Livea...
Nang makabalik na sa Livea sina Amihan ay hindi pa rin tuluyang naghihilom ang sugat na kanyang natamo galing sa Gunikar na gumawa sa kanya nito.
"Mauuna na muna ako,Mahal na Hara..."Pagpapa-alam ni Mayka.
"Sige na,Mayka...Magpahinga ka muna...Avisala Eshma..."Nakangiting tugon naman ni Amihan tsaka yumukod si Mayka at linisan na ang bulwagan.Bigla namang nakaramdam ng tila pagkahilo si Amihan na agad rin namang nawala kung kaya't isnantabi niya na lamang muna ito at naalala ang kanyang balabal na nawawala."Pashnea...ang aking balabal..."Inis na sambit ni Amihan sa maaaring pagkakabuko sa kanya ni Ybrahim tungkol sa kanyang pagbabalik.Lireo...
Agad na dumeretso sa bulwagan sina Danaya at Ybrahim kung saan naghihintay ang kanilang pamilya.
"Ama!"Agad siyang sinalubong ng isang mahigpit na yakap mula kay Khalil.Batid niyang HINDI niya TUNAY na anak si Khalil ngunit itinuring na niya ito bilang kanyang TUNAY na anak at ganoon din si Khalil sa kanya.Isang yakap rin naman ang sumalubong kay Danaya mula sa kanyang mga kapatid na sina Alena at Pirena." Natutuwa ako at ika'y nakaligtas!"Masayang sambit ni Khalil tsaka siya tumingin sa gawi ng kanyang anak na si Lira na nginitian lamang siya at agad na umiwas ng tingin tsaka tumakbo paalis ng bulwagan.
"Anong nangyari kay Lira?" Tanong no Alena.
"Mira...anak...batid kong IKAW lamang any makakapag-alo kay Lira kaya...sige na..." Mahinhing utos ni Pirena sa kanyang anak na agad namang sinunod ni Mira.
"Danaya...sandali...bago ninyo tuluyang lisanin ang bulwagan...nais kong ipaubaya ito sa iyo..." Sambit ni Ybrahim sabay about kay Danaya nang telang nakuha niya Kay Amihan kanina."Nakuha ko iyan sa engkantadang tumulong sa atin sa mga nanggugulo..."Dagdag pa ni Ybrahim tsaka nilisan ang bulwagan nang makapaghanda na siya sa kanyang pagbabalik sa Sapiro.Samantala naman ang mga Sang'gre ay nagtungo na sa kanilang silid.
"Sabihin mo,Danaya...totoo ba na naroon si Amihan nang kayo'y dumating sa palengke ng Lireo?"Agad na tanong ni Alena.
"Tama ka,Alena!At siya rin ang dahilan kung paano namin nalaman kung saan at kung ano ang pakay ng mga nanggugulo..."Sagot ni Danaya.
"Kung ganoon...ano ang sagot?"Tanong naman ni Pirena.
"Galing sila sa lahi ng mga gunikar,Pirena..."Sagot ni Danaya.Gulat naman silang napatingin sa kanya.
"At ano naman ang kanilang dahilan?" Tanong muli ni Alena.
"Masakit mang sabihin ito sa iyo,Alena ngunit...Poltre...'pagkat ikaw ang kanilang tinutukoy na dahilan..."Paliwanag ni Danaya."'Pagkat simula raw nang ikaw ay hirangin bilang Hara ng mga Diwata ay hindi na nila pang muling nakita ang kanilang pinunong si Memfes...kaya nais nilang gumanti!" Dagdag pa ni Danaya.Lubos namang nagulat ang dalawa pang Sang'gre.
"A-Ako?"Naluluhang tanong ni Alena.
"Oo,Hara...Hindi ko rin batid ngunit...hindi ba pwedeng Hindi lamang IKAW ang dahilan ni Memfes kung kaya't siya'y lumisan?Maaari namang may iba pa siyang pinagdadaanan maliban sa iyong pagiging hara..."Sambit ni Danaya.
"Isa lamang ang sulusyon upang malaman ang mga kasagutan sa inyong mga katanungan..." Sambit ni Pirena.
"Ano naman iyon?"Tanong naman ni Alena.
"Hindi ANO,Alena...kundi SINO!"Nakangising sambit ni Pirena.
BINABASA MO ANG
Minimithing Pagmamahal (SEASON 2 ON-HOLD)
FanfictionLahat ay ginawa niya ngunit hindi niya nakamit ang kanyang minimithing pagmamahal mula sa kaniyang mga mahal. . . . Ito ang sarili kong version ng kwento ng Encantadia,kakaiba ito sa mga nababasa ninyo. . . . Suportahan niyo sana ang aking pangalawa...