SABRINA'S POV
"Ano na naman bang kasalanan ko sayo huh?" Naiinis Kong tanong sa kanya.
"Tsss. Hindi mo Alam?"
"Ang alin?"
"Pwede ba Sabrina, wag ka ng mag maang mangan pa! Ikaw nalang lagi ang kontrabida saamin ni Ivan. Simula ng dumating ka nagbago na si Ivan. And that's all because of you, bitch!"
"Ano bang pinagsasabi mo? Hindi ko kayo ginugulo. And first of all, kayo ang nagsimula ng lahat ng to hindi ba? Second, hindi ko na siya mahal kaya bakit ka natatakot na maghiwalay kayo? Unless.. Hindi ka na niya mahal? And lastly, I'm not a bitch! Kaya wag kang desperada na patayin ako para lang mawalan ka ng kaagaw!" Bulyaw ko sa kanya.
"Wala. Akong. Pakialam. Kaya ngayon palang magdasal kana, dahil papatayin kitang mang aagaw ka!" Sabay sampal sakin ng malakas, dahil nakatali ako kaya hindi ako makabawi sa kanya.
"Ng dahil sayo, nakipaghiwalay sakin si Ivan! Malandi ka talagang babae ka! Ang kati kati mo! May Syota na nga papatusin mo pa? Akala mo kung sino kang malinis? Eh, mas madumi ka pa sa langaw! Slut!" Biglang nag init yong ulo ko sa sinabi niya. Bakit hindi niya yan sabihin sa sarili niya? Kung hindi lang ako nakatali dito, malamang kanina ko pa kinalbo ang babaing to.
"Hindi ako Malandi! Kung may malandi man dito saatin Tarah, Malamang ikaw yun!" Sigaw ko.
"Tsk! Malandi na kung malandi! Pero hindi ko na hahayaang maagaw mo pa ulit si Ivan sakin! Papatayin kita!" Galit na galit niyang sabi at naglabas ng baril. Hindi ko aakalaing seryoso nga siya sa sinabi niyang papatayin ako, nababaliw na ba siya? Nang dahil lang sa pesteng pagmamahal na yan gagawa siya ng kasalanan? Isa pa, wala naman akong balak agawin sa kanya si Ivan eh, pupunta na nga akong Canada diba?
"Say goodbye, Sabrina!" Sabay tutok sakin ng baril. Pero hindi niya Alam na natanggal ko na yong tali sa kamay ko. Kasalanan ko bang hindi mahigpit yong pagkakatali sakin? Akmang pipindutin niya ng agawin ko ito sa kanya.
"Hindi mo ko mapapatay Tarah!" Siya naman ang tinutukan ko ng baril.
"Paano ka nakatakas? Walangya ka!" Bigla niya Kong sinabunutan kaya nabitawan ko yong baril. Hindi ko maiwasang maalala lahat ng ginawa niya sakin, lahat ng panloloko nila ni Ivan kaya mas hinigpitan ko yong paghawak sa buhok niya! Wala akong pakialam kung makalbo siya!
Sinuntok ko siya kaya napahiga siya sa sahig pagkatapos Ay sinabunutan ko ulit at pinagsasampal. Wala akong pakialam kung mapatay ko siya o ano! Basta ang nasa isip ko lang gusto ko siyang magdusa.Pinagsasampal ko siya ng biglang nawalan siya ng Malay kaya naisip ko ng tumakas Baka kung anong pang mangyare. Baka mamaya may kasama pala tong bruhang to. Sa tingin ko hindi pa naman siya patay. Agad akong tumakbo at hinanap ang daan palabas pero bago pa ako makatakas Ay nagulat ako ng Nasa harap ko na siya.
"At saan ka pupunta? Hinding hindi ka makakatakas! Dahil papatayin kita!" Galit na galit niyang sigaw habang nakatutok sakin yong baril. Medyo malayo ako sa kanya, pero Alam kung ano mang oras mamamatay ako. Katapusan ko na ba talaga? Sana panaginip lang lahat ng to, at magising na ko! Pero, kung ito na po talaga ang katapusan ko, kayo na pong bahala sa mga mahal ko sa buhay..
"Say Goobye, Sabrina.." Pumikit nalang ako at hinihintay na tumama sakin yong bala pero bakit ganon? Hindi tama ng bala yong naramdaman ko kundi yakap. May nakayakap sakin at bumulong..
"I love you.." Bulong niya. Minulat ko yong mata ko at nakita ko si Ivan na nakangite at nakayakap sakin. Nagulat ako ng may makitang dugo sa kamay ko.
"Ivan!" Nangangatal Kong sabi, niligtas niya ko?
"Sabrina.." Mahina niyang sabi at hinawakan ako sa pisnge.
"Bakit mo ginawa yun? Bakit mo sinalo yong bala? Saakin dapat yun!" Naiiyak Kong sabi.
"Dahil mahal kita. At alam kong kulang pa tong kabayaran sa lahat ng nagawa ko sayo. Mahal na mahal kita Sabrina, at handa akong mamatay para lang sayo.."
"Ivan, wag mong sabihin yan, hinde ka pwedeng mamatay.. Lumaban ka, dadalhin kita sa hospital.."
"Patawarin mo ko Sabrina, sa lahat lahat ng nagawa ko sayo. Wag ka ng umiyak, nasasaktan ako."
"Gag* kaba? Hindi naman ako batO para hindi umiyak kahit na malaki ang galit ko sayo."
"No! Bitiwan niyo ko! Ivan, Ivan I'm sorry!" Napatingin ako Kay Tarah na hawak hawak ng mga pulis habang umiiyak.
"Ivan! Ivan!" Sigaw pa Neto bago tuluyang kaladkarin ng mga pulis. Sakto namang dumating sila Vander, Aleah, Ethan, Gwen, Renz at Tin.
"Ivan! Sabrina!" Sigaw nila at lumapit samin.
"Anong nanyare?"
"Pwede ba dalhin nalang natin si Ivan sa Hospital." Sigaw ko sa kanila. Agad namang binuhat nung tatlong lalaki si Ivan at sinakay sa kotse ni Ethan.
VANDER'S POV
Agad agad naming dinala si Ivan sa hospital, wala paring tigil ang pag agos ng dugo dahil may tama siya sa likod niya. Sinangga niya yong bala na dapat Ay Kay CM.
Kanina pa iyak ng iyak si CM kaya kinocomfort naman siya nila Aleah. Inasikaso naman kami agad nung mga nurse at doctor. Dinala si Ivan sa Operating Room dahil kailangang taanggalin yong bala sa likod niya.
"Hanggang dito nalang muna kayo.." Sabi nung Doctor.
"Doc. Gawin niyo po ang lahat para mabuhay ang kaibigan namin." Sabi ko.
"Wag kayong mag alala, we will do our best para maligtas ang pasyente, sa ngayon.. Magdasal nalang muna tayo."
"Salamat po." At pumasok na yong doctor.
"Asan na si CM?" Tanong ni Renz kina Aleah na nakaupo malapit sa O.R.
"Lumabas.. Hayaan muna natin siya." Seryosong saad ni Aleah.
"Hindi man lang ba siya nag aalala Kay Ivan?" Naiinis na wika ni Renz.
"Hindi naman sa ganon Renz, masakit din naman Kay Sabrina yong nanyare.. Kahit papano, minahal parin ni Sabrina si Ivan." Tin.
"Tsk! Minahal? Kung hindi dahil sa pagiging makasarili niya, hindi aabot sa ganto!" Renz.
"Teka! Wag mo namang pagsalitaan ng ganyan si Sab, Hindi niya ginusto yong nangyare kahit na malaki galit niya sa kaibigan niyo! Sa totoo lang si Ivan naman ang may kasalanan ng lahat kaya umabot sa ganto. Kaya dapat lang na siya yong nandyan at nahihirapan at hindi si Sabrina!" Gwen.
BINABASA MO ANG
My Ex Boyfriend, My Fiancee [COMPLETED]
Teen FictionSabrina is known as a CERTIFIED MALDITA! However, she is also one of those girls who is numb and bitter when it comes to love, ever since her ex-boyfriend used and deceived her just to get back with his true love. What if she finds out that her ex...