ALEAH'S POV
Hi I'm Aleah Ramos.. 19.. Maganda, Sexy, Maarte, Mayaman, one of the BEE4 and cousin of Sabrina.
Nagulat talaga kami kanina ng magkasabay na pumasok si Sab at Claud. Akala nga namin sinagot na siya ni Sab. Minsan lang kasi silang magkasabay pumasok. Kaso nong sinabi no Sab na nagkasabay lang talaga silang pumasok eee nalungkot kami.
Paano ba naman kasi, Matagal na naming inaasar ang dalawa na bagay sila. Inaasar din namin si Sab na sagutin na niya si Claud dahil matagal na itong nagtapat ng totoong feelings niya para Kay Sab pero ang mahiwagang sagot lang naman ni Sab ay... AYOKO!
Alam naman namin yong past ni Sab eee. Kahit si Claud Alam niya rin kung ano yong dahilan kaya bumalik si Sab dito sa Canada. Naaawa ako sa pinsan slash best friend ko dahil hanngang ngayon alam Kong nakakulong parin siya sa nakaraan. Alam kong natatakot siyang muling magtiwala. Pero hindi naman masamang itry diba?
Hayss.. Wala naman akong magagawa kung ayaw niya talaga. Hindi ko naman pwedeng turuan siyang buksan ulit ang puso niya. Saakin lang, naaawa ako Kay Claud kasi kahit na anong effort niya parang wala lang Kay Sab. Minsan nga nagmumukha na siyang tanga kasusuyo Kay Sab pero hindi siya nawawalan ng pag ASA na mamahalin din siya ng pinsan ko.
Ganon ba talaga pag mahal no ang isang tao? Handa kang magpakatanga? Wala pa kasi akong experience Jan eee. No boyfriend since birth kasi ako. Paano ba naman eee kapag may nanliligaw saakin tinatakot nila kuya at saka wala pa naman akong nagugustuhan eee.. Siguro darating din siya sa tamang panahon.
SABRINA'S POV
Hay salamat! Uwian na! Nagdiscuss lang naman kanina yong mga prof. Namin.
Nagpaalam narin sila Aleah na mauna na sila dahil may kukunin pa ako sa locker ko. Medyo pagabi narin kaya madilim na yong papuntang locker. Hinanap ko yong Cellphone ko sa bag dahil may flashlight yon pero hindi ko mahanap.
Napatingin ako sa paligid at dumidilim na nga. Wala nang estudyanteng nakalat.
"Asan naba yong phone ko?" Bulong ko sa sarili. Bakit ba naman kasi walang ilaw yong hallway papunta sa locker room. Anak ng kamatis naman oh! Sana pala nagpasama nalang ako kina Gwen kanina tsk.
Tinignan ko ulit yong bag ko dahil baka nadulingan ko lang, pero wala talaga! Kinapa ko yong bulsa ko pero wala eee. Saan ko ba kasi nailagay yon?
Inaalala ko kung saan ko ba pwedeng ilagay o naiwan yong phone ko. Napabatok nalang ako sa sarili ng maalalang nilapag ko pala yon dun sa locker ko katabi nong libro ko. Tanga ko talaga!
Paano na yan ngayon ang dilim pa naman pero kailangan Kong kunin yong book ko pati narin yong phone ko. Lagot talaga ako baka hinahanap na ko ni Manang.
Wala naman akong choice eee, kaya tinahak ko nalang ang madilim na daan papunta sa locker ko. Kinakabahan ako at the same time natatakot rin dahil andilim talaga. Huhuhu...
Ng makarating ako sa locker room, kinuha ko yong susi sa bag ko at binuksan yong locker ko kaya agad Kong hinanap yong book at phone ko. Nakita Kong may tumatawag sa phone ko habang sinasara ko yong locker. Sasagutin ko na sana kahit di ko alam kong sino tumatawag pero labis akong nagulat nang...
"Anong ginagawa mo rito?" Napatalon pa ako sa gulat at nabitawan ko yong phone ko ng may magsalita. Napatingin ako sa kanya at tumatawa pa ang loko. Pinulot ko na yong phone ko dahil nakailaw pa ito.
"Bakit kaba nanggugulat ha?"
"Sorry I don't know na magugulatin ka pala? Kanina pa kasi kita hinihintay sa gate pero antagal mong lumabas, kaya hinanap na kita hanggang sa may narinig akong kumakaluskus dito at nakita kita." Mahabang paliwanag niya. Hinihintay niya ko? Bakit naman?
"Tsk.. Bakit mo pa kasi ako hinintay?" Naiinis na tanong ko.
"Ikaw na nga tong hinintay ikaw pa ang galit! Siyempre nag aalala lang ako sayo. Kasi Mahal kita! Bakit ba kasi ang manhid manhid mo ha?" Pasigaw na sabi niya. Hindi ko makita yong itsura niya habang nagsasalita pero ramdam Kong malungkot siya.
"Tsk.. Alam ko namang manhid ako eee. Sinasayang mo lang oras mo sakin! Claud layuan mo na ako! Tigilan mo na yong pangungulit sakin dahil wala kang mapapala! Marami namang iba Jan! Na kayang suklian yong pagmamahal mo." Alam Kong nasasaktan ko siya sa mga ginagawa ko.
"Yun na nga eh! Marami namang ibang babae Jan na pwede Kong mahalin at nagkakagusto sakin. Pero ang tanong mahal ko ba sila? Sab hindi ganon kadaling magmahal ng taong hindi mo mahal."
"See? Ikaw nang nagsabi, mahirap mahalin ang taong di mo Mahal. Claud HINDI KITA MAHAL kaya please lang tigilan mo na ako!" And with that umalis naako at naiwan siyang tulala.
BINABASA MO ANG
My Ex Boyfriend, My Fiancee [COMPLETED]
Teen FictionSabrina is known as a CERTIFIED MALDITA! However, she is also one of those girls who is numb and bitter when it comes to love, ever since her ex-boyfriend used and deceived her just to get back with his true love. What if she finds out that her ex...