CHAPTER 11: Flight

3K 61 0
                                    

GWEN'S POV

Grabee talaga! Excited nako. Hohoho. First time ko palang kasing pumunta sa Pilipinas.




Nandito na kami sa Plane at magkatabi kami ni Tin, bale ako yong malapit sa bintana Sa likod naman namin sina Sab at Aleah nakaupo.




Siguro nagtataka parin kayo kung bakit at paano kami nakasama noh? Hihi! Actually si Aleah talaga ang may plano nito. Kinausap niya raw si Tito na sasama kami sa Pilipinas.




Kung ano ano pa nga raw sinabi niya para lang makumbinsi si Tito. At sa huli pinayagan rin siya pero may isang kondisyon. Na siya na ang bumili ng ticket namin dahil nakalimutan daw ni Tito. At ngayon na daw dapat kami umalis. Di naman excited si Tito noh?




Nang binalita ni Aleah na okay na at nakabili na rin siya ng ticket ay agad agad naman kaming nag empake ng mga gamit. Buti pinayagan ako nila Mom at Dad.




Nang makaempake ako ay pumunta na ako sa bahay nila Sab. Doon daw kami magki kita kits. Kaso pagdating ko roon wala pa pala sila. Masyado ba akong excited?




Naghintay lang ako sandali at buti nalang dumating na ang dalawa. Sabi nila may problema raw dahil di nila macontact si Sab kahit rin daw si Tito. Triny Kong tawagan pero not attended lang siya. Hindi rin alAm ni manang kung San siya pumunta.




Busy parin si Tin at Aleah kada dial baka sakaling sumagot pero wala talaga. Buti nalang at tinanong ni Tin kung sasama rin ba si Claud sa Airport para ihatid kami. Kaya naalala ko kanina bago ako umalis ng bahay nakita ko siyang sumakay sa kotse at nakaporma pa.




Tinext ko si Claud dahil baka may Alam siya kung nasaan si Sab. Sa tingin ko kasi masyado na silang nagiging close. Hindi naman ako nagkamali at magkasama nga sila.




Basta! Exited na ako sa magiging new life namin sa Pilipinas.. Napatingin ako sa mga kasama ko at tulog na pala si Tin at Aleah. Si Sab naman ayon nakikinig ng music sa headset niya.




" psst. Sab!" Tawag ko kaya napalingon siya sa gawi ko.




"Hmmh?" Tinanggal niya yong isang headset sa tenga niya.




"Are you excited?"




"I don't know." Sagot nito at binalik yong tinanggal niyang headset.




"Ayos talagang kausap. Hmph! Basta ako excited na!" Kausap ko sa sarili ko.




Ano kayang Mangyayari saamin doon?




Ano kayang meron sa Pilipinas na wala sa Canada?




Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako...



















My Ex Boyfriend, My Fiancee [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon