SABRINA'S POV
"Uyy Sab! Are you okay? Tulala ka nanaman dyan, may problema ba?" Tanong ni Aleah. Nandito kami ngayon sa classroom namin pero wala pa yong prof. Namin dahil maaga pa naman. Uunti pa din kaming nandito.
"Oo nga girl! Kanina pa parang anlalim ng iniisip mo!" Dagdag ni Gwen.
"Spill it Sab! Baka makatulong kami." Seryosong turan ni Tin.
"Wala akong problema! May naalala lang ako. Okay?" Ayoko na munang sabihin sa kanila yong totoo. Saka nalang.
"Sab, wala ka bang tiwala saamin. Kilala ka namin Alam namin kung meron at wala kang problema. We are willing to listen.!" Sabi ni Aleah. Hay! Wala talaga akong maitatago sa kanila!
"I'm going back to Philippines." Malungkot Kong sabi at akala mo naman mamamatay na ako sa mga itsura nila.
"Is that true!? Mygahdd Sab! Are you going to make revenge with your... Ahmm you know?" With my ex? Tsk. Ano bang pinag iisip nila..
"Of course not! Hindi ako katulad ng iba na mag rerevenge dahil niloko o iniwan sila ng Ex nila!" Yea! Kahit kelan di ko naisip na mag take ng revenge sa manloloko Kong Ex.
"Oh? Akala ko pa naman.. Sasamahan sana kitang mag revenge don sa bwes*t mong Ex.." Natatawa tuloy ako Kay Gwen. Actually, Gwen is a slight boyish.
"So! Bakit ka nga babalik ng Pilipinas Sab?" Singit ni Tin.
"Coz I'm going to meet my fiance there.." Halos malaglag ang tatlo sa kinauupuan nila dahil sa sinabi ko.
"What? Are you Serious Sab?" Di makapaniwalang tanong ni Aleah.
"Mukha ba akong nagsisinungaling? Kahit nga din ako hindi parin makapaniwala na may Fiance na ako at nasa Pilipinas pa!" Sabi ko.
"Is it about family business Sab?" Aleah asked.
"Yeah!"
"Uh? So kailan ang flight mo.?
"Next week I guess."
"Kilala mo na ba kung sino yong fiance mo?" Tanong ni Gwen.
"Hindi!"
"Eee? Paano na si Claud. I thought my feelings ka na para sa kanya?" Hayy. Hindi ko rin alam Tin. Naguguluhan pa ako sa nararamdaman ko.
"He's just a special friend of mine! Nothing more, Nothing less. And besides, may Fiance na ako ayokong paasahin si Claud." Kahit naman bigyan ko ng Chance ang sarili ko para magmahal muli, hinde na pwede.. Sana lang matutunan Kong mahalin yong Fiance ko. Maybe this is my destiny..
CLAUD'S POV
Papasok na sana ako ng Classroom namin pero narinig Kong may pinag uusapan sila Sab. Mabuti nalang at hindi nila ako napansin.
Hindi ko maiwasang mainis dahil sa mga narinig ko.
May Fiance na siya? And she's going back to Philippines. At ang masakit pa ay Special Friend lang daw niya ako at wala ng hihigit pa doon.
Akala ko pa naman may nararamdaman na siya saakin. Masakit talagang umasa. Ang assuming ko kasi.
Hindi na ako pumasok sa room dahil dunala ako ng paa ko sa may garden sa likod ng school building. Naupo ako sa tabi ng puno at sumandal dito.
"Wala na ba talaga akong pag-asa na mahalin mo Sab?" Bulong ko sa sarili at pumikit.
Mahal na mahal kita Sabrina Park.. I will love you not just for the rest of my life, but for the rest of yours..
SOMEONE'S POV
Hanggang ngayon naghihintay pa rin ako sa pagbabalik mo. Gusto Kong humingi ng tawad sa lahat lahat ng sakit na binigay ko sayo. Kung nasaan ka man ngayon, Sana ligtas ka, Sana masaya ka.. I'm really really sorry, kahit ilang beses ko pang sabihin sayo yan hinding hindi ako magsasawa..
Sana balang araw mapatawad mo ako. Hindi ko naman talaga ginustong masaktan ka, nagawa ko lang yon dahil sa taong mahal ko.
Patawarin mo ako...
BINABASA MO ANG
My Ex Boyfriend, My Fiancee [COMPLETED]
Teen FictionSabrina is known as a CERTIFIED MALDITA! However, she is also one of those girls who is numb and bitter when it comes to love, ever since her ex-boyfriend used and deceived her just to get back with his true love. What if she finds out that her ex...