SABRINA'S POV
"Hindi ko Mahal si Tarah, Sabrina hindi mo na ba talaga ako mapapatawad?" Tumingin siya sakin at Alam Kong malungkot siya.
Kaya ko na bang magpatawad?
Pero kasi...
Hindi naman yun ganon kadali.
"Bessy.." Napatingin ako sa mga tumawag sakin.
"Anong ginagawa niyo rito?" Nagtataka Kong tanong. Lumapit sila sakin, kasama din nila yong mga kaibigan ni Ivan. Bakit sila magkakasama?
"Siyempre hinanap ka namin, nag aalala kami sayo bessy.." Gwen.
"Bessy Alam na namin ang lahat.. Mag ba back out kana ba?" Malungkot na sabi ni Aleah.
"We're going back to Canada!" Nagulat sila sa sinabi ko.
"What? Seryoso kaba Sab?" Tin.
"Pero CM, paano na yong kasal? Aalis ka ulit?" Singit ni Renz, Nakikinig din pala sila.
"Walang magaganap na kasal! And that's final! Aalis tayo Aleah, Gwen at Tin sa ayaw at sa gusto niyo!" Maawtoridad Kong sabi.
"Umuwi na tayo!" Aya ko sakanila at nauna ng naglakad pero napansin Kong walang sumunod saakin kaya liningon ko Yong tatlong bruha.
"ISA!" Cold Kong sigaw at dali dali naman silang sumunod sakin at umuwi na kami. Panigurado sermon na naman ang madadatnan ko kay dad dahil sa ginawa ko kanina.
RENZ'S POV
Nakita naming tumatakbo kanina si Ivan palabas ng hotel kaya naman susundan sana namin siya kaso nakita namin yong mga kaibigan ni Sabrina na binabastos ng mga lalaki sa labas. Kaya tinulungan namin sila.
Nakipagsuntukan lang naman kami dun sa mga unggoy na nakapalibot sa kanila, eh ang hihina naman pala nong mga unngoy na yun.
Thank you nga ng thank you sakin kanina si Ms. Conyo eh, ganun din yong mga kaibigan niya, Siyempre tinanong namin kung anong ginagawa nila sa labas ng hotel at ang sabi nila hinahanap daw nila si Sabrina dahil nakita nila itong tumatakbo palabas ng hotel kaso nga nacorner sila nong mga unggoy.
Kaya Sabay Sabay na naming hinanap si CM at Ivan, at ayun nakita namin silang nag uusap.
Mukang aalis na sila.. Dahil sa nangyare.
Hindi naba talaga maaayos yong gusot namin Kay CM. Kung kelan nakita ko na yong taong mamahalin ko.
Oo mahal ko na si Ms. Conyo..
ETHAN'S POV
Mahal ko na ata siya?
Hindi ko Alam kung pano nagsimula, basta nakita ko nalang yong sarili ko na masaya pag nakikita ko siya.
Oo playboy ako, pero marunong din ako magmahal ng seryoso. At naramdaman ko yun Kay Gwen. Yong mga ngiti niya, tawa niya, kakaiba sa lahat. Sakanya lang ako tinamaan ng ganto.
Hindi ko Alam na ang playboy na tulad ko Ay mahuhulog sa Babaeng boyish na yun.
Ang kaso..
Sigurado akong ilalayo na ni CM yong mga kaibigan niya, at babalik na daw sila ng Canada. Pano na? Pano ako magtatapat ng nararamdaman ko Kay Gwen kung Aalis na sila?
VANDER'S POV
Tuluyan na nga akong nahulog dun sa babaeng masungit na yun!
I wish na sana pareho kami ng nararamdaman. Kanina ng tinulungan namin sila, dun ko lang nakita yong sweet at cute side niya, I thought mataray at masungit talaga siya pero I'm wrong. And that made me realize na I'm falling in love with her.
Sa totoo lang, para siyang si CM, akala ko nun sobrang Maldita si CM at masungit pero ng makilala ko siya, sobrang kulit at childish pala niya lalo na sa mga ka close niya.
Speaking of CM, hanggang ngayon galit parin saamin. Baka nga umuwi na talaga sila ng Canada eh, nakakalungkot lang dahil wala man lang akong magawa para masabi ko Kay Aleah yong feelings ko. Natatakot kasi ako Kay CM. Alam Kong hindi yun papayag na ligawan ko ang best friend niya. Pero mahal ko si Aleah.
BINABASA MO ANG
My Ex Boyfriend, My Fiancee [COMPLETED]
Fiksi RemajaSabrina is known as a CERTIFIED MALDITA! However, she is also one of those girls who is numb and bitter when it comes to love, ever since her ex-boyfriend used and deceived her just to get back with his true love. What if she finds out that her ex...