Kabanata l

819 16 4
                                    

(ITO NA ANG SIMULA NG IKALAWANG KABANATA NG MINIMITHING PAGMAMAHAL...)

Simula nang mawala nang muli ang Sang'gre ng Hangin...ay kasabay naman nito ang muli nang hindi pag-ngiti ng Rama ng Sapiro na si Ybrahim.Bagamat nariyan naman ang kanyang kaisa-isang anak.

"Rama?Hanggang kailan ka ba hindi ngingiti?"Tanong ng Hara Durye na si Danaya.
"Hanggang sa magbalik na ang aking minamahal..."Seryoso at walang emosyong sagot ni Ybrahim.
"Ngunit hindi matutuwa si Amihan kung parati na lamang naka-busangot ang iyong wangis! "Naiiritang sambit ni Alena.
"At HINDI rin ako natutuwang nawala pa siya sa amin ng aming anak...Oo nga't bumalik ang kanilang mga alaala ngunit kasabay naman nito ay ang paglisan ng kauna-unahan at kahuli-hulihang babaeng aking minahal ng higit pa sa aking buhay..."Seryosong sambit ni Ybrahim.
"Bakit hindi mo na lamang isipin na...balang araw...babalik rin ang iyong si Amihan..."Suhustisyon ni Pirena.
"Mas lalo lamang akong nasasaktan,Hara Pirena..."Pagkontra naman ni Ybrahim.Napahinga naman ng malalim ang mga Sang'gre.Lahat ay ginawa na nila upang makumbinsi si Ybrahim na ngumiting muli ngunit...WALA pa ring pinagbago.Nang dumating ang dalawang diwani.
"Ano't tila ngiting-ngiti kayong dalawa?"Nakangiting tanong ni Alena sa kanyang mga hadia.
"Tapos na ang aming pag-e-ensayo,Ashti Hara...nalagpasan namin ang lahat ng pagsubok..."Nakangiting sagot ni Mira.
"Natutuwa kami para sa inyong dalawa..."Walang emosyong pagbati ni Ybrahim.
"Seryoso ka,Ama?Natutuwa?!Eh naka-busangot ka na naman eh!Ngumiti ka na kasi!"Sambit nang kanyang si Lira.
"Oo nga naman,Aldo Rama...ngumiti ka na..."Nakangiting pag-uudyok naman ni Mira.Ngunit nanatiling walang emosyon ang mukha ni Ybrahim na kumbaga tawagin sa mundo ng mga tao ay 'POKER FACE'.
"Ano ba 'yan,Ama...dati rati ang ganda-ganda ng ngiti mo...tapos...mawawala na lang sa isang iglap...kasabay ng pagkawala ni Yna..."Malungkot na turan ni Lira na siyang ikinagulat ng lahat."Akala niyo ba kayo lang ang nakaka-alam?Syempre HINDI...nangungulila na rin ako kay Yna...ngunit sana Ama...ngumiti ka nang muli...para sa akin...at para kay Yna.."Dagdag pa ni Lira at nilisan na ang bulwagan na siyang sinundan naman ng kanyang pinsang si Mira.Tila natamaan naman si Ybrahim sa mga sinabi nang kanyang si Lira.Hindi niya namalayan na may naglandas na pala sa kanyang pisnge na luha.Agad niya itong pinunasan at tsaka nilisan na rin ang bulwagan.Tama nga ang kanyang anak...kailangan na niyang ngumiting muli.

Makalipas ang ilang taon.....

Sa loob ng mga taong nagdaan ay hinirang nang mga ganap na Sang'gre sina Lira at Mira.Unti-unti na ring bumabalik ang mga ngiting noo'y nawaglit sa wangis ng Rama Ybrahim.

