Kabanata lV

583 17 2
                                    

Dahil nga sa muling paglisan ni Amihan ay hindi na muling nakita pa ang mga ngiting dati'y kay tamis sa wangis ng batang Sang'greng si Lira.Katulad ng kanyang Ama noon,ginagawa rin ng kanyang pamilya ang lahat upang magbalik na ang mga ngiting kay tamis masilayan sa wangis ni Lira.

"Lira...kailangan na nating magtungo ng Lireo..."Sambit sa kanya ng kanyang Ama.Napatango na lamang siya at tsaka sumunod na sa kanyang Ama.Gamit ang evictus ay madali nilang narating ang Lireo.Agad silang nagtungo sa silid tanggapan nito at doo'y naabutan nila ang mga sang'gre na masinsing nagpupulong at nag-uusap.Ngunit sa kanilang pagdating ay kanilang naagaw ang pansin ng lahat na naroon at napatingin sa kanila."Poltre kung kami'y nahuli..."Paghingi niya ng paumanhin at umupo na silang dalawa ni Lira sa dalawang bakanteng pwesto na inireserba para sa kanilang mag-ama.
"Ayos lamang iyon...ang napapag-usapan pa lang naman namin ay kung paano pa natin mas lalong mapapanatili ang kaayusan at seguridad dito sa Encantadia..."Sambit naman ng Harang si Alena.
"Na hindi ginagamit ang mga brilyanteng sa ami'y nasa pangangalaga..."Pagdugtong naman ng Hara ng Hathoria sa sinambit ni Alena.
"Ngunit paano?"Tanong ni Ybrahim.
"Iyan pa lamang ang aming pinag-iisipan,Ybrahim..."Seryosong tugon naman ng Hara Durye na si Danaya sa tanong ni Ybrahim.
"Hindi natin masisigurado ang TIYAK na kaligtasan at seguridad sa mga lupain sa Encantadia...Lalo na't marami na namang bali-balitang mayroon na namang nanggugulo sa bayan o sa mga pamilihan dito sa Lireo..."Pagsasalaysay ni Aquil.
"Nakilala ba nila ang mga ito?"Tanong ni Alena ngunit umiling si Aquil.
"Ngunit may isang nakapag-salaysay na napaka-bilis kung sila ay kumilos..."Sambit naman niya.
"Kung ganoon...kailangan nating malutas ito..."Seryosong sambit ni Pirena."Sa tuwing anong araw sila nagtutungo sa mga pamilihan?"Tanong naman niya sa Mashna ng hukbong sandatahan ng Lireo at ang Kabiyak ni Danaya na si Aquil.
"Poltre,Hara...ngunit HINDI ko batid..."Tugon naman ni Aquil at napatango na lamang sila.
"Anong klaseng Mashna ba ito?!"Tanong ni Pirena sa kanyang isip.
"Y-Ybrahim?Nasaan si L-Lira?"Tanong ni Alena.Gulat naman na napatingin si Ybrahim sa kanyang tabi at nakitang wala na roon ang kanyang anak.
"Lira!"Kanyang sigaw at nilisan ang silid tanggapan na siyang sinundan naman ng pag-alis ni Ybrahim sa silid tanggapan ni Mira.
"Aldo...Maghiwalay tayo..."Suhustisyon ng humahangos na batang Sang'greng si Mira.Tumingin naman sa kanya si Ybrahim at tumango tsaka sila naghiwalay ng landas na kanilang tatahakin upang mahanap si Lira.

Samantala naman ay napadpad ang isang babae sa bayan o pamilihan ng Lireo.Hindi siya makikilala ng mga mamamayan rito 'pagkat may takip ang kanyang wangis.Habang siya'y naglilibot-libot ay mayroon siyang narinig na kaguluhan kung kaya't kanya itong pinatunguhan.

"Ibalik ninyo ang mga paninda ko!Hindi kayo nagbabayad!"Galit na sigaw ng isang tindera na naroroon.Hindi na siya nag-dalawang isip pa at kanyang sinundan ang mga nagnakaw ng paninda.Nang maabutan niya ang mga ito ay agad niyang hinarang ang mga ito sa kanilang daraanan.
"Tumabi ka!"Pasigaw na sugo ng isa sa kanila.
"Bakit ko kayo susundin?"Nakangising tanong naman niya.Tila hindi naman nakapagtimpi ang mga nanggugulo at kanila siyang sinugod na agad naman niyang nasangga.Lahat ng mamamayan sa bayan ay pinagkaguluhan sila.

"Kay galing niya"

"Oo nga"

"Sana matalo niya ang mga nanggugulo"

"Sana"

Ilan lamang iyan sa mga bulungan ng ibang mamamayan.Ilang sandali pa ay nadaplisan siya ng isa sa mga nanggugulo kung kaya't natanggal ang kanyang takip sa kanyang wangis at ng makita ito ng mga mamamayan lubha silang nagulat.
"ASHTADI!!!"Galit na sigaw ni Lira at naglabas ng isang napaka-lakas na enerhiya na nagpatumba sa mga nanggugulo kung kaya't agad na umalis ang mga ito.
"Avisala Eshma,Sang'gre Lira..."Magkakapanabay na sambit ng mga mamamayan sa kanya nang siya'y makaharap na sa mga ito.
"Walang anuman...basta't 'wag kayong mag-aatubiling lumapit sa aming mga diwata at tutulungan namin kayo...Avisala Meiste..."Sambit niya at naglaho na pabalik ng Lireo.Ang mga mamamayan naman ay nagsibalik na sa kanilang mga gawain.

Samantala ay nalibot na nina Ybrahim at Mira ang buong palasyo ng Lireo ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin nakikitq si Lira.Nagbalik muna sila panandalian sa silid tanggapan at doo'y naabutan nila ang mga Sang'gre kasama si Lira na nakayuko.

"Lira!"Sambit ni Ybrahim at niyakap ng mahigpit ang kanyang kaisa-isang alaala kay Amihan,ang kanilang anak."Saan ka ba nanggaling?!Pinag-alala mo kami!"Dagdag pa ni Ybrahim.
"Sa hardin,Ama...nagmuni-muni lamang ako..."Inosenteng sagot naman ni Lira na ikinakunot ng noo nina Ybrahim at ng kanyang pinsang si Mira.
"Sa hardin?Eh nalibot na namin ang buong palasyo ngunit wala ka naman doon!"Pangangatwiran ni Mira na sinang-ayunan naman ni Ybrahim.
"Oo nga pala...hindi niyo alam ang lugar na iyon..."Sambit naman ni Lira.
"Anong lugar?"Pasingit naman ni Danaya sa sinambit ng kanyang hadia.
"May isa kasing lugar sa hardin na kami lamang ni Yna ang nakaka-alam..."Sagot niya.
"Basta,Lira...sa susunod...bago ka lumisan ay magpa-paalam ka muna sa akin o sa kanino man na iyong kasama...nang sa ganoon ay hindi kami mag-alala at mapagod kakahagilap kung saang lupalop ka na nagtungo...Hindi ko nais na mawala ka pa...kagaya ng iyong Yna..."Paalala sa kanya ng kanyang Ama na si Ybrahim.Tila linukob na namang muli ang kalooban ni Lira ng lungkot sapagkat nasali na naman sa usapan ang tungkol sa kanyang Yna.
"Ama,ilang beses ko po bang kailangang ulitin na huwag na muna nating banggitin sa mga usapan si Yna?!Lalo niyo lamang pinapaalala sa akin ang mga naganap sa kanya!Mahirap para sa isang anak na TANGGAPIN ang pagkawala ng kanyang Yna!"Tumatangis na sambit ni Lira sa kanyang Ama."Babalik na po ako sa Sapiro...Mauuna na ako..."Pagpapaalam niya at tuluyan ng nilisan ang silid tanggapan gamit ang kakayahang gumamit ng evictus pabalik ng Sapiro.Tila nahimasmasan naman si Ybrahim sa mga sinambit ng kanyang anak.
"Aldo...ako na po ang kakausap sa kanya..."Pagpresinta ni Mira at hindi na hinintay pang makasagot si Ybrahim nang siya'y maglaho na upang sundan ang kanyang pinsan.Batid niyang hindi sa Sapiro tutungo ang kanyang pinsan na itinuturing niya na rin parang isang TUNAY na Apwe.

Sa isang sulok ng kagubatan napadpad si Lira.

"Kung kaya lamang kitang ibalik..."Sambit ni Lira at nagsimula nang tumangis.Maraming magaganda,masasaya at malulungkot na pangyayari ang mayroon ang lugar na ito.Lubha itong mahaaga para sa batang Sang'gre,lalo na't dito sila nanirahan noon kasama ang isang diwatang lubha nang pinangungulilaan ni Lira.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

A/N:May mga "suggestons" ba kayo?

Tanong para sa araw na ito:

Saang lugar sa tingin ninyo ay napadpad si Lira?

Comment & Votes!!!

Minimithing Pagmamahal (SEASON 2 ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon