CHAPTER 40: With Him

2.8K 54 0
                                    

SABRINA'S POV

Pagkapasok nila Kay Ivan sa O.R Ay lumabas muna ako at nagtungo sa may garden. Hanggang ngayon hindi ko parin lubos maisip na niligtas niya ko. Niligtas niya ang buhay ko. I feel guilty sa lahat ng mga nagawa ko sa kanya.




Sa kabila ng lahat nagawa niya pa ring ibuwis ang sarili niyang buhay para lang sakin.




"Mahal niya ba talaga ako?"




"Sa tingin mo ba kung hindi ka niya mahal ibubuwis niya ang buhay niya para sayo?" Nagulat ako ng may magsalita sa likod ko.




"Anong ginagawa mo dito?"




"Kinakausap ka?" Tsk. Pilosopo!




"Ewan ko sayo!" Naiinis Kong sabi...



"Haha! Short tempered ka talaga. Kamusta?" Ano bang nakakatawa dun?





"Huh?" Bakit niya naman ako kinakamusta eee, lagi niya naman akong nakikita sa school o baka naman kinakamusta niya ko dahil sa nangyare?




"Tsk! You know, it's been a long time since we talk like this personally.." Oo nga no? Ngayon lang ulit kami nag usap ng seryoso tas kaming dalawa lang after 5 years. Remember? Si Renz, Ethan at Ivan lang naman ang madalas kumausap sakin diba? Bakit ko nga ba siya kinakausap eh galit ako sa kanila! Pss



"Know what CM, namiss kita.." Nalungkot siya habang sinasabi niya yan. Naalala ko tuloy yong Mga kulitan, asaran at katangahan namin dati bilang mag best friend. Haysst.. Masyado na kasing magulo ang lahat eh!




"Hayyst, I know ayaw mo ng drama. Pero CM, gusto ko lang malaman mo na Minahal ka niya at hanggang ngayon mahal ka pa rin niya.. Sorry sa mga nagawa namin sayo, kung pwede lang sanang maibalik pa yong dati." Nakikinig lang ako sa kanya.




"Huy! Kanina pa ako Dada ng Dada dito hindi ka man lang nagsasalita?"




"Pano ako magsasalita kung walang preno yang bibig mo?" Totoo naman eh, kanina pa siya. Akala mo babae sa sobrang kadaldalan. Daldalito Talaga!




"Eh, pasenya na ah? Nahawaan kasi ako nung best friend Kong maingay eh." Alam ko na kung sinong tinutukoy ng lalaking to.




"Talaga lang ah? Sino?" Patay malisya kunwari.



"Si ano, Si Sabrina Park. Oo siya nga, yong babaeng ubod ng ingay at tsismosa. Haha!" Anak ng? Ako maingay? At tsismosa daw? Upakan kita eh!




"Kilala mo ba siya?"



"Hindi eh, sino ba yun?" Sarkastiko Kong tanong.




"Yong babaeng patay na patay Kay Ivan. Hahahaha---"




"Wait! Sabrina, Huy! Aissh.." Paano ba naman iniwan ko nga dun, ingay Eh! Pinaalala niya pa yong katangahan ko dati. Tama siya, patay na Patay nga ako Kay Ivan! Pero dati yun.




"Ano?!" Umalis na nga ko, sumunod naman siya. AndIto na kami ngayon sa may park sa labas ng hospital.




"Sorry, Ahmm.. Tara kain tayo."




"Busog pa ako."



"Sayang naman, ibibili pa naman sana kita ng maraming fries at Mc Float tsaka burger.. Okay lang kung ayaw mo." Natigilan ako sa sinabi niya. Wait! Ano daw ulit? Fries, Mc Float at Burger? Neh? No! Sab, galit ka sa kanya remember? Kaya mo namang bumili eh!




My Ex Boyfriend, My Fiancee [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon