Kabanata 30:Pagpili sa Bagong Hara

714 22 10
                                    

Makalipas ang 1 Linggo.....

Lumipas ang mga araw ngunit hindi pa rin nakakapag-pasya si Danaya kung sino ang hahalili sa kanya.

"Danaya?Wala ka pa rin bang napipiling hahalili sa iyo?"Tanong ni Mine-a.
"Wala la rin akong mapili,Yna!"Sagot ni Danaya.
"Danaya?Tandaan mo!Sa ating apat na magkakapatid lamang maaaring pumili ng hahalili sa iyo...ngunit paano?Hara na ako...Si Amihan at Alena na lamang ang iyong pagpipilian"Sabi ni Pirena.
"Ano kaya kung...si Amihan ang aking piliin?Nais ko siyang bigyan ng pagkakataon upang maging hara"Ideya ni Danaya at tumango sila tsaka sila nagtungo sa Balkonahe kung saan naroon si Amihan.

Balkonahe.....

Pagdating nila sa balkonahe ay nadatnan nila si Amihan na nakaluhod at tila nahihirapan.Agad naman silang tumungo sa kanya.

"Amihan?Anong nangyari sa iyo?Ano't napakarami mong galos?!"Nag-aalalang tanong ni Mine-a.Inilabas naman ni Danaya ang brilyante ng Lupa at unti-unting nawawala ang mga galos ni Amihan.Ilang sandali la ay tuluyan na itong nawala kaya tinulungan nilang makatayo si Amihan at paupuin sa upuan malapit dito.
"Ano ba ang nangyari,Amihan?"Tanong ni Pirena.
"May mga hindi ako nakikilalang nilalang na nagtungo rito...nang makita nila ako ay agad silang sumalakay kung kaya't wala akong nagawa kundi ang kalabanin sila...naabutan ko rin na napaslang na nila ang mga kawal na nagbabantay dito...huli na nang malaman ko na mga kakampi pala sila at nais lamang nilang humingi ng tulong."Pagsasalaysay ni Amihan."Marahil hindi nila ako nakilala kung kaya't ako'y kanilang kinalaban"Dugtong pa niya.
"Nalaman mo ba kung saang lahi sila nagmula?"Tanong ni Danaya at tumango si Amihan.
"Nagmula sila sa lahi ng mga...PUNJABWE"Sagot ni Amihan na ikinagulat.
"PUNJABWE?Ang mga lahi na nakatira sa Hilagang bahagi ng Sapiro?"Tanong ni Mine-a at tumango sila.
"Iibahin ko ang usapan...Anong kailangan niyo sa akin?"Pag-iiba ni Amihan.
"Nais ka lamang sana naming tanungin ukol sa isang bagay"Sagot ni Pirena.
"Tungkol saan ba ito?"Tanong niya(Amihan).
"Tungkol sa paghalili sa akin bilang hara ng mga diwata...Naisip namin na ikaw na lamang ang humalili sa akin ngunit tila hindi ka naman papayag...kung hindi ka man pumayag ay wala na kaming magagawa...si Alena na lamang ang aming pipiliin sa ayaw at sa gusto niya"Sagot at paliwanag ni Danaya.
"Tama ang iyong hula,Danaya!Hindi nga ako papayag...hindi na rin naman ako magtatagal...kaya't nararapat na piliin mo ay si ALENA!"Sabi ni Amihan.
"Sandali lamang,Amihan!Bakit ba...parati mong sinsabi na hindi ka na magtatagal?"Tanong ni Mine-a.
"Sapagkat...kaunting panahon na lamang ang natitira bago ako bumalik!"Sagot ni Amihan na mas lalo pang ikinagulo nang kanilang isipan."Sa TAKDANG panahon ay mapapagtanto ninyo ang aking sinasambit"Dagdag pa niya at tumango na lamang sila.
"Kung ganoon...kailangan nating magtungo sa mga PUNJABWE...nang sa ganoon ay makilala ka na nila!"Suhustisyon ni Pirena.
"Maiiwan na lamang ako...nang sa fanoon ay may mamumuno dito sa Lireo pati na rin sa dalawang diwani!"Sambit ni Mine-a at tumango sila.Maglalaho na sana sila nang dumating si Ybrahim kaya napatingin sila dito.
"Ybrahim!May kailangan ka?"Tanong ni Danaya.
"Nais ko lamang sanang magpaalam na babalik muna AKO ng Sapiro!"Sagot ni Ybrahim.
"Sumama ka na sa amin,Ybrahim!Doon din ang aming 'tungo!"Pag-aaya ni Amihana at tumango si Ybrahim tsaka lumapit kay Amihan at hinawakan ang kamay nito at naglaho na.

Tribo ng mga Punjabwe.....

Pagdating nila sa lugar ng mga punjabwe ay naging alisto ang mga ito.

