Ang pagpapatuloy.....
"Ibig-sabihin ba nito ay hindi ka na lilisan?"Tanong ng kanyang Amang si Ybrahim na umaasang 'OO' ang isasagot ng kanyang anak.
"Oo..."Hindi nga siya nagkamali...OO nga ang isinagot ng kanyang anak na kanyang ikinatuwa."Ngunit...hahayaan niyong makapasok si Yna sa Lireo..."Kondisyon ni Lira.Napatingin naman si Ybrahim kay Alena at makikita mo sa mga mata ng Rama ang pakikiusap.Marahan namang tumango si Alena.
"Sige..."Pagpayag ni Alena."Ngunit...ibibigay mo sa akin pansamantala ang iyong hawak na brilyante..."Kondisyon naman ng Hara na ikinagulat ni Amihan.
"Alena WALA na akong hawak ni isa man sa mga LIRA!Naibalik ko na ito!"Sagot naman ni Amihan.
"Kung ayaw mong ibigay...HINDI ka rin makakapasok..."Sambit naman ni Danaya.
"Maniwala man kayo o hindi...WALA na akong hawak na brilyante..."Mahinahong sambit ni Amihan."Isa pa...HINDI naman ako nagpupumilit na makapasok sa INYONG kaharian..."Dugtong pa niya.
"Yna...tayo nalang ang magtungo ng Livea...Tutal...AYAW ka nilang papasukin dito..."Sambit ni Lira.Napailing naman si Amihan.
"Hindi,Lira...hindi na ako makakabalik doon...'pagkat wala na akong hawak ni isa man sa mga brilyante...wala na rin akong kapangyarihan..."Sambit naman ni Amihan sa kanyang Anak.
"Ngunit,Ashti-Ada...Hindi ba't sinabi mo noon na IKAW ang PINAKA-MAKAPANGYARIHAN sa lahat ng nilalang na naririto sa Encantadia?"Tanong ni Mira sa kanyang itinutiring na Yna.
"Oo nga,Amihan....."Pag-sang ayon naman ni Pirena sa sinambit ng Anak.
"Oo nga't AKO ang pinaka-makapangyarihan...ngunit HINDI ibig-sabihin n'un ay nasa akin pa rin ang mga Lirang noo'y aking pinangangalagaan...Wala man sa akin ang mga ito...AKO pa rin ang pinaka-makapangyarihan...ngunit sa ngayon...na kay Emre pa ang aking kapangyarihan...makukuha ko lamang itong muli ng paunti-unti kapag nagawa ko ang kanyang mga ipinag-uutos...isa na dito ang magka-bati bati kayo..."Mahabang salaysayin ni Amihan.Inilahad naman ni Lira ang kanyang kamay tanda ng pakikipagkasundo o pakikipagbating muli sa kanila.Ngunit hindi ito tinanggap ng mga Sang'gre at ng Rama.
"Ako na nga ang nakikipag-bati ngunit AYAW niyo pa..."Naiiritang sambit ni Lira at handa na sanang bawiin ang kanyang kamay na nakalahad ng pigilan siya ng kanyang Yna.
"Mag-tiyaga ka,Anak..."Payo ng kanyang Yna na dahan-dahang binitawan ang kanyang kamay.Marahan naman siyang tumango at inilahad muli ng mabuti ang kanyang kamay.Ngunit sa pagkakataong ito ay tinanggap na ito ng kanyang mga Ashti tsaka siya nito niyakap.
"Poltre,Lira..."Bulong ng mga ito tsaka tuluyan ng bumalik sa kani-kanilang pwesto.Napatingin naman si Lira sa kanyang Amang lumuluha.Dahan-dahan siyang lumapit dito at niyakap ito ng pagka-higpit higpit.Isang YAKAP ng PAGMAMAHAL...
"El Correi Diu,Ado..."Kanyang bulong.
"El Correi Dei Diu,Lira..."Bulong na tugon naman ng kanyang Ama tsaka tuluyan ng kumalas sa yakap.Nakangiti man ay lumuluhang pinagmasdan ni Amihan ang kanyang mag-ama na nagkabati ng muli.
"Ashti-Ada...Poltre sa aking mga sinambit...nadala lamang ako..."Paghingi ng tawad sa kanya ni Mira.Kanya namang hinaplos ang pisnge ng batang sang'gre.
