Nalaman na ng lahat ang naganap sa Prinsipe ng Sapiro na si Prinsipe Raquim at sa anak nilang si Amihan.Nakabalik na ng Encantadia si Aquil buhat-buhat si Amihan na may natamong saksak at walang malay.
"Mashna!Nasaan ang Prinsipe Raquim?"Tanong ng isang kawal kay Aquil.
"Magsama ka ng dalawa pang kawal at magtungo kayo sa tirahan ng Rehav Raquim sa Mundo ng mga tao!"Utos ng Mashna sa kawal.
"Masusunod!"Sabi ng kawal at yumukod tsaka umalis.Nagsimula nang maglakad si Aquil pabalik sa Lireo kasama ang dalawa pang kawal.Matapos ang Paglalakbay.....
Nakarating na sina Aquil sa Lireo agad silang dumiretso sa Punong Bulwagan pagkatapos ilagay sa silid si Amihan.
"Ynang Reyna!"Pagtawag ni Aquil at yumukod bumaba naman sa trono si Mine-a.
"Aquil!?Nasaan sila?"Tanong ng Reyna sa Mashna.
"Ginagamot na ng mga babaylang Diwata ang Sang'gre Amihan sa natamo niyang saksak at ang Rehav Raquim naman ay pinasundo ko sa mga kawal sapagkat...wala na ang Rehav!"Pag-uulat ni Aquil hindi naman matanggap ni Mine-a ang nangyari sa kanyang minamahal kaya hindi niya naiwasang umiyak kasabay ng pagdating ng tatlong Sang'gre.
"Ada!Narito na kami!"Sabi ni Pirena humarap naman sa kanila si Mine-a.
"Ano't ika'y tumatangis,Ada?"Tanong naman ni Alena."At...nasaan ang aming Apwe na si Amihan?"Dugtong pa niya.
"Kasulukuyang ginagamot si Amihan ng mga babaylan at kapag nagising na siya ay papapuntahin ko na lamang siya dito sa Bulwagan at...kaya ako tumatangis dahil...wala na ang Rehav Raquim."Paliwanag ni Mine-a.
"Si Rehav Raquim ng Sapiro at iyong iniibig?"Diretsuhang tanong ni Danaya at tumango na lamang si Mine-a ng dumating ang punong damang si Ades.
"Ynang Reyna at mga Sang'gre!"Sabi ni Ades at yumukod.
"Ades!Kamusta na ang lagay ni Amihan?"Tanog ni Mine-a.
"Tapos na siyang gamutin at nagmulat na rin siya!At...ang tanging hinahanap niya lamang ay ang kanyang ama!"Pag-uulat ni Ades.Agad naman silang nagtungo sa silid ni Amihan.Silid ni Amihan.....
Pagdating nila sa silid ay naabutan nila si Amihan na nakaupo at nakayuko sa mga tuhod nito.
"Amihan?"Pagtawag ni Mine-a agad namang lumingon si Amihan sa kanila."Tama na ang iyong pagtangis!"Sabi muli ni Mine-a.
"P-Paanong h-hindi ako t-tatangis k-kung w-wala na ang aking Ado?"Tanong ni Amihan lumapit naman si Mine-a sa kanya.
"Tama na ang pagtangis,Anak!"Pagpapatahan ni Mine-a na ikina-kunot ng noo ni Amihan.
"Anak?"Takang tanong ni Amihan."Teka?Sino ba kayo at...nasaan ako?"Tanong muli ni Amihan tsaka luminga-linga.
"Siya si Mine-a ang Hara ng Lireo at mga Diwata!"Pagpapakilala ni Aquil kay Mine-a.
"Hara?Lireo?Ito ba ay isa sa mga kaharian sa Encantadia?"Tanong ni Amihan.
"Alam mo ang tungkol sa Encantadia?"Tanong ni Pirena at tumango si Amihan.
"Ang kwento sa akin ng aking Ado,noon daw ay nagkaroon ng malaking digmaan sa pagitan ng Hathoria laban sa Sapiro at Lireo!Dahil sa kasakiman ng Hari ng Hathoria kaya nagkaroon ng digmaan ngunit hindi nagwagi ang kampon ng kasamaan ngunit...sa kasamaang palad...Napaslang ang Rama at Madea ng Sapiro.Hindi na rin daw nila batid kung buhay pa ba ang Rehav ng Sapiro na si Ybrahim!"Pagkekwento ni Amihan.
"Naniniwala ka ba doon?"Tanog ni Mine-a.
"Opo!Hindi naman nagsinungaling ang aking Ado sa akin ngunit...hindi niya sinabi na may Ada ako."Sabi ni Amihan.
"May mga kapatid ka rin!"Sabi ni Mine-a.
"Kapatid?Wala naman po akong kapatid eh!Ah!Alam ko na!Kapatid sa Yna!"Sabi ni Amihan at tumango si Mine-a."Hala!May anak ka po sa iba?Bad po yan!Bad po mag-cheat!"Sabi ni Amihan na ikina-kunot ng noo nila.
"B-Bad?C-Cheat?"Takang tanong nila.
"Bad ibig-sabihin MASAMA!Cheat ibig-sabihin MANDARAYA!"Paliwanag ni Amihan at tumango sila."Pero nasaan po ang mga kapatid ko?"Tanong naman niya.
"KAMI!"Sabay-sabay na sabi nila Pirena,Alena at Danaya kaya napatingin si Amihan sa kanila.
"Kayo?!Wow!Ganda niyo!"Sabi ni Amihan."Ano ang inyong ngalan?Ay mali!Huhulaan ko nalang!"Sabi muli ni Amihan.
"Subukan mo!"Paghahamon ni Pirena.
"Ikaw ang panganay!Kalahating Diwata!Ikaw si...Pirena!"Hula ni Amihan.
"Tama ka,Amihan!Siya si Pirena!"Sabi ni Alena.
"Ikaw naman ang ikatlo!Ikaw ay kalahating Diwata at Sapiryan!Ikaw si...Alena!"Sabi ni Amihan at tumango si Alena.
"Ako nga si Alena!"Sabi ni Alena at tumingin sa Amihan kay Danaya na napaka-tahimik.
"Bakit ka tahimik,Danaya?"Tanong ni Amihan napatingin naman sa kanya si Danaya."Ikaw si Danaya hindi ba?Kalahating Diwata at Sapiryan buong kapatid ni Alena at iisa lamang ang inyong ama at yna!"Sabi ni Amihan.
"A-Ako nga si Danaya!"Sabi ni Danaya.
"Paano mo nalaman ang lahat tungkol sa amin?"Tanong ni Pirena.
"Kaya kong malaman ang pinagmulan ng sinumang nilalang na aking nais!"Paliwanag ni Amihan at naglaho tsaka lumitaw sa harap nila."Madali lang namang manghula!Kaya ko ring hulaan ang inyong mga angking kapangyarihan!"Sabi muli ni Amihan.
"Ano?"Sabay-sabay na tanong nila.
"Sa iyo Edea Pirena Apoy!Sa iyo Alena Tubig!At sa iyo Danaya Lupa!"Sabi ni Amihan.
"Paano mo mapapatunayan na tama ang sinabi mo?"Tanong ni Pirena,hinwakan naman ni Amihan ang kamay ni Pirena at gumawa ng Apoy.
"Kaya mong balansihin ang kapangyarihan ng Apoy!Ang iyong sigasig at tapang ay gaya ng Apoy!"Sabi ni amihan tsaka lumipat kay Alena at ginawa ang katulad kay Pirena pero kay Alena ay Tubig.
"Kaya mong balansihin ang Kapangyarihan ng Tubig!Malambot ang iyong puso at mayroon kang tinig na napaka-ganda!Mahinhin ngunit sa pakikipaglaban ay parang Alon kung magalit!"Sabi ni Amihan at lumipat kay Danaya at ginawa rin ang kanina pero kay Danaya ay Lupa.
"Kaya mong balansihin ang kapangyarihan ng Lupa!Sutil ngunit matapang sa pakikipaglaban!"Sabi ni Amihan at bumalik sa higaan niya.
"Ikaw?Ano ang sa iyo?"Tanong ni Alena.
"Hangin!Kaya kong balansihin ang kapangyarihan ng hangin!Kaya kong tumanggal ng hininga ng isang nilalang!"Sabi ni Amihan at gumawa ng maliit na ipo-ipo sa kamay niya.
"Ngayon ka lamang napadpad dito ngunit napakarami mo nang alam!"Sabi ni Mine-a.
"Hindi ko rin batid kung bakit ko alam ang mga bagay na iyon!Ngu--"Hindi natuloy ni Amihan ang sasabihin niya sapagkat may binulong sa kanya ang hangin.
"Anong nagyayari?"Tanong ni Danaya.
"Mga hathor!"Sabi ni Amihan na ikinagulat nila."May isang taksil ang nag-ulat sa mga hathor na hindi ako napaslang!"Sabi muli ni Amihan.
"Ngunit sino?"Tanong ni Ades ng pumasok si Gurna sa silid.
"Saan ka nanggaling?"Tanong ni Amihan."Ikaw si Gurna!Ang dama ni Pirena!Kalahating Diwata!"Sabi ni Amihan.
"Ako nga!Ikaw?!Sino ka?"Tanong naman ni Gurna,nginisian naman siya ni Amihan.
"Hindi na mahalaga kung sino ako!Sagutin mo na lamang ang aking tanong kung hindi...ako ag magsasabi sa kanila!"Sabi ni Amihan.
"Naglakad-lakad lamang ako!"Sabi ni Gurna.
"Detrumvia!"Bulong ni Amihan.
"Dumating na ang mga kawal kasama ang Rehav Raquim,Mahal na Reyna!Kasalukuyan nang inihahanda ang bangkay ng Rehav!"Pag-uulat ni Gurna at tumango nalang si Mine-a.
"Ang espada ng aking Ama?Ang Arkey?"Tanong ni Amihan kinuha naman ni Gurna ang espada sa likuran niya at ibinigay ito kay Amihan."Avisala Eshma!"Pagpapasalamat ni Amihan at tumango si Gurna.
"Amihan hindi ka maaring humawak ng sandata!"Sabi ni Mine-a.
"Hindi ko naman ito gagamitin ng walang pahintulot tanging nais ko lamang ay maitago ito at magamit ko sa takdang panahon!"Sabi ni Amihan at nilagyan ng enkantasyon ang espada gamit ang kanyang isip."Sa bisa ng aking kapangyarihan inuutusan kong protektahan ang espada ng aking Ama na Arkey!Walang ibang makakahawak nito kundi ako lang!"Sabi ni Amihan sa kaniyang isipan.
"Tayo na sa Punong Bulwagan!"Sabi ni Mine-a at nagtungo na sila sa punong bulwagan ngunit naiwan si Amihan.
"El Correi Diu,Ado!"Sabi ni Amihan at sumunod na sa punong bulwagan.Ayos ba?Sana nagustuhan ninyo!
Comment & Vote!!!
BINABASA MO ANG
Minimithing Pagmamahal (SEASON 2 ON-HOLD)
FanfictionLahat ay ginawa niya ngunit hindi niya nakamit ang kanyang minimithing pagmamahal mula sa kaniyang mga mahal. . . . Ito ang sarili kong version ng kwento ng Encantadia,kakaiba ito sa mga nababasa ninyo. . . . Suportahan niyo sana ang aking pangalawa...