Tabing-dagat.....
Lahat ay nakahanda na sa magaganap na digmaan.Magkakahiwalay ng mga hukbong pinamumunuan ang mga sang'gre at Rehav.Si Pirena kasama si Alena at Muros at ang mga kawal.Si Danaya kasama si Aquil at ang mga kawal.At si Ybrahim kasama sina Wantuk at Alira Naswen at ang mga kawal.
(Huling laban sa Encantadia)
Lumabas na ang hudyat kaya nagsimula na ang digmaan.
Kalagitnaan ng Digmaan.....
Nagsanib pwersa na ang mga sang'gre upang puksain si Hagorn.
Tinulungan na sila ni Ybrahim.Ngunit hindi pa rin nila kinaya kahit na tinulungan pa sila ni Ybrahim.Nang hindi na nila kaya ay may liwanag na lumabas at inilabas nito si Raquim at Mine-a kasama sina Armeo at Mayne."Tayo ang magharap-harap!"Magkakapanabay na paghahamon ng mga ivtre na galing sa Devas.Nginisian naman sila ni Hagorn at nagsimula na sila.Samantala ang mga sang'gre at rehav naman ay tinulungan ng isang diwata na naka-baluting pang sang'gre at nakatakip ang kanyang wangis.
"Avisala Eshma,Diwata!"Pagpapasalamat nila at tumango si Amihan.
"Ano't nakatakip ang iyong wangis?"Takang tanong ni Pirena.
"Poltre ngunit kailangan ko na silang tulungan!"Sabi ni Amihan at nagtungo sa kinaroroonan ng kanyang mga magulang at magulang ni Ybrahim at tumulong sa pagpuksa kay Hagorn.
"Tila pamilyar siya!Para bang...nakita ko na siya noon pa!"Sabi ni Ybrahim.
"Magpatuloy na tayo!"Sabi naman ni Danaya at nakipaglaban na sila.Pagkatapos ng Digmaan.....
Natapos na ang digmaan at nagwagi ang kabutihan!Napaslang nila lahat ng kaaway kasama si Hagorn.Ngayon sila ay nasa Lireo kasama ang 5 Ivtre na tumulong sa kanila.
"Yna!Avisala Eshma sa inyong pagtulong!"Pagpapasalamat ni Danaya at niyakap nila si Mine-a.
"Ganoon din sa iyo Aldo Raquim!"Sabi naman ni Alena at tumango si Raquim.
"Nga pala,Rehav Ybrahim!Nais kong makilala mo sila!"Sabi ni Raquim at lumapit kina Armeo at Mayne."Sila ang Rama Armeo at Madea Mayne ng Sapiro!"Pagpapakilala ni Raquim na ikinatuwa ni Ybrahim kaya agad siyang lumapit sa kanyang mga magulang at niyakap ang mga ito.
"Nga pala Yna!Sino ang kasama ninyo?"Tanong ni Pirena sabay turo kay Amihan.Pinalapot naman siya ni Mine-a.
"Sige na anak magpakilala ka na!"Sabi ni Raquim na ipinagtaka nila kaya tinanggal na ni Amihan ang takip sa kanyang wangis.
"AMIHAN?"Sabay-sabay na sabi ng mga sang'gre.
"Avisala!"Nakangising sabi ni Amihan.
"Apwe!"Magkakapanabay muli na sabi nila at niyakap nila si Amihan.
"Tama nga ang hinala ko kanina sa digmaan!Nagbalik ka na,El Correi!"Sabi ni Ybrahim at niyakap niya si Amihan na gumanti rin sa yakap."Poltre!"Bulong ni Ybrahim habang yakap niya si Amihan at kumalas na sila.
"Si Lira?Nasaan siya?"Tanong ni Amihan.
"Siya'y nasa Sapiro!Kasama ang kanyang dama at si Pako!"Sabi ni Ybrahim at tumango si Amihan tsaka niya kinuha ang plauta niya at ibinigay kay Ybrahim.
"Sa oras na tumangis si Lira...patugtugin mo lamang ito at siya ay titigil!"Sabi ni Amihan at tumango si Ybrahim tsaka ibinigay ang plaita kay Alira."Kailangan na naming bumalik sa Devas!"Sabi muli ni Amihan.
"Magbabalik naman kayo hindi ba?"Tanong ni Ybrahim.
"Pangako!Babalik ako!Kami!Sa tamang panahon!"Pangako ni Amihan at binigyan si Ybrahim ng mabilis na halik tsaka nagtungo sa mga kapwa niya ivtre.
"Avisala Meiste!Hanggang sa muli nating pagkikita!"Magkakapanabay na sabi nila tsaka sila naglaho pabalik sa Devas.
"Avisala Meiste,El Correi Diwani!Hanggang sa muli!El Correi Diu!"Bulong ni Ybrahim.Pagkatapos ay nagpaalam na sila na babalik na sila sa Sapiro.Sapiro.....
Pagdating nila Ybrahim sa Sapiro ay agad siyang nagtungo sa silid ng kanyang anak.Naabutan niya na umiiyak si Lira habang inihehele ng kanyang dama.
"Rehav!Kanina pa tumatangis ang inyong anak!Hindi din namin alam kung bakit!"Sabi ng dama.Kinarga naman ni Ybrahim si Lira tsaka umalis ang dama.
"Lira?Tahan na anak!"Pagpapatahan ni Ybrahim at hinele niya si Lira ngunit wala pa rin.Ng biglang naalala ni Ybrahim ang plauta ni Amihan.Kaya kinuha niya ito at pinatugtog.Unti-unti namang tumitigil sa pag-iyak si Lira at nakatulog na.Inilagay na ni Ybrahim si Lira sa kuna nito.
"Avisala Eshma,Amihan!"Bulong ni Ybrahim sa hangin.Lumipas ang mga araw,buwan at taon nanatiling mapayapa ang Encantadia.Itinayong muli ni Pirena ang Hathoria at siya ang naging reyna dito.Si Ybrahim naman ay naging ganap na Rama na ng Sapiro,ngunit hindi na siyang nakitang ngumiti pa.Lumaki na rin sina Lira at Mira na busilak ang puso.
Naganap na ang propesiya!
Ano ang susunod na mangyayari?Comment & Votes!!!
BINABASA MO ANG
Minimithing Pagmamahal (SEASON 2 ON-HOLD)
FanfictionLahat ay ginawa niya ngunit hindi niya nakamit ang kanyang minimithing pagmamahal mula sa kaniyang mga mahal. . . . Ito ang sarili kong version ng kwento ng Encantadia,kakaiba ito sa mga nababasa ninyo. . . . Suportahan niyo sana ang aking pangalawa...