CHAPTER 27: The Basketball Tournament

3.2K 67 0
                                    

Marami na talagang nagbago..




Akala ko noon, kami na ni Ivan hanggang sa huli.




Akala ko siya na ang DESTINY ko..




Akala ko siya na ang TRUE LOVE ko..




Akala ko siya na ang FOREVER ko..




Pero..




Akala ko lang pala ang lahat..





Dahil isang iglap lang biglang nagbago lahat lahat.




Mahirap talagang umasa..




Pero sabi nga nila, may mga tao talaga na dumarating sa buhay natin, para maging way upang matagpuan natin yong totoong taong nakalaan para sa atin.




Maybe Ivan is part of my life, not my whole life..




"You know what Chummy? Masakit pa rin eee.. Masakit dito." Turo ko sa tapat ng puso ko. Oo naka move on na ako, pero sa tuwing naaalala ko lahat ng nangyare hindi ko pa rin maiwasang hindi masaktan at umiyak.




"Nyaww.."




"Sorry ah, dahil nagalit sayo si Mommy Sab... Sorry dahil pati ikaw nadamay sa galit ko Kay Ivan..." Hinahaplos ko si Chummy habang tumutulo na naman ang mga pasaway Kong luha.




"Promise, ibabalik natin yong dati...
Yong bonding nating dalawa. Pero siyempre, siyempre hindi na kasama ang daddy Ivan mo, okay lang ba yon baby chummy?" Umiiyak na ako dahil hindi ko maiwasang maalala lahat ng memories namin ni Ivan kasama si Chummy. Bakit ganon? Sobrang sakit pa rin..




"Nyaww.." Napangite nalang ako at niyakap si Chummy. Siguro tama lang naman tong ginagawa ko.. Kahit wala na si Ivan, andyan  pa naman yong mga bestfriends ko, si dad, si manang Adelle, si Manong Andoy, si Claud at si baby chummy na alam Kong nagmamahal saakin ng totoo.







VANDER'S POV

Hindi ko talaga alam kung may problema ba si Ivan o ano?




Katatapos lang ng basketball namin at sad to say, talo kami! Ang nakakapanghinayang pa eh 2 points lang ang lamang ng kalaban. Pinasa ko Kay Ivan yong bola pero hinayaan nya lang ma steal ng kalaban kaya ayon.. Nashoot nila at talo kami.




"Grabe talaga, I can't believe na matatalo ang blue knights.."S1




"Kaya nga! Nakaka disappoint lang na si Ivan ang nagpatalo ng laban." S2




Habang Naglalakad kami papuntang 4 EVER ROOM para doon magbihis. Nakakabinging katahimikan ang nakapalibot sa amin. Wala man lang nagsasalita. Kahit sino naman Siguro malulungkot lalo na kapag ginawa niyo naman yong best niyo pero talo pa rin. Last tournament na kasi namin to dahil 4th year college na kami at ga graduate na tapos talo pa. Haysst..




"Sorry guys.. Its my fault." Basag ni Ivan sa katahimikan. Kararating lang namin dito sa 4 EVER ROOM.




Napabuntong hininga nalang ako..
Nakakapang hinayang lang kasi eee..




"You know what guys, okay lang yan. Ang mahalaga ginawa natin yong best natin." Nakangiteng wika ni Renz. Naalala ko tuloy si CM, line niya yan eee, kapag natatalo kami.




"Yeah.." Dagdag naman ni Ethan.
Wala na rin namang mangyayari eh, kailangan na lang naming tanggapin ang pagkatalo namin. Yon nga lang marami na namang studyante ang nadisappoint sa amin.






FLASHBACK 5 YEARS AGO..


"Go Blue knights! Kaya niyo yan!"




"Blue Knights! Blue Knights! Blue Knights!" Yan ang hiyawan ng mga ka school mates namin. Tournament kasi at kalaban ng school namin ang St. Andrew Academy.




"Last 2 minutes.." 79-79, Tie.





"Last 3 Seconds.." 98-96, Lamang kami.




Isho shoot ko na sana nang..




"Go Vander! Go Blue Knights!"




Isho shoot ko na sana ng patidin ako nong captain ng kalaban kaya naagaw niya sa akin yong bola at ayon..




3 points..




"Engggkk.."




"Congratulations Red Hawks.."  99-98 ang score. Puta! Isa lang ang lamang! Kung hindi sana ako pinatid sure win na kami. Bw*sit talaga!





"Bullsh*t! Pinatid ako! Madaya sila.. Tsk!" Reklamo ko. Masakit pa rin yong paa Kong napatid kaya hindi pa rin ako makatayo.




"Hayaan mo na bro, bawi nalang tayo sa susunod!" Sabi ni Ivan at tinulungan akong makatayo.




"Yeah!" Dagdag nila Renz at Ethan. Pumagilid kami dahil mag pipicture taking daw ang mga Red Hawks ng St. Andrew Academy. Tsk! Yabang nila. Porket Home court lang nila eh.. 




"Tara na guyss, sayang lang effort natin dito!" Schoolmate1




"Tsk! Kaya nga! Red Hawks nalang ako.." Schoolmate2




"Talunan talaga ang mga tiga Blind Academy!" St. Andrew Student.




Yan lang naman ang mga sinasabi nila..



"Congrats guyss!" Sigaw ni CM ng makababa sa bleachers. Mag isa niya lang atang nanuod dahil wala naman na siyang kaibigan maliban sa amin.



"Tsk. Congrats? Baliw ka talaga! Haha.." Napatawa nalang ako sa kanya. I cocongrats ba naman kami?





"Bakit ba? Hindi ko ba kayo pwedeng icongrats dahil lang sa hindi kayo nanalo? At least ginawa niyo yong best niyo at hindi kayo nandaya diba?





"Haha! Tama ka CM.. Talino mo talaga!" Saka kami nagtawanan. Mabuti pa si CM chini cheer pa rin kami kahit talo kami.





"Haha! Naman.. Di bale guyss may next game pa naman eh, tayo naman ang lalampaso sa kanila!" Sabi niya.




"Bakit kasama ka?" Asar ni Ivan.


"Oo bakit? Ilalampaso ko lang naman yang mga pulang uwak na yan sa cheer ko! HAHA!" Sabay tawa niya ng malakas. Nabaliw na ata?  Natawa nalang kami Kay CM.


She's right.. Ang mahalaga, ginawa namin ang best namin.



END OF FLASHBACK..





Naalala ko tuloy si CM. Sana nandito siya ngayon para icheer kami.



Kaso parang Malabo ng mangyari yon..



Wala na talaga siyang pakialam sa amin. Ni hindi ko nga siya nakita na nanuod ee.. Yong mga kaibigan niya lang nakita namin.



Kung dati, kapag natatalo kami.. Si CM
yong nagpapalakas ng loob namin.




Lagi niyang sinasabi na at mahalaga ay ginawa namin yong best namin.



Pero Simula ng umalis siya, wala ng CM na nagsasabi at nagpapaalala non sa amin.




Wala ng CM na laging chinecheer ang blue knights, panalo man o talo...





I really really miss her..

I missed my BESTFRIEND CM..

My Ex Boyfriend, My Fiancee [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon