Kabanata XV

540 19 1
                                    

Sapiro.....

"Idea?Hindi ba tayo maaaring bumisita kay Yna?Nangungulila na kasi ako sa kanya..."Malungkot na tanong ni Ayel sa kanyang Idea Lira.
"Ayel...pareho lamang tayong nangungulila Kay Yna...ngunit hindi ba't siya'y nangako na babalikan ka niya?TAYO!"Tugon naman ni Lira.Ilang sandali pa ay dumating si Ybrahim sa bulwagan ng Sapiro kung saan sila naroroon.
"Lira...Ayel...mayroon kayong panauhin..."Nakangiting anunsyo niya sa dalawa na ikinakunot ng mga noo nito.Hindi nagtagal ay pumasok na nga rin si Amihan sa bulwagan na lubhang ikinagulat at ikinatuwa nina Lira at Ayel na hindi napigilang yakapin ang kanilang Yna.Tahimik at nakangiti naman silang pinagmasdan ni Ybrahim.
"Yna...mabuti at narito ka na...dito ka na rin ba mananatili?"Nagagalak na tanong ni Ayel na ikinatingin naman ni Amihan Kay Ybrahim na iwinaksi ang kanyang paningin.
"Hindi pa sa ngayon,Ayel...ngunit kukunin muna kita upang doon ka muna manatili sa Livea..."Tugon ni Amihan na parehong ikinawala ng mga ngiti sa labi ng dalawa.
"Paano po si Idea?"Nalukungkot na tanong niya.
"Ayel...babalik ka rin naman dito at isa pa...maaari nila tayong dalawin kung kailan nila nais magtungo roon...ngunit sa ngayon...babalik na muna tayo ng Livea..."Sambit ni Amihan.Lumuhod naman si Lira upang makasingtangkaran niya ang nakababatang kapatid at tsaka niya ito niyakap.
"Pangako...dadalawin kita roon...kami ni Ama..."Nangangakong bulong ni Lira at tsaka kumalas sa yakap at tumayo na.Nang makatayo siya ay tsaka naman siya niyakap ni Amihan at ito naman ang bumulong sa kanya.
"Lira...huwag mong pababayaan ang iyong Ama...El Correi Diu,aking Lira..."Bulong ni Amihan at kumalas sa yakap.
"Asshedi,Ada...El Correi Dei Diu...Avisala Meiste..."Tugon ni Lira na pilit na ngumiti.Isang sulyap naman ang ginawa ni Amihan kay Ybrahim na nakatitig lamang sa kanila bago sila tuluyang maglaho ni Ayel pabalik nang Livea.Nang makapaglaho naman ang dalawa ay agad na niyakap ni Ybrahim ang kanyang si Lira na patuloy lamang sa pagtangis.
.
.
.
.
.
Nakarating na nga sina Amihan at Ayel sa Livea.Agad na dineretso ni Amihan si Ayel sa kanilang silid nang makapagpahinga ito ng maayos.Nang masigurado niyang maayos na ito ay inihabilin niya si Ayel sa mga dama at bumalik na siya sa bulwagan ng Livea.

Minimithing Pagmamahal (SEASON 2 ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon