Natapos na ang piging at lahat ng mamamayan ay nakabalik na sa kani-kanilang tahanan.Tanging mga sang'gre,dama at mga kawal na lamang ang natira.At hindi nila inaasahan ang pagdating ng isang nilalang.
"Anong gingawa niyo dito?!"Galit na tanong ni Aquil.
"Hindi kami naparito upang manggulo!"Sabi ni Asval at ibinaba nila ang kanilang mga armas.
"Kung ganoon...Ano ang ginagawa niyo dito?!"Tanong ni Ybrahim.
"Narito kaming muli upang ibigay ang aming katapatan sa inyo!"Sabi ng isang kasama ni Asval na si Axelum.
"(Tss)Paano?!Matapos niyong lusubin ang Sapiro?!"Galit na sabi ni Alena.
"Pinagsisisihan na namin iyon!"Sabi ni Asval.
"Eh ang pagpaslang niyo sa aming Yna?!Kay Ybrahim?!At sa dahilan ng pagkawala ng aking Ama?!"Galit na tanong ni Amihan.
"Hindi namin iyon pinagsisihan!"Matapang na sabi ni Asval.
"TANGA ka ba?!Paano namin kayo tatanggapin kung hindi niyo pinagsisisihan ang mga ginawa mo?!At dinamay mo pa talaga sila sa kasalanan na IKAW lang ang may gawa!"Sumbat ni Amihan na ikinagalit ni Asval.
"Sumosobra ka na!Hindi porket sang'gre ka ay palagi akong mgatitimpi sa iyo!Napakatalas ng dila mo,Diwata!"Sumbat naman ni Amihan at ginamitan siya ni Amihan ng kapangyarihan ng hangin para mahirapan siyang huminga.
"Paggalang na nga lang hindi mo pa magawa!"Sabi ni Amihan at nilisan ang bulwagan sinundan naman siya ni Ybrahim.At nakahinga na si Asval ng maayos.
"Poltre,Asval!Ngunit tama si Amihan!Paggalang na lamang ay hindi niyo pa magawa!Dinamay mo pa ang iyong mga kasama sa iyong mga kasalanan!Kung sila ay matatanggap pa namin 'pagkat wala naman silang kasalanan at may galang sila sa nakatataas sa kanila!"Mahinahong sabi ni Alena at umalis na lamang sina Asval at ang kanyang mga kasama.
"Kailangan nating makausap si Amihan tungkol dito 'pagkat kapag ito ay nagpatuloy pa lalong lalaki ang gulo!"Mungkahi ni Danaya na sinang-ayunan naman nina Alena at Danaya.Ilang sandali pa ay bumalik sa bulwagan sina Amihan at Ybrahim kasama si Lira at ang dama nito.
"Amihan!Ybrahim!"Sabi ni Pirena.
"Nais lamang naming mag-paalam babalik na kami sa Sapiro!"Pagpapaalam ni Amihan.
"Maaari ka ba naming makausap muna,Amihan?"Mahinahong tanong ni Alena at tumango si Amihan tsaka sila nagtungo sa hardin.Hardin.....
"Anong nais niyong sabihin?"Tanong ni Amihan.
"Tungkol sa ating mga kaaway!Amihan?Maaari mo naman sigurong kontrolin ang iyong galit!"Sabi ni Danaya na ipinagtaka ni Amihan.
"Ang nais niyo bang sabihin ay 'wag ko silang kalabanin?!"Medyo tumaas ang boses ni Amihan.
"Amihan hindi sa ganoon!Ang ibig naming sabihin ay pigilan mo lamang ang iyong galit at poot 'pagkat kapag nagpatuloy ito ay maaaring lumaki lalo ang gulo!"Mahinahong sabi ni Alena.
"Ang ibig niyo bang sabihin ay AKO ang dahilan kung vakit lumalaki ang sigalot?!"Galit na tanong ni Amihan.
"Amihan hindi!"Sabi ni Pirena.
"Eh yun ang sinasabi niyo eh!May iba pa ba kayong problema?!Sabihin niyo lang!"Galit na sabi ni Amihan habanh umiiyak pero umiling ang kanyang mga kapatid."Mabuti!At Avisala Meiste!"Sabi muli ni Amihan at nilisan ang hardin.Naiwan namang luhaan ang kanyang mga kapatid.Makalipas ang 1 Linggo......
Lumipas ang mga araw naging mailap na si Amihan sa kanyang mga kapatid.
"Emre bakit ganoon?!Lahat ng mahal ko ay nawawala sa akin!Ako na ba ang pinaka-malas dito sa Encantadia?!Emre bakit?!Ano bang klaseng buhay ang mayroon ako?!Nais ko lang naman makapaghigante sa nangyari kay Ama!Napaslang siya ng dahil sa isang kasinungalingan!Emre ano pa?!Ano pa ang mawawala sa akin?!"Galit at umiiyak na sabi ni Amihan.
"Wala nang mawawala sa iyo,Amihan!"Sabi ni Alena,gulat naman na napatingin sa kanila si Amihan."Wala na,Amihan!"Sabi muli ni Alena.
"Anong ginagawa niyo rito?"Tanong ni Amihan at pinunasan ang kanyang mga luha.
"Nais naming bisitahin ang aming hadia!Kasama rin namin si Mira!"Sabi ni Danaya at tumango si Amihan.
"Si Lira ay nasa kanyang silid kasama si Ybrahim at ang kanyang dama!"Sabi ni Amihan at tumalikod na sa kanyang mga kapatid.
"Nais din namin kayong imbitahin bukas sa Lireo!"Paanyaya ni Pirena.
"Hindi ako makakatungo roon!"Sabi ni Amihan na hindi humaharap sa kanila.
"Tungkol pa rin ba i--"Hindi natuloy ni Danaya ang sasabihin niya 'pagkat nagsalita si Amihan.
"HINDI!Hindi ito tungkol doon!"Sabi ni Amihan.
"Poltre!Maiwan ka na namin!"Sabi ni Alena at nilisan na nila ang balkonahe.Isla ni Cassiopeia.....
Sa isla ay pinagmamasdan sila ni Cassiopeia at may nakita siyang muli sa hinaharap.
"Kapatid laban sa kapatid,isa laban sa lahat.Mag-ina ay mawawalay sa isa't-isa dahil sa mga kaaway."Pangitain ni Cassiopeia.
"Isa sa mga sang'gre!Aking mata!Ipakita kung sino sa kanila!"Utos ni Cassiopeia at ipinakita sa kanya kung sino."Siya?!Hindi maaari!Manghihina ang kanilang sentro!"Nababahalang sabi ni Cassiopeia.Sapiro.....
Samantala naman ay nasa silid ang mga sang'gre at rehav ng sapiro kasama si Lira at Mira.
"Nga pala,Pirena?Matagal ng palaisipan sa akin ang bagay na ito!SINO ang AMA ni Mira?"Tanong ni Ybrahim na ikinagulat ni Pirena.
"Oo nga,Pirena!'Yan din ang nais naming itanong!"Sabi naman ni Alena.
"Ang Ama ni Mira ay si.....G-G-Gamil!"Pagbunyag ni Pirena na ikinagulat nila.
"Si Gamil?Isang tapat na kawal na Lireo?!"Gulat na tanong ni Danaya.
"Hindi ko naman sinasadya!"Sabi ni Pirena at napayuko.
"Pirena?Kahit sino pa ang Ama ni Mira ay matatanggap namin!"Mahinahong sabi ni Alena.
"Avisala Eshma!"Pagpapasalamat ni Pirena at nagyakapan silang tatlo.Ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Amihan.
"Nagambala ko ba kayo?Poltre!"Sabi ni Amihan pero umiling sila."M-Maaari ko bang mahiram ang aking anak?"Tanong naman niya at tumango sila tsaka niya kinuha si Lira at lumabas ng silid.
"Hindi pa rin ba kayo nagkaka-bati?"Tanong ni Ybrahim at umiling sila.
"Masyadong mailap si Amihan!"Sabi ni Danaya.Balkonahe.....
Samantala nagtungo sina Amihan at Lira sa balkonahe.
"Alam mo ba Lira?Nasa lugar na iyon ang iyong Ila at Ilo!"Sabi ni Amihan kay Lira sabay turo sa langit."Alam mo?Kung nandito pa sila hindi sana ako nagkaka-ganito!Pero wala eh!Wala na sila!Maaga akong naulila sa Ama at 'yun ang hindi ko hahayaang mangyari!Hindi ko nais na matulad ka sa akin!"Sabi ni Amihan at hinalikan ang noo ni Lira tsaka niya niyakap ang kanyang anak na gumanti rin.
SINO!Ang nakita ni Cassiopeia?!
Comment & Votes!!!
BINABASA MO ANG
Minimithing Pagmamahal (SEASON 2 ON-HOLD)
FanfictionLahat ay ginawa niya ngunit hindi niya nakamit ang kanyang minimithing pagmamahal mula sa kaniyang mga mahal. . . . Ito ang sarili kong version ng kwento ng Encantadia,kakaiba ito sa mga nababasa ninyo. . . . Suportahan niyo sana ang aking pangalawa...