"Mga Mahal na Hara at Rama!Lumayo kayo sa kanya!Isa s'yang Vedalje!"Sambit ng kanilang ikalawang pinuno na si AZULLAN.
"Ssheda,Punjabwe!Hindi kaaway ang aming kapatid!Ashtadi!"Pagalit ni Pirena na ipinagtaka nila.
"K-Kapatid?"Takang tanong ng kanilang Rehav na si MANIK.
"Oo!S'ya ang aming ikalawang kapatid...Si AMIHAN!"Sagot ni Danaya at nagbigay-daan tsaka naglakad papaharap si Amihan.Si Danaya at Pirena naman ay bumalik ma sa Lireo ayon din sa kanilang pinag-usapan.
"Avisala!"Nakangising pagbati ni Amihan.
"Paanong naging ikaw ang ikalawang Sang'gre?!Kung...matagal na siyang namayapa!?"Galit na tanong ni Azullan at tinutukan si Amihan ng sandata na siyang iwinaksi naman ni Ybrahim gamit ang kanyang espada.
"Huwag na huwag mong sasaktan ang Sang'gre at Diwani Amihan ng Sapiro!"Galit na sambit ni Ybrahim.
"D-Diwani ng Sapiro?"Takang tanong ni Manik."Sandali!Nagugulahan kami!Kanina sinabi ninyo na siya si Sang'gre Amihan!Tapos ngayon DIWANI?!"Naguguluhang tanong niya.
"Tama ang lahat ng iyong narinig,Punjabwe!SIYA ang diwani ng Sapiro!"Sagot ni Ybrahim na ikinagulat nila.
"Hindi pa rin kami naniniwala!"Pagmamatigas ni Azullan.Susugod na sana si Ybrahim ng harangin siya ni Amihan na sinasakal nang kanyang kapangyarihang hangin si Azullan na nahihirapan ng huminga.
"Hindi ka man maniwala...WALA AKONG PAKIALAM!"Galit na sambit ni Amihan at inalis na ang hangin na lumulupig sa hininga ni Azullan.Naghahabol naman ng hininga na nasubsob si Azullan na siyang nakita nang kanyang nakababatang kapatid.
"ADTO!"Sigaw ng kanyang kapatid na nagngangalang ARIANA at dinaluhan si Azullan.
"Poltre,Mahal na Sang'gre at Rama!"Paghingi ni Arriana ng tawad.
"Mabuti pa ang iyong kapatid...marunong magpakumbaba!"Pagpaparinig ni Amihan.Tinulungan naman ni Ariana na makatayo si Azullan.
"Binabalaan ka namin,Punjabwe!Sa oras na ka--"Hindi na natalos ni Ybrahim ang kanyang saabihin dahil tinakpan ni Amihan ang kanyang bibig.
"Sa ngayon ay pagbibigyan kita!"Sambit ni Amihan at sila'y naglaho na ni Ybrahim.
"Ashtading Diwata!"Sambit ni Manik nang makaalis na sina Amihan.Ngunit nagulat na lamang sila nang lumitaw muli sina Amihan at Ybrahim sa kanilang harapan.
"Ano iyon,Punjabwe?"Tanong ni Amihan na tila hindi narinig ang sinabi ni Manik ngunit narinig niya naman talaga.
"W-Wala!Wala akong sinasabi!"Pagsisinungaling ni Manik at tumango sina Amihan at Ybrahim at naglaho nang muli.

Sapiro.....

Agad na dumiretso ng silid sina Amihan at Ybrahim.

"Amihan?Bakit mo pinagbigyan ang lapastangang punjabwe na iyon?!"Tanong kaagad ni Ybrahim.
"Ybrahim kapag siya'y aking pinaslang mas lalong hindi nila ako tatanggapin!"Sagot ni Amihana at unti-unti nang tumulo ang kanyang mga luha tsaka siya umupo sa kama.Lumapit naman sa kanya si Ybrahim at lumuhod upang makapantay siya nito.
"Poltre..."Mahinang sabi niya at hinawakan ang magkabilang pisnge ni Amihan.Ilalapit na sana niya ang  kanyang mukha kay Amihan nang.....
"AMA!"Masayang paftawag ni Kahlil kaya napaiwas sina Amihan at Ybrahim.Pilit naman na ngumiti si Ybrahim.Si Kahlil naman ay masama ang tingin kay Amihan.
"Bakit ka nandito sa silid ni Ama?!"Pasigwa na tanong niya na ikinainis ni Ybrahim.
"Kahlil 'wag mo siyang sigawan!Ashti mo pa rin siya!"Pagalit ni Ybrahim.
"Pero Ama!Inaagaw niya kayo kay Ina!"Pangangatwiran ni Khalil.
"Kahlil,wala siyang ginagawa...pinapakalma ko lamang siya..."Paliwanag ni Ybrahim.
"Lagi niyo na lamang po siyang ipinagtatanggol!MASAMA siya,AMA!"Umiiyak na sambit ni Kahlil at tumakbo na palabas.Nais man siyang habulin ni Ybrahim ngunit huli na 'pagkat nakalayo na ito.

Anong mangyayari?
Sino ang pipiliin ni Danaya?

Comment & Votes!!!

Huling 5-9 na Kabanata.....

Minimithing Pagmamahal (SEASON 2 ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon