CHAPTER 48: Kilig (part 2)

2.5K 52 0
                                    

IVAN'S POV


Niyaya ko si Sabrina sa McDo, dahil Alam kung yun ang favorite niyang kainan. Nag order ako ng maraming fries, Mc float, burger, Ice Cream at Spagghetti.





"Uy, ang dami naman ata niyan?" Pansin niya ng makaupo ako.





"Para naman tumaba ka."





"Ayoko ngang tumaba, magmumuka lang akong balyena!" Nag pout pa siya habang sinasabi niya yan, ang cute niya talaga! Haha!





"Kahit na magmuka ka pang balyena, para sakin ikaw pa rin ang dyosa!" Sabi ko. Ano ba yan, pag si Sabrina talaga ang kasama ko, ang corny corny ko.





"Tch! Bolero! Kain na nga tayo." Ayun, nauna na siyang lumamon kesa saakin. Akala ko ba ayaw niyang tumaba? Sabagay, hindi naman siya tumataba eh, kahit sobrang takaw niya.





Nga pala, kahapon pa ako dumating galing Korea. Actually, Next week pa sana yong balik ko pero dahil doon sa napanood Kong video ni Sabrina na sinend sakin ni Renz eh, na excite akong umuwi.





Pumunta ako ng Korea dahil kasal ng pinsan ko noong isang araw. 1 week pa sana ako roon para gumala gala kaso Napa uwi ako ng di oras. Nagulat nga sila Aleah kanina ng makita ako dahil ang akala pala nila sa Korea na ako mag aaral at iniwan ko na Si Sabrina. Kaya ayun pinaliwanag ko sa kanila lahat lahat.





Mabuti na rin pala at umalis ako, dahil nag kaayos na kami ni Sabrina. At eto pa ha, isang linggo lang akong nawala pero yong tatlo Kong kaibigan eh, nanliligaw na sa mga kaibigan ni Sabrina, At nalaman ko din na magpinsan pala si Sabrina at Aleah.





Naisip ko lang..




Kung pinsan ni Sabrina si Aleah, ibig sabihin siya si...?





"Hoy Ivan! Kanina pa kita kinakausap!" Nabalik ako sa realidad ng sumigaw si Sabrina.





"Huh?!"





"Hoy lalake! Magbayad kana, wag mong sabihing ako pa ang magbabayad Neto? Eh ikaw tong lalaki, tsaka wala akong dalang pera. Kung Alam ko lang sana edi hindi na ko sumama sayo! Kahit kelan ta---"





"Ah, eto po kuya.. Keep the change.." Binigay ko yong 500 dun sa lalaki at hinila na si Sabrina palabas. Panigurado, di na naman yan titigil sa kakadada. Maldita talaga tong babaeng to kahit kelan.





"Uy, bakit ka ba nanghihila huh? At tsaka bakit 500 yong binigay mo? Sayang yong sukli."





"Kuripot ka talaga! Tsaka, hinila kita palabas dahil ang ingay mo, nakakaistorbo tayo sa mga kumakain."





"Ah, ganon ba? Hihi. Sarry.."




"Abno!" Sabi ko.




"KA!" Siya.





"Sabrina! Haha!"





"Edi waw!" Inis niyang sabi.





"Tara na nga Abno, Gala tayo!"





"Saan naman KUMAG?" Aba, ano daw? Kumag? Tch! Abno! Bwahahaha!





"Malamang sa Earth Abno!"





"Sinabi ko bang sa Mars, Kumag?"





"Hindi."





"Yun naman pala eh."





"Saan nga tayo pupunta Kumag?"





"Kahit Saan, basta kasama kita." Kinilig naman siya.





Buong araw lang kaming gumala ni Sabrina sa Mall, pumunta rin kaming Carnival ng mag gagabi na. Sumakay kami ng ferris wheel, Viking, flying fiesta, octopus at horror tren. Sobrang nag enjoy ako dahil kasama ko si Sabrina, ang babaeng Mahal ko.





Kringg.. Krinnggg..


"Sabrina, sandali lang ah, sagutin ko lang to." Pagpapaalam ko.





"Ah, sige" Sabi niya Sabay ngite.





"Hello Dad?"





["Son, we need to talk tomorrow about the wedding.."] Tch!





"Dad, I'm sorry.. Pero, ayoko pong magpakasal sa ibang babae."





["Son, Alam Kong mahal mo ang anak ni Erik, pero kelangan mong magpakasal Kay Nicole para masave yong kompanya natin, anak yun na lang ang paraan."] Tsk! Pinipilit akong ikasal ni Dad sa iba dahil nga nalulugi na yong kompanya namin, kung wala na sana talaga akong pag asa Kay Sabrina baka pumayag na ko, pero may Sabrina na ako eh.





"Dad hahanap ako ng ibang paraan, pero hindi ako magpapakasal kung hindi lang din naman si Sabrina ang bride ko."






["But Son,--"] Toot..Tooot..





"Ivan, are you okay? May problema ba?" Nag aalalang tanong ni Sabrina ng lumapit ako sa kanya.





"Wala, ayos lang ako. Tara na, ihahatid na kita."





Pagdating namin sa bahay nila Ay pinagbuksan ko siya ng pintuan ng kotse ko.





"Salamat."





"Hmmm.."





"Ah, baka gusto mo munang pumasok." Sabrina




"Ah, hindi na. Gabi na rin kase eh! Sige na pumasok kana."





"Okay, sige ingat ka ah."





"Hmm."





Papasok na sana siya sa gate pero..





"Sabrina!" Napalingon siya sakin ng nagtataka.





"Goodnight, I love you." Sabi ko at lumapit sa kanya Tas hinalikan ko siya sa noo.






"Goodnight din, I love you too. Ingat ka hah." Napangite ako dahil sa sinabi niya.






"Oo naman, Papakasalan pa kita eh." Namula naman siya sa sinabi ko.





"Oo na! Sige na umuwi kana!"





"Pumasok ka muna." Gusto ko lang makasigurong ligtas siya. Alam niyo na? Papakasalan ko pa yang abnormal na babaeng yan eh!





"Tsk. Oo na, Oo na!" Pumasok na siya sa loob kaya umalis na ako.

-----------------------------------


Ayieeeeeeeeeeeee.... Nikikilig akeetch!

Ang corny ni Ivan pagdating kay Sabrina, pero ang sweet nila.. Kakainggit!,,,

#IvaNa❤❤❤

My Ex Boyfriend, My Fiancee [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon