CHAPTER 43: Anong Meron?

2.6K 42 0
                                    

A/N:

Hi guyss..

Eto na po yong next Chapter..

Hope ya like it..

----------------------------------

SABRINA'S POV

"Good morning Sunshine.." Sigaw ko nang makababa sa hagdan, naabutan ko ang mga kaibigan Kong nasA baba at inaantay ako, mga ready to go na rin sila. Sa kwarto ako kumain eh.  ( May mini kitchen kasi lahat ng kwarto sa bahay ni Sab. )



"Oh ano nakain mo?" Gwen.



"Wala naman, masaya lang ako." Masaya ako at excited dahil handa na Kong patawarin si Ivan at magtapat na mahal ko pa rin siya.



"Sus, baka nasapian ka ng masamang ispiritu." Gwen.



"Tama na nga yan, Tara nat Malelate tayo!" Nauna ng naglakad si Aleah at lumabas. Sumunod naman kaming tatlo.



"Sab, sorry sa mga nasabi ko kahapon ah.." Tin.



"Wala yun, tama ka naman eh. Pinapairal ko kasi yong pride ko." Yah! Masyado akong naging ma pride at makasarili. Ni hindi ko naisip na somobra na ko.



"Tama na nga yan, drama niyo." Nagtawanan nalang kami at sumakay na sa taxi papuntang school.



Excited na talaga ako at the same time kinakabahan din. Ivan sana naman maibalik pa natin yong dati.



"Oh, andyan na ang Bee4!"



"Ang gaganda talaga nila!"



"Super pretty talaga ni ate Sab!"



Mga bulong bulungan ng mga bubuyog dito sa Campus.



Pumasok na kami sa room at dumating naman agad yong teacher namin.



Discuss

Discuss

Discuss

Discuss




"Okay thats all for now!" Sabay Alis ng teacher namin.




"Bakit kaya wala sila?" Bulong ko sa sarili.





"Sinong Sila?" Narinig nila?




"Huh? Ah. Wala.. Tara na!" Hinila ko na sila sa Canteen. Bakit nga kaya absent sila ngayon? Hindi pa ba okay si Ivan?




"Hi Girls!" Bati ni Renz, mukang kararating lang nila pero bakit di nila kasama si Ivan?




"Hi din! Bakit ngayon lang kayo and nasan si Ivan?" Maarteng tanong ni Tin.




"Huh? Ahm.. Actually Sinamahan pa kasi namin si Ivan sa Pag eempake." Sagot ni Ethan at napatingin sakin.




"Empake? Saan siya pupunta?" Curious na tanong ni Gwen. Nacucuriuos na din ako kung saan naman kaya pupunta si Ivan. Sure naman akong baka inutusan lang siya ng daddy niya o kaya naman magbabakasyon lang siya. Hindi niya naman Siguro ako iiwan ulit no?




"Sa Korea, dun na siya mag aaral at titira, for good.." Korea? Haha! Patawa naman tong si Ethan eh! Haha!




"Hoy Ethan! Joke ba yan? Nakakatawa eh! Haha!" Pilit Kong sinasabi sa sarili ko na nang gogood time lang si Ethan.




"CM, I'm not joking. Im f*cking serious here. Tanong mo pa si Vander." Tumingin naman ako Kay Vander at seryoso lang siya.




"Yeah, its true. Kanina yong flight ni Ivan papuntang Korea."




"T*ngna naman pala eh! Ayon na eh! Tch." Inis Kong sabi at nag walk out sa harap nila.




Bakit niya ako iniwan? Akala ko ba mahal niya ako? Papatawarin ko pa siya diba? Nakarating ako sa rooftop at iyak lang ako ng iyak.






ALEAH'S POV

"Anyare dun?" Nagtatakang tanong ni Ethan saamin.




"Aba malay.." Gwen.




"Saglit lang ah.." Sabi ko at iniwan na sila doon. Nakita Kong papunta si Sab sa rooftop kaya sinundan ko siya.




Nakita ko siyang umiiyak kaya nilapitan ko siya.




"Sige lang Sab, ilabas mo lang yan.." Niyakap ko siya at hinagod hagod ang likod niya.




"Ang sakit! Bakit ganto? Kung kelan okay na, kung kelan napatawad ko na siya, bakit kelangan niya pa Kong iwan? Sabi niya mahal niya ko, bakit siya sumuko agad, napagod na ba siyang mahalin ako? Aleah, ang sakit, ang sakit sakit!" Pati ako naiiyak na rin, hindi ko alam kung pano ko mapapatahan si Sab ngayon.




"Mahal ko siya.. Mahal na Mahal.."






ETHAN'S POV

"Ano bang nangyare Kay CM at bigla nalang nag walk out?" Pagputol ko sa katahimikan. Nandito na kami sa Canteen at kasama ko sina Vander, Renz, Tin at Gwen.




"Slow.." Bulong ni Gwen pero narinig ko naman.




"Bakit nga ba?" Dagdag naman ni Tin Sabay ngisi.




"Oh, Aleah! Nasaan si Sabrina?" Sigaw ni Gwen kaya napatingin kami Kay Aleah.




"Umuwi na, masama daw pakiramdam.." Sabay upo din ni Aleah sa tabi ni Vander.




"Bakit ba kasi umalis si Ivan?"




"Eh anong naman kung umalis siya? Gusto lang naman makalimot nong tao. Wala ba siyang karapatang sumaya?" Saad ni Renz




"Yun na nga eh! Akala ko ba gusto niyang mapatawad siya ni Sab, eh bakit niya iniwan ang pinsan ko! G*go talaga siya." Anong ibig niyang sabihin? Tsaka ano daw, Pinsan?




"Pinsan?" O.A naman nitong si Vander, napatayo pa talaga. Pinagtitinginanan na tuloy kami.




"Tsk! O.A mo naman, gang ngayon di niyo pa pala Alam na pinsan ni Sab si Aleah? How come!" Tin.




"Hayyst.. Saka na natin pag usapan yan. Wag na tayong pumasok!" Sabi ni Aleah.




"Bakit naman?" Tanong ko.




"Tch. Sundan nalang natin si Sab, baka kung anong maisipan gawin ng babaeng yun.




At ayun, nag ditch nga kami sa klase namin at pumunta sa bahay ni Sabrina.




Bakit kaya ganon yong reaction ni CM kanina ng malaman niyang Pumunta na si Ivan sa Korea?




Ang weird niya, pati narin yong mga sinasabi ni Aleah na Pinsan niya pala slash best friend niya.




Ano kayang meron?











My Ex Boyfriend, My Fiancee [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon