Kabanata XVIII

866 15 4
                                    

Nagising si Amihan sa mga bisig ni Ybrahim. Babangon na sana siya ngunit biglang sumakit ang kanyang ulo. Naramdaman naman ni Ybrahim na tila gumagalaw si Amihan kung kaya't siya ay marahang bumangon at inalalayan si Amihan.

"Ayos ka lang ba,Amihan?"Tanong niya kaagad dito nang mapansin niyang tila may masakit sa kanya.
"Sumakit lamang ang aking ulo ngunit maayos lang ako..."Sagot ni Amihan at marahang umupo sa gilid ng kama. Napahinga naman ng malalim si Ybrahum nang mapansin na tila siya ay iniiwasan ni Amihan. Tumabi si Ybrahim Kay Amihan at kanyang hinawakan ang mga kamay nito.
"'Wag mong solohin ang problema, Amihan...nandito naman kami..."Pagpapa-gaan niya ng loob ni Amihan.
"Ayaw ko naman na dumagdag sa inyong mga suliranin at iniisip..."Buntong hiningang sambit ni Amihan. Mas lalo namang hinigpitan ni Ybrahim ang kanyang pagkakahawak sa kamay ni Amihan
"Amihan...para saan pa at tayo'y naging mag-katipan kung sinosolo mo naman ang problemang dapat na sabay nating nilulutas?"Mahinahong sambit ni Ybrahim sa kanya.
"Dahil nahihiya ako, Ybrahim...matapos ng lahat ng aking nagawa ay wala na akong mukhang maihaharap sa inyo...sapagkat nilukob na ng galit at poot ang aking corra..." Nagsimula nang tumulo ang mga luhang kanina pa pinipigilan ni Amihan na tumulo. Ini-angat naman ni Ybrahim ang kanya ng mukha at pinahid ang mga luhang naglandas sa kanyang pisngi.
"Gaya ng sinabi ko, Amihan... mag-kasintahan tayo at kaya kong maghintay kahit na gaano pa ito katagal...mabuo lamang tayong muli..."Sambit ni Ybrahim at marahang hinaplos ang pisngi ni Amihan.
"Avisala Eshma, Ybrahim...sana'y mapatawad mo ako sa lahat ng aking mga nagawa sa iyo..."Patuloy sa pag-tangis na sambit ni Amihan. Unti-unti namang inilapit ni Ybrahim ang kanyang mukha sa mukha ni Amihan at sa isang iglap ay nahagkan muli nila ang labi ng isa't-isa.
"Hindi mo alam kung gaano ako nanabik na ika'y aking muling mahagkan, Mahal Ko..."Naka-ngiting sambit ni Ybrahim nang matapos halikan si Amihan na kahit na tumatangis ay nagawa pa ring ngumiti sapagkat katulad ni Ybrahim ay nananabik rin siya sa Rama...
.
.
.
.
.
"Ina...Ama..."Nakangiting napalingon sina Amihan at Ybrahim sa nagsalita. Si Lira kasama ang kanyang batang kapatid na si Ayel.
"Lira...Ayel...halika kayo..."Pagtawag ni Amihan sa dalawa na agar namang lumapit sa kanila habang wagas ang mga ngiti sa kanilang mga labi.
"Ina...patawad po kung ako'y nagpumilit kahapon sa aking kagustuhan na manatili dito..."Panimula ni Ayel na napayuko.
"Patawad rin at hindi kita pinayagan,Anak...ngunit 'wag kang mag-alala,papayagan na kita ngayon..."Pagpapa-gaan ni Amihan sa loob ni Ayel na napatingin naman sa kanya at napangiti. Magsasalita pa sana si Lira nang magbukas ang pinto ng silid at iniluwa nito ang nagmamadaling Mashna ng Sapiro na si Aram.
"Patawad sa aking paggambala mga kamahalan...ngunit Sang'gre Amihan ikaw ay hinahanap ng isang humahangos na iyong kawal..."Agad namang napatayo si Amihan at mula sa solid ay nagtatatakbo patungo sa Punong Bulwagan na siya namang sinundan ni Ybrahim at ni Aram.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Hafte Armi...anong naganap sa Livea?!"Agad na tanong ni Amihan nang makarating sa bulwagan at nakita ang isa sa kanyang mga Hafte ng Livea.
"Sinugod ang ating kaharian,Mahal na Hara...Batid ko na kami ay mga Ivtre na ngunit may kung anong kapangyarihan sila na hindi namin malabanan kung kaya't nabihag ang lahat ng mga tauhan sa Livea...mabuti na lamang at ako'y nakatakas kasama ang mangilan-ngilan na siyang nagbabantay sa labas ng Livea..."Hapo pa ring pag-ulat ni Armi sa kanyang Hara.
"Ang aking Mashna De na si Mayka?"Tanong ni Amihan.
"Nabihag rin siya,Hara..."Malungkot na turan ni Armi na siyang ikinagalit at iknakuyom ng mga palad ni Amihan.
"Nakilala mo ba sila,Armi?"Umaasa si Amihan na kahit papaano ay magkaroon siya ng ideya sa mgha salarin.
"Kakaiba ang kanilang mga kasuotan...ngunit normal naman ang kanilang mga wangis na parang isa lamang silang mga engkantado...ngunit gaya ng aking sinabi ay mayroon silang kakaibang kapangyarihan,Hara..."Paglalarawan ni Armi. Agad naman na pumikit si Amihan at sinubukang hanapin sa kanyang mga 'Mata' ang kinaroroonan ng kanyang mga kapanalig.
"Pashnea ano't hindi ko sila makita sa aking 'mata'?!"Galit na turan ni Amihan.
"Sapagkat kami ay nasa pangangalaga ng aming Bathaluman"
Agad namang naging alerto ang lahat ng mga kawal at mga kamahalan na naroroon.
"Avria...ikaw na naman?!"Galit na turan ni Ybrahim na hinawakan ng mahigpit ang kamay ni Amihan.
"Avisala...ikinagagalak kong makaharap ko kayong muli...mga pashneang diwata at sapiryan..."Nag-aasar na sambit ni Avria na lalong ikinainis Nina Ybrahim at Amihan."Mga Etherian! Paslangin silang lahat!"Sugo ni Avria na agad namang sinunod ng kanyang mga alagad at agad na sumugod ang mga ito. Agad na nakaharap ng Hara Amihan ng Livea ang kanyang Mashna De na si Mayka.
"Mayka..."Kanyang sambit ngmakitang papalapit ito sa kanya. "Mayka,ako ito...si Amihan..."Pilit niyang sambit.
"Ssheda,Diwata!"Sigaw ni Mayka at agad na sinugod si Amihan na nasangga naman nito.
"Anong ginawa nila sa inyo at sa kanila na kayo pumapanig?! AKO ang inyong Hara!"Galit na tanong ni Amihan habang pilot na sinasangga ang mga atake ni Mayka.
"Kailanman ay hindi ka namin magiging,Hara! Tanging si Hara Avria lamang ang aming Reyna!"Sambit ni Mayka na patuloy pa rin sa pagsalakay kay Amihan na sinasangga naman ng Hara. Dahil sa hindi magawang labanan ni Amihan ang kanyang Mashna De ay napatumba siya nito at nasugatan. Sasaksakin na sana ni Mayka si Amihan ngunit agad na dumating si Ybrahim at sinangga ang espada ni Mayka tsaka niya ito tinulak palayo.
"Mahal Kong Reyna...sugatan ka..."Nag-aalalang sambit ni Ybrahim kay Amihan na pilit nilalabanan ang sakit na nadarama.
"Ayos lamang,ako...kaya ko ang sarili ko, Ybrahim..."Tugon ni Amihan at kahit nahihirapan ay pinilit pa ring tumayo."Sa bisa ng aking kapangyarihan...kayo ay aking inuutusan na bumalik na sa aking panig at hindi sa panig ng warkang si Avria!" Sambit ni Amihan at ilang sandali pa ay isang nakakasilaw na liwanag ang sumalubong sa lahat na ikinawala naman ng malay ng lahat ng nabihag ni Avria.
"Pashnea hindi pa tayo tapos, Amihan!"Bakit na turan ni Avria at tsaka tuluyang naglaho. Ilang sandali pa ay bumangon na isa-isa ang mga kapanalig ni Amihan na kasabay naman nito ay ang pagkawala ng kanyang malay, mabuti na lamang at nasalo siya ni Ybrahim.
"Aram! Patugtugin ang plauta ni Amihan! Kailangan natin ng tulong mula sa mga Sang'gre! Madali!"Utos ni Ybrahim na agad namang sinunod ng kanyang Mashna. Agad namang binuhat ni Ybrahim si Amihan patungo sa kanilang silid kung saan naiwan sina Lira at Ayel kasama ang kanilang dama.
"Ama! Anong nangyari kay Ina?!"Nag-aalalang tanong ni Lira. Sasagot na sana si Ybrahim nang biglang lumitaw ang tatlong Sang'gre. Nang makita naman ni Danaya ang kalagayan ni Amihan ay agad siyang lumapit dito at ginamot ang kapatid gamit ang Brilyante ng Lupa.
"Anong naganap rito, Ybrahim?! Bakit sugatan ang aming apwe?"Alalang tanong ni Pirena.
"Sinalakay kami ng kanyang mga kapanalig na napasa-ilalim sa kapangyarihan ni Avria...sa kadahilanang hindi niya malabanan ang kanyang Mashna De siya'y nasugatan..." Pagkwento ni Ybrahim.
"A-Avria?! Matagal na nating nagapi ang warka na iyon!" Turan ni Alena.
"Iyon din ang aming inakala ngunit...tunay na nabuhay muli siya at sila'y nasa pangangalagang muli ng Bathalumang Ether..."Pagsasalaysay pa ni Ybrahim.
"Maayos na si Amihan...may lason ang sandatang ginamit laban sa kanya ngunit naagapan ko na ito kaagad bago pa ito lumaganap sa buong katawan niya..."Sambit ni Danaya na ikinahinga naman ng maluwag ng lahat.
"Avisala Eshma at dumating kayo..."Pagpapa-salamat ni Ybrahim sa kanila at tumango naman ang mga ito.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Nauna nang bumalik si Alena sa Lireo sapagkat mayroon pa siyang mga kailangan asikasuhin samantalang sina Danaya at Pirena naman ay nagpa-iwan na muna.

"Amihan...kamusta na ang iyong pakiramdam?"Bungad na tanong ni Pirena ng makita si Amihan na unti-unting nagmulat.
"Maayos na, hindi kagaya noong una na tila may bumabalot na likido sa aking katawan..."Sagot ni Amihan.
"May lason ang sandatang nakasugat sa iyo, Amihan. Mabuti na lamang at naagapan ko ito sapagkat sa oras na narinig namin ang iyong plauta ay nagtungo na kami kaagad rito." Sambit ni Danaya.
"Avisala Eshma, Danaya... utang kong muli sa iyo ang aking buhay..." Pagpapasalamat ni Amihan na ginantihan naman ng matamis na ngiti ni Danaya.
"Dapat ay pinatugtog ninyo ang plauta sa simula pa lamang ng kaguluhan nang sa ganoon ay natulungan namin kayo..." Napayuko naman si Amihan sa sinambit ni Pirena.
"Biglaan rin ang mga nangyari, Pirena... nawala na sa isip namin ang humingi ng tulong, isa pa... hindi rin namin kayo gustong abalahin pa... alam naman namin na mayroon kayong sari-sariling pinagkaka-abalahan..." Hinawakan ni Pirena ang isang kamay ni Amihan habang hawak ni Danaya ang isa pa.
"Huwag kang mag-aatubiling himingi ng tulong sa amin, Amihan. Isang pamilya tayo, hindi ba? Lagi kaming sasaklolo sa oras na inyong kailangan..." Tumango si Amihan at nagpasalamat bago sila nagyakapang tatlo.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

A/N: Matapos ang isang taon, apat na buwan at labing apat na araw, narito nang muli ang aking istorya.

Avisala!

Comments & Votes!!!

Minimithing Pagmamahal (SEASON 2 ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon