SABRINA'S POV
"Sabrina!" Habol na tawag sakin ni Dad, sakto namang may padaan na taxi kaya agad ko itong pinara at sumakay.
""Manong sa Airport po." Sabi ko Kay Manong Driver.
Maya maya pa parang nararamdaman Kong may masamang mangyayare.
"Teka lang Manong! Hindi na po ito yong way papuntang airport ah?" Napansin ko kasing lumiko siya sa kaliwa imbis na sa kanan.
"Bababa nalang po ako dito." Kinakabahan Kong sabi pero mas binilisan niya lang ang takbo ng sasakyan.
"Ano ba?! Sinabi Kong bababa na ko eee.." Natatarantang sigaw ko sa driver pero hindi man lang sya nagsasalita. Natatakot na ako't kinakabahan. Mukhang may pinaplanong masama ang lalaking to. Kailangan Kong makatakas! Sana may tumulong sakin. Huhuhu!!
Naisip Kong tumawag para humingi ng tulong. Di nial ko agad ang number ni Aleah, mabuti nalang at sumagot siya agad.
["Hel-"]
"Aleah, tulungan niyo ko.. May kumidnap sakin.." Kinakabahan Kong sabi dahil baka marinig ako nung driver.
["Huh? Sab, ano bang pinagsasabi mo?"]
"Just please help me.. I'm not---" Biglang inagaw sakin nung lalaki yong phone ko kaya hindi ko natuloy Yong sasabihin ko.
"At tumatawag ka pa huh? Tsk! Wag ka ng humingi ng tulong, dahil walang makakatulong sayo!" Sino ba sya!? At bakit niya ko kinidnap? Wait! Baka naman rapist to? O kaya ibebenta yong lamang loob ko? O baka naman kidnap for ransom? Huhuhu.. Kahit ano pa yan, natatakot na ko.
"Sino ka ba? At anong kailangan mo sakin huh?" Lakas loob Kong tanong sa kidnapper na to.
"Wala akong kailangan sayo, pero yong boss ko meron!" Boss daw? At sino naman yang tarantadong boss niya ang nagpakidnap sakin?
"Sinong Boss?"
"Pwede wag ka nang maraming tanong kung ayaw mong masaktan? Malalaman mo rin mamaya."
"Anong-! Pwede ba itigil mo na tong sasakyan dahil uuwi na ko! Kung sino man yang boss mo, wala akong pakialam kaya pababain mo na ko dito." Sigaw ko.
"Wag ka ngang maingay!" Aba? Eh, gag* pala siya eee? Anong gusto niya tumahimik lang ako kahit Alam Kong delikado na yong buhay ko? Anong gusto niya, tumunganga nalang ako at tumahimik eee mamamatay na ko! Ayus din pala si kuya eh!
"Tulong! Help! Please Help me! Huhuhu!! Ayoko pang mamamatay... Marami pa akong pangarap sa buhay! Paano nalang si Dad, mga best friend ko, gusto ko pang makapag tapos ng pag aaral, marami pa akong pangarap sa buhay! Hindi ko pa nga nakikilala si The one eh, gusto ko pang matupad yong happy ending, tsaka---"
"Sinabi ng wag maingay eh!" Galit niyang sigaw at tinutukan ako ng baril. This time mas lalo akong kinabahan dahil baka papatayin niya ko.
"Ano? Magsasalita ka pa?" Umiling na lang akot tumahimik. Hindi ko na Alam ang gagawin ko, hinayaang ko nalang siyang dalhin ako sa kung saan man.
"Baba!" Utos niya ng huminto yong taxi.
Pumasok kami sa isang malaking abandoned house habang hila hila ako. Madilim, maalikabok, nakakatakot, yan ang nakikita ko ngayon.
"Boss, kasama ko na po siya." Mukang tinawagan niya na yong boss niya.
"Halika dito!" Sabay hila sakin at tinali ako agad sa isang upuan.
"Ano ba? Pakawalan mo ko! Anong gagawin niyo sakin?" Nagwawala Kong sigaw pero Parang wala lang siyang pakialam.
"Pakawalan niyo ko dito sabi!"
"Ang ingay mo talaga." Biglang may pumasok at pumunta sa harap ko.
"Maaasahan talaga kita Christian.." Nakangite niyang sabi at may binigay doon sa lalaking kumidnap sakin, kaya umalis na ito.
"So? Here we go again Bitch!" Sabay evil laugh. Demonyo talaga siya! Ano pa bang gusto niyang gawin huh!? At bakit niya ko pinakidnap?
ETHAN'S POV
Pagkarating namin sa police station Ay agad naming inereport yong nangyare.
"Guyss, hinde pwedeng maghintay nalang tayo dito kung anong gagawin ng mga pulis. Kailangan nating mahanap si Sabrina." Sumang ayon naman kami sa sinabi ni Aleah.
"Pero saan tayo maghahanap? Wala ba siyang sinabi sayo Aleah maliban sa nakidnap siya?" Tanong ni Gwen.
"Wala eh, Kilangan nating gumawa ng paraan."
"Alam na ba to ni Tito?" Tanong ulit ni Gwen, sa tingin ko yong Daddy ni CM ang tinutukoy niya.
"Nope.. Umalis na kasi si Tito kanina dahil may tumawag at a sa kanya." Sagot ni Tin.
"Ahm, sandali lang ah." Saad ko at lumayo ng kunti. Tatawagan ko si Ivan para ipaalam na nawawala si CM.
["What? Ethan are you serious?"]
"Bro naman, tatawag ba ako sayo kung hindi totoo. Kailangan ka ni CM ngayon."
["Nasaan ka?"]
"Police-" Kita mo yun? Nagtatanong tapos bababaan lang ako, Hayss..
"Girls let's go!"
"Huh, saan?" Aleah.
"Hahanapin natin si CM."
IVAN'S POV
Busy ako sa paglalaro ng X box dito sa kwarto ko ng biglang tumunog yong phone ko kaya agad ko itong sinagot. Ano na naman kayang kailangan ng lalaking to?
"What do you want?"
["Si CM, nakidnap."] Nagulat ako sa sinabi niya kaya napatayo ako.
"What? Ethan are you serious?"
["Bro naman, tatawag ba ako sayo kung hindi totoo. Kailangan ka ni CM ngayon."]
"Nasaan ka?"
["Police-"] Binabaan ko na siya at agad akong lumabas ng bahay, Sumakay ako sa kotse ko at mabilis itong pinaharurot.
BINABASA MO ANG
My Ex Boyfriend, My Fiancee [COMPLETED]
Teen FictionSabrina is known as a CERTIFIED MALDITA! However, she is also one of those girls who is numb and bitter when it comes to love, ever since her ex-boyfriend used and deceived her just to get back with his true love. What if she finds out that her ex...