"Hindi mo kailangang humingi ng tawad,Mira...naiintindihan kita..."Sambit naman ni Amihan tsaka sila nagyakapan."Pangalagaan ninyo ni Lira ang inyong mga sarili...maging ang inyong mga sandata...bagamat hindi na gumagamit si Lira ng sandata ay....ingatan niyo pa rin sana ang mga ito...'pagkat may basbas ito ng ating bathala..."Paalala ni Amihan matapos nilang kumalas sa kanilang yakap.Nakangiti namang tumango si Mira tsaka niya hinalikan ang noo ng kanyang itinuturing nang anak tsaka ito nagtungo sa pwesto kung nasaan an kanyang Yna at mga Ashti."Ngayong nagka-bati bati na kayo...marahil panahon na upang ako'y bumalik ng muli sa Devas..."Sambit ni Amihan kung kaya't napatingin ang lahat sa kanya.
"Yna...saluhan mo muna kami...Tayo'y kumain..."Pagyayaya ni Lira.
"Hindi na,Lira...Malapit nang kumagat ang liwanag...kailangan ko ng bumalik muli..."Tugon naman ni Amihan na siyang ikinawala ng mga ngiti nila,lalo na si Lira.Marahan namang lumapit ang mga Sang'gre sa kanya at sila'y nagyakapan.
"Avisala Meiste,Apwe..."Pamamaalam ng mga Sang'gre bago tuluyang kumalas sa yakap.
"Maiwan na muna namin kayo..."Seryosong sambit ni Danaya tsaka nila nilisan ang balkonahe.Dahilan upang matira na lamang sina Lira,Ybrahim at Amihan.
"Yna...kailan ka po ba babalik?"Tumatangis na tanong ni Lira sa kanyang Yna na ngayon ay nakahawak sa kanyang pisnge.
"Kapag naibalik na sa akin ang aking mga kapangyarihan,Lira..."Sagot naman ni Amihan sa tanong ng kanyang Anak."Kaya sige na,Anak...sumunod ka na sa kanila..."Sugo naman nito sa anak.
"El Correi Diu,Yna...Mahal na Mahal ko po kayo..."Lumuluhang sambit ni Lira.
"El Correi Dei Diu,Lira...Mahal na Mahal na Mahal rin kita..."Tugon naman niya tsaka niya hinalikan ang noo ng kanyang anak.Pagkatapos nito ay nilisan na ni Lira ang balkonahe habang tumatangis.
"Amihan...Patawarin mo ako sa aking mga nagawa..."Paghingi ni Ybrahim ng tawad sa kanyang minamahal.
"Hindi mo kailangang humingi ng tawad,Ybrahim..."Sambit naman ni Amihan na lumapit sa kanyang minamahal.
"Isang tanong,Isang sagot Amihan...MAHAL MO PA BA AKO?"Sambit ni Ybrahim sa kanya.
"Oo,Ybrahim...Kailanman ay hindi nawala ang pagmamahal ko sa'yo..."Kanya namang tugon at kanilang marahang hinalikan ang isa't-isa.Isang HALIK na puno ng PAGMAMAHAL at PANGUNGULILA para sa kanilang dalawa."El Correi Diu,Rama...Avisala Meiste..."Dugtong pa niya at hinalikang muli ang kanyang minamahal bago tuluyang maglaho pabalik ng Devas.
"El Correi Dei Diu,Amihan..."Nakatingala niyang sambit habang lumuluha."Aantayin ko ang iyong pagbabalik,Mahal ko..."Dagdag pa niya at pinunasan ang kanyang mga luhang naglandas sa kanyang pisnge at tuluyan ng nilisan ang balkonahe.Nang marating niya ang bulwagan ay naabutan niyang patuloy pa rin sa pagtangis ang kanyang anak na inaalo ng kanyang pinsang si Mira.Lumapit naman siya dito at ipinaubaya naman sa kanya ni Mira si Lira.
"Magbalik na muna kayo sa Sapiro,Ybrahim...kailangan ninyo ng pahinga...magbalik na lamang kayo kung maayos na kayo..."Sambit ng Hara Alena.Marahan namang tumango si Ybrahim tsaka inakay ang anak na patuloy pa rin ang pagluha.
"Avisala Meiste,Mga Sang'gre...Hanggang sa muli..."Pamamaalam ng Rama ng Sapiro kasabay ng pagdagok niya sa kanyang kanang dibdib at pagyukod tanda ng paggalang tsaka na nila tuluyang nilisan ang bulwagan upang magbalik na sa kanilang tahanan---Ang Sapiro.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~A/N:Ano sa tingin ninyo?
Tanong sa Araw na ito:
Sa tingin ninyo...babalik pa bang muli si Amihan sa piling ng kanyang mga minamahal?
Comment & Votes!!!
BINABASA MO ANG
Minimithing Pagmamahal (SEASON 2 ON-HOLD)
FanfictionLahat ay ginawa niya ngunit hindi niya nakamit ang kanyang minimithing pagmamahal mula sa kaniyang mga mahal. . . . Ito ang sarili kong version ng kwento ng Encantadia,kakaiba ito sa mga nababasa ninyo. . . . Suportahan niyo sana ang aking pangalawa...