CHAPTER 29: Something Fishy

3K 54 0
                                    

SABRINA'S POV


Monday na naman and that means, may klase na naman at ibig sabihin this week ko na din mame meet yong fiance ko. Kinakabahan na nga ako eh.
Paano nalang kung panget pala yon? Ayokong magkaanak ng tiyanak no! Huhuhu..




"Bes! Tulaley ka na naman dyan?" Singhap ni Tin habang kumakain.




"Ah, may naalala lang ako." Sagot ko.




"Ah, guyss.. Mall tayo mamaya ah!" Aya ni Gwen.




"Ano namang bibilhin mo Gwen?" Tanong sa kanya ni Aleah.




"Wala, kapag ba pupunta ng mall ibig sabihin may bibilhin? Di ba pwedeng gagala lang?" Aytss.. Ayan na naman po siya.




"Sabi ko nga." Sang ayon ni Aleah. Mabuti nalang at hindi niya na pinatulan dahil kung hindi, hindi na naman titigil yang bunganga niyan sa kakadakdak.




"Guyss, CR lang ako ah." Paalam ni Tin.




"Samahan na kita Tin." Pag aalok ni Aleah pero tinanggihan niya ito dahil malapit lang naman yong CR.




"Sab.." Napatigil ako sa pagkain at Napatingin ako Kay Aleah. By the way nandito pala kami sa canteen ngayon dahil lunch break namin.




"Oh bakit?" Mataray Kong tanong.




"Tumingin ka sa likod mo.." Utos niya. Nagtataka naman ako sa tinitingnan nila kaya tumingin naman ako sa likod ko. And guess what? Nakita ko lang naman na magkakasama ang 4 EVER at ang grupo ni Impokrita. At kung makadikit sila sa mga 4 EVER akala mo mawawala sa tabi nila.




"Yang mga yan ang tinatawag na ubod ng kati." Inis na sabi ni Aleah.
"Akala mo naman mga kagandahan. Tsk!" Dagdag niya pa.




Bakit ganon? Parang iba yong nakikita ko sa kanya, parang naiinis siya na may halong selos..




Naisip ko lang, bakit naman siya magseselos? At kanino naman? Tiningnan ko si Aleah kung kanino siya nakatingin.




Kay Vander?..




Nakita Kong tumingin si Vander sa direksyon namin at dumako ang tingin niya kay Aleah. Napansin Kong biglang umiwas ng tingin si Aleah at biglang nagpaalam na mag CCR daw.




Dalawa nalang kaming natira ni Gwen dito sa table. Wala pa rin kasi si Tin eh.




Maya maya pa, napansin ko ring wala na si Renz sa mesa nila. Yong tatlong ugok nalang ang natira kasama ng mga froglets nila, pero yong isa mukhang OP. Walang kalampungan eh.




"Know what babe? What if, sa Condo ko ka nalang matulog mamaya.." Malanding sabi nong froglets na nakakapit pa sa braso ni Ethan. At sa sobrang landi, bigla niya nalang hinalikan si Ethan. At ang gago di man lang tinulak si froglet. Oo, playboy yang si Ethan, pero Alam Kong hindi niya pinapatulan yong mga ganyang klaseng babae. Nakakadiri sila! Sa canteen pa talaga.





"Bessy, CR lang din ako huh!" Teka lang? Anong bang trip nila at lahat nalang sila nag CR. CR ba talaga? O-, aissh.. Something fishy..




Ayon, mag isa ko nalang dito, kaya umalis nalang din ako. Alam ko namang di na babalik yong mga yon eh. Aishh..






TIN'S POV

Grabe lang, hindi ko na talaga matake yong nakita ko kanina. Pumasok ako ng CR pero hindi ako umihi. Humarap lang ako sa salamin at bumuntong hininga, bakit ganon?



Bakit parang nasasaktan ako?




"No, hindi pwede to! Di to tama." Bulong ko sa sarili. Inayos ko ang buhok ko at nagretouch lang bago lumabas.






Ano bang nangyayare saakin? Hayss..
Nakakabwisit lang kasi yong palakang yon ehh! Kung makakapit akala mo naman sila. Yong hinayupak naman, gustong gusto pa!




"Bwisit! Magsama sila!" Inis Kong sabi habang naglalakad.





Blagg...




"Ouch!" Anak ng tokwa naman oh, sinong gago ba itong bumangga saakin?




"Sorry hindi ko sinasadya..." Nagkatinginan kami at sa kamalas malasan nga naman oh. Siya pa yong nakabangga ko.




"Ahm, sorry talaga."




"Ahmm... Its okay." Sabi ko nalang at umalis.




RENZ'S POV

Nagpaalam muna ako sa kanila na mag CCR lang ako, pero ang totoo hindi naman talaga. Gusto ko lang makalayo  doon sa malanding babaeng yon. Kung makadikit kasi akala mo naman maganda. Okay pa sana kung si Ms. Conyo eh..





Napangiti nalang ako sa mga naiisip ko. Hindi ko namalayan na may nabangga pala ako and to my surprise si Ms. Conyo pala.





"Ouch!" Mahinang wika niya.





"Sorry hindi ko sinasadya." Paumanhin ko at nagkasalubong ang aming mga mata.





"Ahm, Sorry talaga." Ulit ko, nakakahiya naman. Di kasi ako tumitingin sa dinadaanan ko kaya ayan.





"Ahmm... Its okay" Sabi niya at umalis na. Napatingin nalang ako sa kanya habang naglalakad. She's really something.. Ewan ko, pero.. Sa tingin ko I like her. She's different and I want to know her more.





But before that, kailangan muna naming makasigurado kung sino ba talaga ang fiance ni Ivan.





We plan na, makipagkaibigan sa mga kaibigan ni Sab. Ako Kay Ms. Conyo, si
Ethan Kay Gwen, at si Vander naman Kay Aleah.

























My Ex Boyfriend, My Fiancee [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon