IVAN'S POV
Pagkatapos naming malaman na si Sabrina nga ang fiance ko, ayon.. Inasar lang naman akong nong tatlong unggoy.
Masaya ako na si Sabrina nga ang fiance ko. Hindi ko Alam na yong babaeng matagal ko ng hinihintay at yong fiance ko Ay iisa. Pero, naisip ko lang..
Hindi pa Alam ni Sabrina na ako ang fiance niya. I'm sure hindi yun papayag pag nalaman niya. Paano na? Baka mag back out pa yun! No! Hindi ako papayag, si Sabrina lang ang mahal ko. Kahit ipagtabuyan niya pa ako ng paulit ulit di parin ako susuko, papatunayan Kong seryoso ako sa kanya.
-FRIDAY- 8:00 AM
"Tol, bukas na nga pala yon ano?" Renz habang naglalakad kami papuntang classroom. Ang tinutukoy niya eh yong meeting namin ng fiance ko.
"Oo."
"Paano kung mag back out siya?" Tanong ni Vander.
"Bakit naman siya mag baback out?" Nagtatakang sabi ni Ethan.
"G*go! Malamang pag nalaman niyang ang Ex niya pala eh yong fiance niya baka mag back out yun." Renz
"Ex? Ex niya si Ivan? Paano nangyari yun?" Pag mamaang maangan niyang tanong.
"Umayos ka nga Ethan! Nagka amnesia kaba huh?" Inis na sabi ni Renz.
"Huh? Sinong Ethan?" Dagdag niya pa na mas ikinainis ni Renz.
"Ewan ko sayo! Bahala ka sa buhay mo!" Renz na mukang ubos na ang pasenya kay Ethan.
"Hayaan niyo na lang yang si Ethan, mukang nasapian ng masamang ispiritu kaya nakalimot, Haha!" Asar ni Vander kaya hinayaan na nga namin si Ethan at pumasok na sa room.
-SATURDAY- 6:30 PM
"Uyy Tol, bilisan mo na dyan! Masamang pinaghihintay mo ang fiance mo!" Sigaw ni Ethan sa labas ng pinto. Nasa labas silang tatlo at inaantay ako dahil nga sasama daw sila sa black hotel. Gusto daw kasi nilang masaksihan yong magiging reaction daw ni CM pag nalaman niya na yong totoo na ako pala yong fiance niya. Ang sabihin nila, nadun yong mga kaibigan ni CM kaya sasama sila tsk!
"Ang sabihin niyo, excited na kayong makita yong mga kaibigan ni Sabrina!" Mapang asar Kong sabi pagkalabas ko ng kwarto ko, at ang mga loko namula? Haha, sabi ko na eee..
Naka black tuxedo ako plus black leather pants at siyempre ang gwapo ko! Naalala ko tuloy na favorite color pala ni Sabrina ang black. Lahat ng gamit niya color black! Ewan ko ba dun at masyado niyang minahal ang color black?
Mabuti pa nga ang color black mahal pa rin ni Sabrina, eee ako? Hayst! Natawa nalang ako sa mga naiisip ko. Actually, naka all black din ako ngayon baka sakaling magustuhan din ako ni Sabrina.
"Tsk! Tol, all black tayo ah? Saan ang patay?" Loko talaga tong Renz na to!
"Ikaw gusto mong mamatay?" Sarkastiko Kong tanong at tumingin sa kanya ng seryoso.
"Ah- eh- Hindi kana mabiro.. Siyempre joke lang ,yon.."
"Mabuti naman kung ganon.."
SABRINA'S POV
-BLACK HOTEL- 6:55 PM
"Pare, andyan na pala kayo. Siya na ba ang anak mo?" Lumapit saamin ang isang lalaki na nasa Mid 40 ang edad, sa tingin ko kasi magka edad lang sila ni Daddy, at kung hindi ako nagkakamali siya yong tinutukoy ni Dad na kaibigan niya at daddy ng fiance ko. Pero para siyang pamilyar? Parang nagkita na kami dati?
BINABASA MO ANG
My Ex Boyfriend, My Fiancee [COMPLETED]
Novela JuvenilSabrina is known as a CERTIFIED MALDITA! However, she is also one of those girls who is numb and bitter when it comes to love, ever since her ex-boyfriend used and deceived her just to get back with his true love. What if she finds out that her ex...