CHAPTER 28: Welcome Back Baby Chummy

3.1K 58 0
                                    

ALEAH'S POV

"Sayang talaga.. Ang daya kasi nong mga Red Hawks na yon eee..." Komento ni Gwen.




"Troo.. Sila sana ang natalo kung hindi nila pinatid si Ramirez.." Sang ayon ni Tin.




"Hayaan niyo na guys, ganon talaga.." Sabi ko.




"Sabagay... Asan kaya si Sab?" Sabi ni Gwen.




"Ay naku Gwen, malamang nasa kawarto niya yon." Sigurado akong nagkukulong na naman ang babaeng yon sa kwarto niya.




Pagkapasok namin ng bahay, umakyat agad kami sa taas para ibalita na natalo ang team ng Ex niya sa tournament, kaso wala namang susumasagot ng katukin namin yong pinto niya.




"Baka naman tulog.." Sabi ni Gwen.




"Wait lang guys ah, inom lang ako saglit.. Kanina pa ako nauuhaw eee." Bumaba muna si Tin dahil nga nauuhaw daw.




Sa tingin ko wala siya sa loob ng kwarto niya. Hindi naman kasi ganon kabatugan yon para hindi  mapansin na may kumakatok..




Narinig kong nag vibrate yong phone ni Gwen, may nag text yata.




"Aleah Tara sa baba.." Sabi niya.




"Bakit?"




"Basta." Sabi niya at hinila na ako pababa. Pagkarating namin nakita namin si Tin na nakaupo sa may silya at mukhang hinihintay kami.




"Pumunta daw sa Park si Sab.." Wika ni Tin.




"Paano mo naman nalaman?" Tanong ko.




"Here.." Sabay abot ng isang sticky note at sulat nga yon ni Sab.




"I saw that na nakadikit sa ref habang kumukuha ako ng mainom." Kaya pala kahit anong katok ko sa pintuan niya walang sumasagot.. Ano kayang ginagawa niya sa park ng mag isa?




"Ano? Puntahan ba natin?"




"Wag nalang Siguro muna Gwen, hayaan nalang muna natin siyang mag isa. Baka nag mumuni muni na naman yon." Sa tingin ko kasi mas gusto niya munang mapag isa.




"Sabagay.." Sagot nito.






SABRINA'S POV




Naglakad kami ni Chummy pauwi dahil malapit lang naman ang park dito sa bahay. Pagpasok namin sa loob naabutan naming nakaupo ang tatlo sa Sala at nanunuod.




Dumeretso ako sa tabi nila at naupo. Nagulat pa nga sila, haha!




"Akala ko naman kung sino na yon!" Sabi ni Tin at binalik agad ang tingin sa TV.




"Uy, Sab andyan kana pala? Alam mo bang natalo yong team ng Ex mo?" Chismis ni Gwen.




"Oh, then?" Ano naman kung talo sila? Tsk.




"Psst.. Gwen." Sinamaan siya ng tingin ni Tin.




"Ah... Hihi.. Sowey.." Nagpeace sign pa siya na parang bata.




"Its okey.."




"Nga pala Sab, anong ginawa mo sa park?" Pag iiba ni Aleah ng usapan.




"Namasyal lang kami.." Maikli Kong sagot.




"Kami? Sinong kasama mo?" Sabay Sabay nilang tanong.




"Tsk. Oh andyan na pala siya eee.." Sabi ko kaya napatingin sila sa pintuan.




"Huh? Asan? Wala naman ah.." Tin




"Omy! Sab, nakakakita ka ba ng hindi namin nakikita?" Ano bang pinagsasabi ni Aleah.




"Oo nga Sab? Don't tell me may mumu dito?" Natatakot na sabi ni Gwen.




"Ano bang pinagsasabi niyo? Walang multo dito no! At isa pa may kasama naman talaga ako.." Nakita ko silang nagtataka..




"Eee? Asaan?" Tanong ni Gwen.




"Nyawww.."




"Aykabayongwalangulo!!" Gulat na sabi ni Aleah.




"Omygash.." React ni Tin.





"Pusanggala!" Sigaw naman ni Gwen.




Natatawa ako sa mga reaction nila ng makita si Baby chummy. Lumapit saakin si Chummy kaya binuhat ko siya at naupo kami.




"Teka, akala ko ba ayaw mo sa pusang yan Sab? Paano nakabalik yan dito, eee binigay na ni Gwen yan noon Kay Mang Andoy?" Pagtataka ni Aleah.




"Wala lang.. Binawi ko na siya, at Simula ngayon dito na siya titira."




"Talaga?" Exited na tanong ni Gwen.




"My god Sab! Papatayin mo ba ako? Nakakaeweyy talaga.." Maateng sabi ni Tin. Ayaw kasi niyan sa mga pusa eee. Pero mabait naman si Chummy at saka mabango. Tyaka isa pa, anak ko siya, kaya hindi ko siya pwedeng pabayaan.




"I know ayaw mo sa mga pusa Tin, pero hindi ko kasi pwedeng pabayaan si baby chummy.. I promise to my self noon na kahit anong mangyari hindi ko siya pababayaan, oo nainis ako sa kanya dahil part siya ng past ko, part siya ng mga masasakit na alaala ng nakaraan ko pero narealized ko lang, wala namang kasalanan si baby chummy sa nagawa ni Ivan saakin eee." Nakikinig lang sila sa akin.





"I understand.. Don't worry, ako nalang ang iiwas Kay chummy.. Ayaw ko talaga sa pusa eee.." Sincere na wika ni Tin.





"Salamat Tin. Wag kang mag alala, mabait ang baby chummy ko.. Diba baby?" Baling ko Kay chummy na busy sa panonood.





"Nyawww.." Sagot nito.




"Haha! Galing naman ng anak mo Sab, naiintindihan ka." Masayang wika ni Aleah.





"Matanong ko lang Sab.." Gwen.





"Hmm?" Ako at tumingin Kay Gwen.





"Kailan mo nga pala mame meet yong fiance mo?" Sabi niya. Napatigil ako sa tanong niya at bigla Kong naalala yong sinabi ni Dad kanina.





"Next week." Nagulat naman sila sa sagot ko.





"Next week na? Di naman talaga exited si Tito no?" Comment ni Aleah.





"Sab, I'm pretty sure na gwapo yong fiance mo.." Sabi naman ni Tin.




"Ee paano kung hindi?" Maloko Kong tanong.





"Edi sasamahan ka naming mag ala run away bride pag nagkataon Sab." Natatawang sabi ni Gwen.




"Hahaha.. You're right Gwen. Pag nagkataon balik Canada na tayo! Haha.." Tawang tawang sabi ni Tin.





"Kayo talaga puro kayo kalokohan. Ang sabihin niyo, pag nagkataon magiging monster lahat ng magiging anak ni Sab, bwahaha!" Sabay hagalpak na tawa ni Aleah.





Natawa nalang kami sa mga pinagsasabi nila.












My Ex Boyfriend, My Fiancee [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon