totoong nagkagusto ako sayo, pero dati yun. Wala na Kong nararamdaman para sayo."

"Haha.. I know! Alam ko namang nagandahan ka lang talaga sakin noon eh! Haha!"

"Yabang mo din no? Baka naman nagseselos ka?"

"Kupall!! Bat naman ako magseselos? Eh Hindi naman kita gusto." Sabay irap ko sa kanya.

"Nga naman.. Si Renz pala ang gusto mo diba?" Masyado ba Kong obvious? O stalker ko lang siya?

"Whatever!"

"Haha.. Pano ba yan? May syota na siya eh." Nang-asar pa ang loko.

"Ano ngayon? Mas maganda naman ako don."

"Maganda ka nga wala ka namang love life. Wala din."

"Makapag salita ka akala mo may lovelife ka? Tsk."

"Meron kaya, magiging kami din ni Aleah.." Confident niyang sabi.

"Masakit umasa." Simpleng sagot ko.

"Ewan ko sayo." Tumayo at umalis na, ewan.. Baka hahanapin niya si Aleah.


Sabrina's POV

Nandito ako ngayon sa room habang nag aantay ng instructor na dumating.

Bakit kaya wala pa sila Gwen? Nakakaboring naman.. Makalabas nga muna.

"How about the wedding invitation hon?" Teka- pamilyar ata yong boses?

I know Mali ang makinig sa usapan ng may usapan pero may nag tutulak kasi sakin na makinig. Nagtago ako sa mga halaman, Hindi ko makita yong muka ng dalawa dahil medyo madilim at nakatalikod silang pareho.

"Its up to you.." Sagot nong lalaki. Ewan ko ba pero bigla nalang bumilis yong tibok ng puso ko ng magsalita yong lalaki.

"Okay, hati nalang tayo.. You give our invitation to your friends, classmates and relatives same as me.. Is that alright?" Sabi nong babae at tumabi doon sa lalaking nakaupo.

"Yeah." Bakit Parang ang tipid niyang magsalita? Pero teka.. Wedding Invitation yong topic nila diba? Ikakasal sila? Bakit parang tinutusok yong puso ko? Ano bang nangyayare sakin? Dapat kasi Hindi nako nakinig sa pinag uusapan nila eh.

Makaalis na nga lang.

"How about Sabrina? You need to break up with her before our wedding hon." Bigla akong napatigil sa narinig. Bakit ako nasali sa usapan? Bakit parang.. parang sumasakit ang dibdib ko..?

"Don't worry Nicole I don't need to break up with her anymore because there was nothing on us."

"Really? That's better. Your already mine.. Kawawang Tarah at Sabrina.. Sakin ka lang Ivan, sakin lang.." Tumawa siya na parang demonyo. Nakaalis na sila pero ako andito pa rin. Pilit pina process ng utak ko na panaginip lang ang lahat pero Alam ko sa sarili ko ang nakita at narinig ko. Ikakasal na si Ivan.. Ikakasal na siya Kay Nicole Yu. Ang isa sa mga julalay ni Tarah.


Ang gulo gulo. Hindi ko maintindihan kung bakit siya magpapakasal sa babaeng yun?
Pinilit Kong tumayo at maglakad pabalik ng classroom dahil may klase na kami. Habang naglalakad ako sa kamalas malasan makakasalubong ko pa si Nicole. Nawala na nga si Tarah, itong Nicole na to naman ngayon ang kontrabida.


Sinikap Kong iwasan siya at hindi pansinin pero hinila niya ang kamay ko.


"Hi Sabrina.." Sabay fake smile.


"I just want to inform you na ikakasal na kami ni Ivan." Pagmamayabang niya.


"I know." Sagot ko.


"Really? That's great. Maybe si Ivan nalang ang magbibigay sayo ng invitation namin. Owh.. I need to go.. May klase na kasi ako eh.. See you nalang ulit sa wedding namin ni Ivan.. Bye loser.." And she walked away. Hindi nalang ako nagpadala sa inis. Gusto Kong makausap si Ivan. Gusto Kong malaman kung bakit siya magpapakasal Kay Nicole. Alam Kong may malaking dahilan si Ivan kung bakit niya ginagawa to.

-------------------------------------

Pasensya na po sa mga wrong grammar, typos etc. Pagtiyagaan nalang po.. Alam Kong boring ang story na to pero may mga nagtitiyaga paring magbasa.. Sana po suportahan parin natin ang MEIMF hanggang sa ending..


@Crazyshey101

My Ex Boyfriend, My Fiancee [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon