CHAPTER 23: Rooftop Conversation

3.1K 66 0
                                    

SABRINA'S POV


"Sabrina, sandali lang!" Nagulat ako ng tawagin ako ni Ivan. Parang namiss ko yong boses niya! What? No, kalimutan niyo na yong sinabi ko.




"What do you want?" Seryoso Kong tanong. Bakit kaya di niya kasama yong gf niyang Impokrita?





"You!"





"Huh?" Hindi ko kasi masyadong naring yong sinabi niya eh. Nga pala, mag isa lang ako ngayon dahil may binalik lang akong libro sa library at pinauna ko na sila Aleah sa Canteen. Si mokong naman hindi kasama yong mga kaibigan at si Impokrita.





"Ah.. I mean, ahm.. I just want to talk to you." Nauutal niyang sabi.





"About?"





"Us?"





"Hmmm. Look! I'm sorry, I'm busy." Sabi ko at tumalikod.





"Sabrina, please.. I'm begging.. Just talk to me." Ano ba kasing gusto niyang pag usapan?





"Sabrina please..." Pagmamakaawa nito. Bakit ba kahit galit ako sa kanya naaawa parin ako. Haysst! Wala namang mawawala kung kakausapin ko siya diba?





"Fine!" Nakita ko naman siyang ngumite. Yang mga ngiteng yan, Yan yong reason kung bakit ako tuluyang nahulog sa kanya noon.





"Yes! Salamat!"





"Kung ano man yong sasabihin mo sabihin mo na, nagmamadali ako!" Sabi ko pagkarating namin dito sa rooftop.





"Sab, I just... Want to say Sorry..."





"Sorry? Hindi ganun kadaling magpatawad!" Matigas Kong sabi.





"Sabrina, maniwala ka hindi ko naman talaga gustong saktan at paasahin ka... Its just that.."





"Its just that mahal mo siya kaya pumayag kang gamitin ako para magkabalikan kayo, tama ba?" Sumbat ko sa kanya. Parang bumabalik na naman yong sakit, yong masasakit na alaala ng nakaraan.





"Oo pumayag ako sa gusto ni Tarah noon na saktan ka dahil akala ko mahal ko parin siya pero Sabrina, Simula ng umalis ka at iniwan mo ako kahit kailan hindi na ko naging masaya!" Umiiyak ba siya?





"What do you mean?"





"Sabrina noong nawala ka doon ko narealize na Mahal na pala kita at hindi si Tarah. Sobra akong nagsisi sa nagawa ko sayo. Hanggang ngayon ikaw parin ang mahal ko. Hinintay kita ng Limang taon at umaasang babalik ka! Kahit sinasabi ng iba na hindi ka na babalik pa dito, kahit kelan hindi ako nawalan ng pag asa." Umiiyak nitong sabi. Maniniwala na ba ako sa kanya?





"Tsk. You know what? Your great! You are a great actor! Pero sorry ka, minsan na akong naniwala dati sayo Ivan at hinding hindi na ulit mangyayari yon!" Galit na sabi ko. Akala niya ba mapapaniwala niya ako ulit sa mga kasinungalingan niya?





"Maniwala ka! Mahal kita! Minahal kita Sabrina!"





"Pwede ba Ivan? Itigil mo na to. Kung inutusan ka naman ni Tarah na gamitin ako ulit para umalis ako dito sa Blind Academy dahil natatakot siyang bawiin ko ang korona at ang pagiging School president pwes, sabihin mo sakanya, isaksak niya sa baga niya yon."





"No Sabrina, walang kinalaman dito si Tarah! Just please... Please give me second chance?"





"Second Chance? You don't deserve that. At isa pa, may girlfriend ka diba? At mahal na mahal mo siya!"





"Hindi ko siya mahal! I just pretending that I love her because..."





"I have to go! Wala na akong pakialam kong mahal mo ba ako o niloloko mo nanaman ulit ako. I just want you to know na Kalimutan mo na ako! Kalimutan mo narin ang nakaraan, dahil ako matagal na kitang nakalimutan! Masaya na ako sa kung sino at ano ako ngayon! Oo minahal kita, pero NOON yon hindi na NGAYON! Past is Past ika nga!" Tama! Wala ka na ngang pakialam sa kanya Sab dahil matagal mo na siyang nakalimutan.





"Sab!"





"Oh! Gusto ko lang palang malaman mo na...   YOU'LL NEVER FIND ANYONE LIKE ME AGAIN!" Sabi ko at dali daling bumaba sa hagdan. Imbis na dumeretso ako sa Canteen tumungo ako sa School gate at dali daling lumabas. Mabuti nalang at nasa Canteen yong mga studyante kaya walang nakapansin saakin.





Dinala ako ng mga paa ko dito sa Park. Ang park na to ang naging saksi kung paano nag umpisa ang love story namin ni Ivan. Dito kami madalas magdate, dito kami unang nagkakilala at dito rin niya ako iniwan. Iniwan na nagmamakaawa at umaasang ako ang pipiliin niya.





Hayys... Ang dami ko palang memories sa lugar na to. Umupo ako sa isang bench at hindi ko maiwasang maiyak ng maalala ko lahat ng nangyare..

My Ex Boyfriend, My Fiancee [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon