Kabanata VII

564 13 2
                                    

Ang Pagpapatuloy...

Agad na lumisan si Amihan ng Lireo at nagtungo sa isa pang kaharian kung saan nagmula ang kanyang minamahal at ang ama ng kanyang anak...ang Sapiro.Nang makapasok ay agad siyang dumiretso sa kanilang dating silid.Ngunit wala roon ang Rama Ybrahim...Sinubukan niyang puntahan ang balkonahe at nagbabaka-sakaling naroon nga si Ybrahim.

Balkonahe...

Mahimbing na natutulog si Ybrahim sa lamesa ng balkonahe nang siya ay maabutan ni Amihan...

"Ybrahim..."Naluluha ngunit nakangiting sambit ni Amihan habang marahang hinahawakan ang braso ni Ybrahim.Tila nakaramdam naman si Ybrahim nang presensya kung kaya't marahan niyang iminulat ang kanyang mga mata at iniangat ang kanyang ulo.Doo'y nakita niya ang kaisa-isang babaeng kanyang minahal maliban sa kanyang Yna at sa kanyang anak na si Lira.
"Amihan..."Nakangiting sambit niya tsaka naman yumakap si Amihan sa kanya patalikod.

"Nakangiting sambit niya tsaka naman yumakap si Amihan sa kanya patalikod

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(#EncantadiaLinlang)

"Lubos na akong nangungulila sa iyo,Mahal ko..."Sambit ni Ybrahim nang kumalas na sa yakap si Amihan at umupo sa kanyang tabi.
"Ganoon din ako sa inyo..."Nakangiting lumuluhang sambit ni Amihan.
"Totoo na ba 'toh?"Nananabik na tanong ni Ybrahim habang magka-hawak sila ng kamay.
"Poltre,Ybrahim...ngunit isa lamang itong panaginip...nagpakita ako 'pagkat gaya ninyo...lubos na rin akong nangungulila sa inyo..."Tugon naman ni Amihan.
"Kung ganoon...hindi ko na nanaisin na magising pa!"-Ybrahim.
"Hindi maaari,Ybrahim...'pagkat marami ka pang tungkulin bilang Rama ng Sapiro at bilang Ama ng ATING anak..."Pagtutol ni Amihan.
"Ngunit---"Hindi pa tapos ay agad siyang kinontra ni Amihan.
"Sige na,Ybrahim...kailangan ko na ring lumisan...bumalik ka na sa iyong pagtulog,Mahal ko..."Nakangiting sambit ni Amihan bago niya binigyan ng isang matamis na HALIK si Ybrahim at tsaka na muling natulog si Ybrahim nang may ngiti sa labi."El Correi Diu,Ybrahim...Mahal na Mahal kita..."Iyan ang huling mga salitang binigkas ni Amihan bago siya tuluyang maglaho patungo sa Livea.

Livea...

Nang makarating sa Livea ay agad siyang sinalubong sa isa sa mga pinaka-pinagkakatiwalaan niyang Mashna De ng kanilang hukbo...si Mayka...ang dating Mashna De ng Sapiro na namayapa na...

"Maligayang pagbabalik,Mahal na Hara..."Pagbati ni Mayka at yumukod na siya namang sinunod ng iba pang mga kawal.
"Avisala Eshma,Mayka...'pagkat habang wala ako...ay pinangalagaan mo ng mabuti ang ating hukbo...at pinarami pa ang mga ito..."Nakangiting pasasalamt ni Amihan sa kanya.
"Tungkulin ko iyon bilang iyong Mashna De,Mahal na Hara..."Nakangiting tugon naman sa kanya ni Mayka."Hindi sa...nanghihimasok ako sa iyong buhay,Mahal na Hara...ngunit...alam na ba ng iyong mga kapatid at ng Rama Ybrahim maging ang iyong anak na si Lira ang iyong pagbabalik?"Dagdag na tanong ni Mayka.
"Sa ngayon...ang aking mga kapatid pa lamang ang nakaka-alam nito...hahayaan ko na lamang muna na ang tadhana na ang magdala sa amin ng aking pamilya patungo sa isa't-isa..."Sagot ni Amihan."Isa pa...may misyon pa akong kailangang gampanan...at kailangan kita roon,Mayka..."Dagdag pa niya.
"Malugod kong tinatanggap ang lahat ng iyong ipag-u-utos,Hara..."Yumukod muna si Mayka bago tuluyang lisanin ang punong bulwagan.

Minimithing Pagmamahal (SEASON 2 ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon