Fast forward..
IVAN'S POV
"Anak, are you sure itutuloy mo ang kasal? I know, you love Sabrina.. Hindi na kita pipigilan kung siya ang mahal mo." Ngayon na ang araw ng kasal namin ni Nicole. Ang bilis talaga ng araw no? Naka-graduate na rin kami ng college.
"I'm sure about this dad. I want to help our company and at the same time, I want to forget Sabrina. I need to accept that we are not destined to each other." Natapos ang graduation pero hindi pa rin kami nagpapansinan ni Sabrina. Sobrang nagalit sakin ang tropa dahil sa desisyon ko pero wala akong pakialam. Masama bang sumuko nalang dahil pagod na pagod na ko? Pagod na Kong Mahalin ka Sabrina Park.
"Kung yan ang desisyon mo, hindi na kita pipigilan. Sana lang Ay wag mo itong pagsisihan sa huli." Sabi ni Dad at tinapik ako sa balikat bago lumabas ng kwarto ko.
SABRINA'S POV
"Sab, huy! Ngayon na ang kasal ni Ivan at Nicole, hindi mo ba pipigilan?" Napatingin ako Kay Gwen.
"Para saan pa Gwen? Ayoko ng maging kontrabida sa buhay ni Ivan. Ayoko na Gwen! Suko na ko." Napahagulgol nalang ako ng iyak.
"Minsan hindi masamang sumuko para palayain ang taong mahal mo, pero hindi rin masamang ipaglaban ang taong mahal mo kahit mismong tadhana na ang tutol dito."
"Claud??" Mas lalo akong naiyak ng makita ko si Claud sa harap ko. Omaygad! Anong ginagawa ng lalaking to dito??
"Diba sabi ko wag kang umiyak? Papanget ka niyan lalo eh.."
"Loko ka talaga!" Sabi ko at hinampas siya sa braso.
"Wag ka ng umiyak, may paraan pa para maging masaya ka?" Sabi niya at pinunasan ang luha ko.
"Paano?"
"Simple lang. Ipaglaban mo ang taong mahal mo."
"Pero may mahal na siyang iba. Ikakasal na siya, ayoko ng gumawa ng gulo Claud."
"Sinabi niya ba mismo sayo na hindi ka na niya mahal at may mahal na siyang iba?" Umiling ako.
"Sab, sundin mo ang tinitibok ng puso mo.. Andito lang ako lagi sa tabi mo, kung huli na.. Nandito pa naman ako eh. Pero kung hindi pa, magiging masaya ako para sayo best friend." Tama si Claud, hindi ako pwedeng sumuko kung may paraan pa.
"Thank you Claud, I'm happy that your my best friend. Sorry din kasi di ko maibalik yong pagmamahal mo sakin higit pa sa isang kaibigan." Niyakap ko siya at napaiyak ulit.
"Tama na ang drama.. Sab, baka tapos na ang kasal." Naalala ko na kailangan ko pa palang pigilan yong kasal, mabuti nalang pinaalala ni Gwen.
"Goodluck Sabrina!" Sigaw ni Claud at Gwen.
Pagdating ko sa simbahan Ay nakabukas ang pinto.
Nakita ko sina Agatha, Aleah, Tin, Renz, Vander at Ethan sa loob. Wala na kasi silang nagawa kundi maging maid at bestman sa kasal kahit na ayaw nila.
Actually, invited ako dito pati si Gwen pero hindi kami sumipot. Ikaw ba? Kung sakali bang ikakasal yong taong mahal mo sa iba at invited ka eh pupunta ka pa rin? Kung oo bilib na ko sayo.
"May tututol ba sa kasalang ito?" Tanong ni Father.
Ayokong mabuhay ng may pinagsisisihan.
"ITIGIL ANG KASAL!!"
Nagulat ako dahil may sumigaw. Napatingin ako sa babaeng sumigaw at nagulat ako sa nakita.
Anong ginagawa niya dito? Diba nakulong na siya?
Biglang nagkagulo sa loob ng pumasok si Tarah at hinila si Ivan.
Anong binabalak niyang gawin?
Nagsilabasan na yong mga tao ng may inilabas siyang baril.
Kinuha ko yong phone ko sa bulsa at tumawag Kay Claud.
"Ano? Sige magrereport na ko sa police. Sabrina mag-ingat ka. Pupunta ako dyan." Pinatay ko na yong tawag.
IVAN'S POV
Nagulat kami ng may sumigaw. Akala ko si Sabrina pero nagkamali ako. Bakit nga ba ako aasang ipaglalaban pa niya ako.?
"Hello Everyone! Namiss niyo ba ako?" Sabi niya at tumingin saaming lahat.
"Hi Ivan:) long time no see.. Ikakasal ka na pala sa bruhildang to?" Lumapit siya Kay Nicole at sinampal ng malakas kaya natumba siya sa sahig.
"Bakit ka ba nanggugulo Tarah? Pano ka nakalaya?" Tanong ni Aleah.
"Haha! Babawiin ko lang kung ano ang pag-aari ko." Tumawa siya ng malakas at bigla akong tinutukan ng baril kaya nagsilabasan na ang mga bisita.
"Papakasalan mo ba ako Ivan? O papatayin nalang kita? Oh, asan nga pala si Sabrina? Isama narin natin siya." Nag-init ang ulo ko sa sinabi niya. Ayos lang na ako ang saktan niya wag lang si Sabrina.
"Wag mong idamay dito si Sabrina hayop ka! Hinding hindi ako magpapakasal sayo!"
"Ah ganon, sige. Dahil wala dito si Sabrina siya na lang ang papatayin ko. Tutal inahas niya lang din naman ako eh! Diba?" Lumapit siya Kay Nicole.
"Sorry Tarah, patawarin mo ko." Pagmamakaawa ni Nicole.
"Haha! Sorry din my friend!" Sabi niya at nagulat kaming lahat ng pinaputukan niya ng baril si Nicole. Lalapitan na sana namin siya kaso humarang si Tarah.
"Agatha, Aleah, Tin lumabas na kayo! Kami ng bahala dito." Sabi ni Vander.
"Subukan niyong lumabas! Ipuputok ko to sa kanya!" Nagulat kami ng hinila niya si Aleah at tinutok ang baril sa kanya.
"Walang hiya kang babae ka! Bitiwan mo siya!" Sigaw ni Vander at nakipag-agawan ng baril Kay Tarah.
Napansin Kong nahulog yong baril habang pinag-tutulungan nila si Tarah kaya pupulutin ko na sana ito at ibabaril Kay Tarah pero bigla nalang may yumakap sakin patalikod kasabay ng malakas na pagputok ng baril.
---------------------------------------
OMG! What happened??
May mamamatay kaya at mag-papaalam?
Abangan..
Paalala:
Nalalapit na po ang finale ng My Ex is My Fiance?? 1 chapter nalang po before the last chapter. Continue to support guys.. I love you all.
BINABASA MO ANG
My Ex Boyfriend, My Fiancee [COMPLETED]
Novela JuvenilSabrina is known as a CERTIFIED MALDITA! However, she is also one of those girls who is numb and bitter when it comes to love, ever since her ex-boyfriend used and deceived her just to get back with his true love. What if she finds out that her ex...