"AYAN!Ngumingiti ka nang muli,Ama!"Natutuwang sambit ni Lira.
"Mas gwapo ka kapag ika'y nakangiti,Aldo..."Nakangiting papuri ni Mira."Naiisip ko tuloy...paano kung...bumalik si Ashti Ada Amihan tapos...mag-iisang dibdib sila...syempre...mas magbabalik ang mga ngiti ni Aldo..."Nakangiting pag-gugunihin ni Mira.
"Sana nga..."Sambit ni Ybrahim tsaka niyakap ang dalawa.Itinuring na niyang parang isang TUNAY na anak si Mira,dahil nga sa nangyari noong nawalan sila ng alaala.At tila isang TUNAY na Ama na rin ang turing sa kanya nito."Avisala Eshma sa inyong dalawa..."Bulong niya habang nakayakap pa rin sa dalawang batang sang'gre.
"Alam mo,Ama?Natututunan ko na ring muli ang paggamit ng sandata..."Sambit ni Lira matapos kumalas sa yakap.
"Bakit,anak?Hindi ba't dati ka pa namang gumagamit ng sandata?"Takang tanong ng kanyang Amang si Ybrahim.
"Opo nga po...pero...tumigil po ako...Alam ko pong 'yun ang pangaral ninyo sa akin na TALIM ng SANDATA ang kailangan upang mapuksa ang mga kalaban...ngunit kasabay din po n'un ay ang pag-alala ko  sa sinabi ni Yna...ang sabi niya...'HINDI LAMANG TALIM NG SANDATA ANG PARAAN UPANG MAPUKSA ANG MGA KAAWAY...MARAMING PARAAN...'"Paliwanag ni Lira.
"Gaya ng anong paraan,Lira?Kung...hindi pa naman ganap ang ating mga kapangyarihan..."Tanong naman sa kanya ni Mira.
"Hindi ko rin alam,Mira..."Sagot naman niya.
"Lira?Mira?Ito ang tatandaan ninyo...narito lamang kami upang gumabay sa inyong landas na tatahakin..."Sambit ni Ybrahim na siyang ikinangiti ng dalawang batang Sang'gre.
"Iyakan na naman?"Biglang sulpot ng natatawang Sang'gre ng Apoy at Hara ng Hathoria na si Pirena.Agad namang lumingon ang tatlo sa kanya.
"Yna..."Sambit ni Mira at sinalubong ang kanyang Yna ng isang napaka-higpit na yakap na puno ng pagmamahal na siyang sinuklian rin ng kanyang Yna ng ganoong intensidad.Nabighani naman si Lira sa kanyang nasasaksihan at hindi mapigilang mapaiyak.Sobra-sobra na ang kanyang pangungulila sa kanyang Ynang si Amihan.
"Lira...tumatangis ka na naman...halika nga dito..."Natatawang pag-aya sa kanya ng kanyang Ashti na kanya namang sinunod.Niyakap siya ni Pirena na siyang sinuklian niya rin ng pagyakap."Wala man ang iyong Yna...narito naman kami ng iyong mga Ashti upang tumayo bilang si Amihan..."Bulong sa kanya nito na mas lalong nagpa-iyak sa kanya.Batid niya namang nariyan ang kanyang mga Ashti ngunit para sa kanya ay IBA pa rin ang PAGMAMAHAL ng isang Yna.
"Avisala Eshma,Ashti..."Kanyang bulong bago tuluyang kumalas sa kanilang yakap at agad na pinunasan ang kanyang mga luhang naglandas sa kanyang pisnge.
"Nakahanda na ang hapunan...tayo na?"Nakangiting sambit ni Pirena tsaka sila nagtungo sa hapag kainan.Nang makarating sila ay naabutan nila ang Hara Alena at Sang'gre Danaya kasama ang nakababatang diwan na si Kahlil.
"Mabuti at narito na kayo..."Nakangiting sambit ni Alena.
"Tumangis ka ba,Lira?"Tanong ni Danaya nang makitang tila namumugto ang mga mata ng hadia.
"Ano pa nga ba?"Medyo natatawang sambit ni Pirena.
"Pasensya na po..."Sambit ni Lira na hindi makatingin sa kanyang mga Ashti.
"Ayos lang iyan,Idea Lira..."Nakangiting sambit ni Kahlil na kanya namang ikinagulat kaya't napatingin siya sa batang diwan.Siya'y nagtataka 'pagkat ngayon lamang siya muling kinibo ni Kahlil at hindi siya makapaniwalang nagsasalita na itong muli!
"Kahlil!Nagsasalita ka nang muli!"Nasisiyahang sambit ni Alena nang muling marinig ang tinig ng kanyang kaisa-isang anak.
"Mabuti naman kung ganoon..."Nakangiting sambit naman ni Danaya na natutuwa rin sa muli nang pagsasalita ng hadia.Magmula kasi nang maghiwalay ang kanyang Ynang si Alena at ang kanyang Amang si Memfes ay hindi na nila muli pang narinig ang boses ng diwan.
"Ikinagagalak kong nagbalik na ang iyong boses,Kahlil..."Nakangiting sambit ni Pirena na sinuklian naman ng kanyang hadia ng isang matamis na ngiti.Ilang sandali pa ay nagsimula na silang kumain.Puno ng galak at tuwa ang kanilang hapag.Ngunit nakangiti man ay makikita mo pa rin ang lungkot sa mga mata ni Lira.
"Kung narito ka lamang,Yna..."Sambit ni Lira sa kanyang isipan.

Sa kabilang banda naman ay naluluhang pinagmamasdan niya ang kanyang mga mahal sa buhay na nagkakatuwaan.

"Nakatanaw kang muli sa kanila..."Sambit ni Mine-a.Bumalik na rin ang kanilang mga Ivtre na pinababa lamang rin ng mahal na Emre upang samahan siya sa kanyang misyon.
"Nararamdaman ko...kahit masaya sila...makikita mo pa rin ang bahid ng kalungkutan sa kani-kanilang mga mata..."Kanyang tugon kay Mine-a."Naaawa na ako sa kanila...oo nga't lumipas ang maraming taon ngunit...sa likod ng mga taong iyon...nananaig pa rin ang kalungkutan sa kanilang mga mata..."Dagdag pa niya.
"Hayaan mo...Darating ang panahon...mawawala na ang bahid ng lungkot sa kani-kanilang mga wangis..."Sambit ni Mine-a tsaka siya tuluyang iniwan nito.
"Sana nga..."Kanyang bulong saka pinunasan ang mga luhang naglandas sa kanyang pisnge.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

A/N:Ayos ba?

Tanong sa Araw na ito:

Sino sa tingin ninyo ang kausap ni Mine-a?

Comment & Votes!!!

Minimithing Pagmamahal (SEASON 2 ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon