Ito pa rin ay kasama sa mga FLASHBACK ng YbraMihan...
---------------------------------------------------------------------------------Sa dalampasigan ng karagatan,doo'y tahimik na nilalasap ni Amihan ang sariwang hangin.
"Amihan..."Bulong ng isang nilalang na niyakap siya patalikod na naging sanhi rin naman ng kanyang pag-ngiti.
"Ybrahim...hindi ka pa ba nasanay na palagi akong naririto sa mga ganitong oras?"Natatawang tanong niya at hinarap ang kanyang si Ybrahim na tila ba'y nagtatampo at nakanguso.
"Palagi ka na lamang kasing hindi nagpa-paalam sa akin kung saan ka patutungo...delikado,Amihan...malay mo...may mga kalaban...tapos...tapos---"Magsasalita pa sana si Ybrahim ngunit agad naman siyang pinigilan ni Amihan at agad na inilagay ang kanang hintuturo sa bibig ni Ybrahim.
"Shhh...kaya ko ang sarili ko..."Mahinahong sambit ni Amihan at marahang tinanggal ang kanyang daliri sa bibig ni Ybrahim.
"Nag-aalala lang naman ako para sa iyo...hindi ko alam ang gagawin ko kung mawawala ka sa akin,Amihan...marami pa akong mga pangarap para sa ating dalawa..."Sambit naman ni Ybrahim.
"Gaya ng ano?"Tanong ni Amihan.
"Gaya ng makapag-isang dibdib tayo...mamuhay ng payapa kasama ang ating mga Anak..."Sagot ni Ybrahim.
"MGA!?MGA ANAK?!BAKIT!?ILAN BANG ANAK ANG IYONG NAIS!?"Sambit ni Amihan na bahagyang natawa sa tinuran ng kasintahan.
"MARAMI!Isang dosena kung maaari..."Sagot ni Ybrahim na ikinalaki ng mga mata ni Amihan.
"ISANG DOSENA!?"Singhal ni Amihan habang natatawa."Aba,Ybrahim!"Dagdag pa niya na patuloy pa rin sa pagtawa.
"Ayaw mo ba na tayo ay magka-anak?"Tila nagtatampong tanong ni Ybrahim na ikinatigil ng pagtawa ni Amihan.
"Hindi naman sa ganoon,Ybrahim...masyado lamang kasing marami ang ISANG DOSENA...ang nais ko lang ay ISA o DALAWANG Anak..."Mahinhing sagot ni Amihan.
"Ganun ba?Sayang naman kasi ang lahi hating dugong bughaw na mga diwata at sapiryan..."Pilyong sambit ni Ybrahim.
"Ybrahim..."Sambit ni Amihan na may pagbabadyang to no ng pananalita.
"Poltre..."Paghinging tawad na lamang ni Ybrahim na tinanguan na lamang rin ni Amihan."Pero,Amihan...paano nga kung magka-anak tayo...anong ipapangalan mo sa kanya?"Biglang tanong ni Ybrahim.
"Kung lalaki ay Ayel at kung babae naman ay Lira..."Sagot ni Amihan na ikinangiti naman ni Ybrahim.
"Lira...Ayel...Kay gandang ngalan...parehong nagmula sa mga kanunununuan ng mga diwata at sapiryan..."Sambit ni Ybrahim.
.
.
.
.
.
"Alena...tumigil ka na sa paghahanap kay Amihan...WALA na SIYA!"Sambit ni Pirena kay Alena habang sila ay nasa kalagitnaan ng paglalakbay.Nais kasing mapatunayan ni Alena kung talagang wala na nga ang kanyang Ideyang si Amihan.
"Ybrahim..."Bulong ni Amihan habang niyuyogyog si Ybrahim nang marinig at makita ang mga kapatid."Ybrahim,gising...kailangan nating umalis dito..."Dagdag pa niya.Naalimoungatan naman si Ybrahim at unti-unti ay nagmulat na ang mga mata nito at dahan-dahang umupo.
"Ano ba iyon,Amihan?"Tanong ni Ybrahim at tila napalakas naman ang pagkakasabi niya nito.
"May nilalang ba na naririto!?"Sigaw ni Alena nang tila marinig ang isang tinig.
"'Wag kang maingay!Mamaya ko na lamang ipapaliwanag..."Sambit ni Amihan at hinawakan sa balikat si Ybrahim tsaka sila naglaho pabalik ng kanilang kuta.
.
.
.
.
.
"Bakit ba kasi tayo lumisan doon,Amihan?"Patuloy na pangungulit ni Ybrahim.
"Dahil naroon ang mga diwatang aking kinasusuklaman!"Nayayamot na sagot ni Amihan.
"Ang ibig mo bang sabihin ay ang iyong mga kapatid?"Tanong pa ni Ybrahim.
"Wala ng iba pa,Ybrahim!"Sambit pa ni Amihan at pumasok na sa kanilang kubol.Walang nagawa si Ybrahim kundi ang umiling na lamang.Ilang sandali pa ay Hindi nila namalayan na pinaliligiran na pala sila ng mga kawal-diwata.
"Mga mandirigma!"Kanyang natawag nang makita ang mga kawal at lahat sila ay naging alerto at inilabas ang kanilang mga armas."Anong kailangan ninyo sa amin!?"Kanyang tanong habang nakahanda ang sandata.
"Hindi kami ang may kailangan sa inyo..."Sagot ng isa sa mga Mashna ng hukbo na si Aquil.Dito naman na lumabas ang tatlong Sang'gre.
"Anong kailangan sa amin ng mga diwata?"Tanong ni Ybrahim.
"Narito kami upang magtanong...kung ni minsan ba'y mayroon kayong naka-enkwentro o naka-salubong na isang diwata na nagngangalang Amihan?"Tugon ni Danaya.Nagkatinginan naman sina Ybrahim,Pako, at Wantuk.
"Amihan?Hindi ba't siya ang ikalawa sa mga Sang'gre?"Tanong naman ni Pako.
"Oo"Simpleng tugon ni Pirena.
"Poltre...ngunit wala kaming nakitang AMIHAN..."Pagsisinungaling ni Ybrahim.
"Ganun ba?Kung ganoon ay paumanhin sa aking paggambala sa inyo..."Paghinging paumanhin ni Alena at tanging tango lamang ang isinagot ni Ybrahim.Hahakbang na sana ang mga Sang'gre paatras sa kanilang mga kawal nang lumabas ng kubol si Amihan.
"Ybrahim...may kausap ka---"Hindi na natapos ni Amihan ang kanyang sasabihin nang makita ang kanyang mga kapatid na napatingin sa kanya."Bakit kayo narito mga diwata?"Tanong niya sa mga ito.
"A-Amihan..."Naluluhang sambit ni Alena at hahakbang na sana palapit kay Amihan nang hawakan siya ni Pirena sa braso upang pigilan.
"A-Amihan?Hindi ba't matagal na siyang namayapa?Iyon ang bali-balita ukol sa kanya noon,Hindi ba?Isa pa...HINDI AMIHAN ang aking ngalan...CELESTIA...'iyon ang aking ngalan..."Sambit ni Amihan.
"Alena tayo na...Hindi siya si Amihan...ni Hindi niya ka-wangis ang ating apwe..."Sambit ni Pirena.
"Ngunit,Pirena...nararamdaman ng aking puso na SIYA si Amihan!"Tumatangis at nagpupumilit na sambit ni Alena.
"Alena,halika na..."Napipilitang sambit ni Danaya at ginamit ang kapagyarihan upang makapaglaho na silang lahat kasama ang mga kawal-diwata.Napayakap na lamang rin si Amihan Kay Ybrahim habang tumatangis.Habang ang mga mandirigma naman ay bumalik na sa kani-kanilang mga pwesto at gawain.
"Napaka-sama kong kapatid,Ybrahim...si Alena na nga lang ang kaisa-isa sa aking mga kapatid na tinanggap ako bilang kanyang kapatid...ngunit ngayon...pakiramdam ko'y ako naman ang tumatakwil sa kanya palayo sa akin..."Sambit ni Amihan at hunayaan na lamang siya ni Ybrahim na tumangis at ilabas ang kanyang mga saloobin.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
A/N:Poltre kung hindi ako nakapag-update ng dalawang linggo...
BINABASA MO ANG
Minimithing Pagmamahal (SEASON 2 ON-HOLD)
FanfictionLahat ay ginawa niya ngunit hindi niya nakamit ang kanyang minimithing pagmamahal mula sa kaniyang mga mahal. . . . Ito ang sarili kong version ng kwento ng Encantadia,kakaiba ito sa mga nababasa ninyo. . . . Suportahan niyo sana ang aking pangalawa...