CHAPTER 31: Mall (part2)

2.6K 54 0
                                    

ETHAN'S POV


Kanina pa namin sinusundan yong apat pero mukhang hindi pa nila kami napapansin. Sinundan kasi namin sila kanina palabas ng school. Kanina nga pumasok kami sa isang boutique at di namin inaasahang lalaitin lang nila yong mga paninda doon sa pinakasikat na boutique dito sa Pilipinas.





Kasalukuyan namin silang sinusundan ng biglang may nagsilapitan saaming grupo ng mga babae at pinagkumpulan kami.






"Wahh! Ang popogi niyo po.. Pwedeng papicture?" Sabi nong isa na mukhang highschool student.






"Ahmm... Girls.. Sorry ah, pero nagmamadali kasi kami. Next time nlng." Vander at nagpacute pa ang loko.





Naghiyawan naman sila dahil don. At lumapit sila Kay Vander. Nakahanap naman kami ng way para makaalis doon. Tumakbo agad kami at sumunod naman si Vander. Hinabol nila kami kaya naghanap kami ng pwedeng taguan. Sakto namang may malaking poster kaya doon kami nagtago. Nang malampasan nila kami Ay nakahinga kami ng maluwag.






"Hooh! Muntik na tayo dun guyss!" Sabi ni Renz.






"Teka! Yong sinusundan natin, nasan na?" Tanong ko sakanila. Napatingin kami sa paligid at mukhang naligaw nila kami. Plinano ba nila yon? Nakahalata kaya sila?






"Aishh.." Inis na sabi ni Ivan at napabatok sa ulo.





"Mukang nakalayo na sila." Renz.





"Epic failed nanaman tayo." Vander.









SABRINA'S POV


Buti nalang at di na nila kami nasundan. Kinausap namin kanina yong grupo ng mga estudyante na mukhang nag boboy hunting kanina doon na mag papicture sila sa 4 EVER kaya ayon nagsitakbuhan naman agad sila.





Akala Siguro nila maiisahan nila kami? No way! Kilala ko ang 4 EVER, Alam ko kung anong tumatakbo sa isip ng mga yon. Alam ko rin ang binabalak nila. Pero sorry sila, dahil hindi ko hahayaang mangyari yon.





Hindi ko hahayaang matulad sakin ang mga kaibigan ko. Ayoko silang masaktan ng dahil lang sa 4 EVER na yan.





At isa pa, ayokong mapalapit ang mga kaibigan ko sa mga taong nanloko saakin.








IVAN'S POV


"Ivan pano na?" Tanong ni Vander, nandito kami ngayon sa bahay.






"Hindi ko Alam." Bored Kong sagot.






"Kailan ba yong meeting niyo ng fiance mo?" Tanong ni Renz.






"Saturday.." Sagot ko.





"Yon naman pala eh, edi antayin nalang natin kung sino ba talaga." Siguro nga tama si Renz.






"Yeah! Pero guys, paano kung hindi pala si Sab?" Napaisip ako sa tanong ni Ethan. Paano nga kung hindi pala si Sab?






"Paano kung si Conyo Girl?" Tanong ni Ethan, pero Kay Renz nakatingin.





"Hindi yon." Sagot ni Renz.





"Eh paano kung si Gwen pala?" Tanong naman ni Vander Sabay tingin Kay Ethan.





"Di ako papayag." Sagot nito.



"What if si Aleah pala?" Pang asar na sabi ni Renz Sabay tingin ng dalawa Kay Vander.






"O bat ganyan kayo makatingin?" Patay malisya ni Vander.






"Tsss. Deny pamore!" Ethan.





"Teka nga! Umamin nga kayo saakin ha! May gusto ba kayo don sa mga kaibigan ni Sabrina?" Tanong ko sa kanilang tatlo.






At ang mga loko nagsi-iwas ng tingin.






"Bro, kailangan ko na palang umuwi." Ethan at nagmamadaling umalis.





"Ako din Tol, may gagawin pa kasi ako eh." Renz at nagmamadali ring umalis.





"Oo nga pala Tol, may family dinner pala kami ngayon. Muntik ko nang makalimutan! Sige ah." Tinapik ako ni Vander at umalis na rin.






Yung totoo?





Tsk. Tsk. Mga palusot nila eh no?






Tama nga ako ng hinala.





Paano yan, sa mga kaibigan pa ni Sabrina nainlab ang mga best friend ko?





Goodluck nalang sa kanilang tatlo.





Sana lang si Sabrina ang fiance ko, dahil pag nagkataon isa sa mga kaibigan ko ang magluluksa! At siyempre, kasama na ako doon.










My Ex Boyfriend, My Fiancee [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon