Kabanata 25:Tunay na Ama

870 31 8
                                    

Lumipas ang 1 taon.....

Bumisita si Alena sa Adamya para tingnan ang kalagayan nito.Pagdating niya sa Adamya ay sinalubong siya ng pinuno ng mga gunikar.

"Avisala,El Correi Sang'gre!"Masayang pagbati ni Memfes at yumukod.
"Avisala rin sa iyo!Kamusta na ang Adamya?"Sabi ni Alena.
"Maayos lamang ang Adamya!"Sabi ni Memfes at tumango si Alena."Kayo?Kanusta na kayo ni Khalil?"Tanong naman ni Memfes na ikinagulat ni Alena.
"M-Maayos naman kami ng a-aking a-anak!"Sabi ni Alena at tumango si Memfes tsaka pilit na ngumiti.
"Mabuti kung ganoon!Ipaabot mo rin sana sa kanya ang aking pagbati!"Sabi ni Memfes at tumango si Alena tsaka siya umalis na may lungkot sa wangis.
"Balang araw ay malalaman ng lahat ang katotohanan tungkol sa pagkatao ni Khalil!"Sabi ni Memfes sa kanyang isipan.

Livea.....

Samantala nakita naman ni Amihan ang magaganap sa hinaharap nina Alena,Khalil at Ybrahim.

"Hindi si Ybrahim ang Ama ni Khalil?"Tanong niya sa kanyang sarili.Nang dumating ang kanyang Mashna.
"Hara!Nagbigay ng imbitasyon ang Hara ng mga diwata para sa isang salo-salo mamayang gabi!"Ulat ng kawal na ipinagtaka ni Amihan.
"Paano nila nalaman ito?"Takang tanong ni Amihan.
"Habang kami ay naglalakad sa may tabing-ilog...nakasalubong namin ang kanyang Hafte na si Muros!"Sabi ng kawal at tumango si Amihan tsaka yumukod ang kawal at umalis.
"Salo-salo?"Tanong ni Amihan sa kanyang sarili at pinunit ang imbitasyon tsaka sinunog.

Lireo.....

Nakabalik na si Alena sa Lireo at naiulat na rin niya ang mga naganap sa Adamya.

"Hara?Dadalo kaya sina Amihan mamaya?"Tanong ni Pirena.
"Sa tingin ko rin,Pirena!"Sabi ni Danaya at ngumiti ng pilit si Pirena na siyang ipinagtaka naman ni Alena.
"Bakit magtutungo sina Amihan dito?"Takang tanong ni Alena.
"Inimbitahan namin sila para sa isang salo-salo!At sa kabutihang palad...nakita nina Muros ang isa sa mga kawal niya kaya ibinigay niya ang imbitasyon!"Paliwanag ni Danaya at tumango si Alena.Nang dumating si Ybrahim.Yumukod siya at tumabi kay Alena.
"Poltre kung ako ay nahuli!"Paghingi ng tawad ni Ybrahim.
"Ayos lamang!Nga pala,Ybrahim!Inimbitahan namin sina Amihan para sa isang salo-salo mamaya!"Sabi ni Pirena at tumango si Ybrahim tsaka ngumiti ng wagas na siyang napansin ng mga sang'gre.
"Tila yata napakasaya mo,Ybrahim?"Tanong ni Alena.
"Masaya ako 'pagkat kung dadalo sila ay makakasama kong muli si Lira!"Nakangiting paliwanag ni Ybrahim.At tumango nalang sila ngunit si Alena ay naikuyom ang kanyang kamao.
"Si Lira nga lang ba o si Amihan?!Humanda ka Amihan!Dahil gagawin ko ang lahat makuha lamang ang puso ni Ybrahim at upang hindi nila malaman kung sino ang tunay na Ama ni Khalil!"Sabi ni Alena sa kanyang isipan.
"Mabuti na lamang at wala na tayong mga vedalje!"Pag-iiba ni Danaya.
"Tama ka,Hara!"Pagsang-ayon ni Pirena.
"Nagkakamali kayo!May natitira pa sa ating mga kaaway!"Sabi ni Alena na ipinagtaka nila.
"Sino?"Magkakapanabay na tanong ng tatlo.
"Si Amihan!"Simpleng sagot ni Alena na ikinagulat nila.
"Si Amihan?!Alena hindi natin siya kaaway!Kapanalig natin sila!'Pagkat kung hindi dahil sa kanila...nasa Devas na sana tayo dahil sa mga Hadezar!"Pangangatwiran ni Ybrahim.
"Tama ang,Rama!Kung hindi nila tayo iniligtas sa mga hadezar...maaaring nasa Devas na tayo o hindi kaya ay...sa Balaak!"Sabi naman ni Pirena at umalis nalang si Alena.
"Bakit nagkakaganoon si Alena?Ang tanging nais lang naman natin ay maibalik ang mga diwani!"Sabi ni Danaya at nagkibit-balikat nalang sila.

Pagkagat ng Dilim.....

Handa na ang mga diwata para sa salo-salo.Hinihintay na lamang nila si Amihan at ang mga Diwani.

"Bakit wala pa sila?"Naiinip sa tanog ni Khalil.
"Huminahon ka,Khalil!Darating sila!"Sabi ni Ybrahim at tumango si Khalil.Nang lumitaw sa kanilang harapang sina Lira at Mira.
"Lira!Mira!"Sabi ni Pirena at niyakap niya ang dalawa na gumanti rin sa yakap.
"Ang buong akala namin ay hindi na kayo darating!Ngunit...nasaan si Amihan?"Sabi ni Ybrahim at nagkatinginan sila.
"Sinong Amihan?Si Ynang Celestia ba?"Takang tanong ni Mira at tumango sila.
"Poltre!Kami lang ang pinadalo niya!Nais din daw niyang bigyan kayo ng seguridad para sa pagkakataon na m-makasama k-kami!"Sabi ni Lira na ikinatuwa nila.Ngunit halata sa ngiti ni Ybrahim na may 'lungkot siya 'pagkat hindi dumalo ang kanyang inaasahang panauhin.Si Alena naman ay nakangisi.
"Tama!Umiwas ka na,Amihan!Nang sa ganoon ay mapa-sa akin na si Ybrahim!"Sabi ni Alena sa kanyang isipan at kumain na sila.

Livea.....

Samantala si Amihan naman ay tinitingnan kung ano ang mangyayari sa hinaharap kung sakaling magkabati-bati silang magkakapatid at ibalik ang mga alaala nina Lira at Mira.

"Magkakabati-bati...babalik ang mga alaala...ipapasa ang korona...bagong kaaway!"Sabi ni Amihan na ikinagulat niya.Sinubukan naman ni Amihan na tanging alaala lamang nina Lira at Mira ang ibabalik."Babalik ang mga alaala...bagong kaaway...galit sa kapatid...plano...paghihiganti!"Sabi naman niya na ikinagulat niya rin.Sinunod naman niya kung wala siyang gagawin,hindi niya ibabalik ang mga alaala ng mga diwani at hindi siya makikipagbati."Kapayapaan...bagong hara...bagong sang'gre...pagbabalik...pagbabago...kapanalig!"Sabi naman ni Amihan na lubos niyang ikinagulat."Kung hindi ako makikipag-bati at hindi ko ibabalik ang mga alaala...may bagong hara at sang'gre!May magbabalik at...bagong kapanalig?"Sabi ni Amihan sa kanyang sarili.Nang makaramdam siya ng antok kaya humimbing na siya.

Sino!Ang TUNAY na Ama ni Khalil?
Ano sa tingin ninyo ang pipiliin ni Amihan para sa hinaharap?

Comment & Votes!!!

Pagdagdag ng susunod na Kabanata:Bukas
Oras:Bago kumagat ang dilim(5:00 P.M.)
Kailangan para sa Kabanatang ito:
Boto:10
Komento:15

Minimithing Pagmamahal (SEASON 2 ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon