Hindi pa sumisikat ang araw ay gising na si Amihan at nakatanaw siya sa bintana ng kanyang silid habang hinahaplos ang sandata ng kanyang ama.
"Ang tanging alaala mo sa akin,Ama!Pangakong aalagaan ko ito hanggang sa aking makakaya."Sabi ni Amihan at hindi maiwasang mapaluha,nang biglang bumukas ang pinto ng silid ni Amihan at iniluwa nito sina Mine-a at ang iba pang sang'gre.
"Amihan?Bumalik nanaman ang iyong pagiging mailap!"Sabi ni Mine-a.
"Poltre."Tanging sambit ni Amihan sa kanila nang hindi tumitingin.
"Tayo na at mag-almusal!Saluhan mo kami!"Pag-aaya ni Mine-a.
"Nakakain na ako,Ada!Binigyan ako ng dama ng pagkain!Poltre kung...hindi ako makakasabay sa inyo!"Sabi ni Amihan.
"Bakit hindi ka makaharap sa amin?"Tanong ni Pirena.
"May problema ba,Amihan?"Tanong naman ni Alena at humarap sa kanila si Amihan.
"Ano't ika'y tumatangis?"Tanong ni Danaya at ipinakita ni Amihan ang kanyang sugat sa braso."May sugat ka!"Nag-aalalang sabi ni Danaya.
"San mo nakuha iyan?"Sabi ni Mine-a.
"Hindi ko rin batid!Imposible namang galing ito sa espada ni Ama pagkat hindi ko ito inaalis sa lagayan niya!"Sabi ni Amihan at ginamot na ni Mine-a ang sugat ni Amihan.
"Mag-iingat ka na lamang sa susunod!"Sabi ni Mine-a at binitawan na ang braso ni Amihan.Nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Aquil.
"Poltre,sa paggambala Ynang Reyna at mga Sang'gre!"Sabi ni Aquil at yumukod.
"Bakit?"Tanong ni Mine-a.
"May nahuli ang mga kawal na tatlong batang mandirigma sa labas ng Lireo!"Pag-uulat ni Aquil agad naman silang nagtungo sa Punong Bulwagan.Pagdating nila sa Punong Bulwagan ay naabutan nila ang mga batang mandirigma na nagpupumiglas.
"Ssheda!Bitawan niyo sila!"Utos ni Mine-a na agad namang ginawa ng mga kawal.Agad namang yumukod ang mga batang mandirigma.
"Magpakilala kayo!"Sabi ni Pirena.
"Ako si Pako!"Sabi ni Pako.
"Ako si Wantuk!"Sabi ni Wantuk.
"At ako si Ybarro!"Sabi naman ni Ybarro.
"Anong gingawa niyo sa labas ng Lireo?"Tanong ni Danaya.
"Nangangalap lamang po kami ng pagkain!Alam namin na mandirigma kami ngunit wala kaming intensyon na magnakaw!"Paliwanag ni Pako.
"May sinabi ba kami na may intensyon kayong magnakaw?"Natatawang sabi ni Alena.
"Nagpapaliwanag lamang baka kasi pagbintangan niyo kami!"Pangangatwiran ni Wantuk."Ngayong...nakapag-paliwanag na kami...maari ba naming malaman ang inyong mga ngalan?"Tanong ni Wantuk.
"Ako si Pirena ang panganay na anak ng Hara!"Pagpapakilala ni Pirena sa kanyang sarili.
"Ako si Danaya ang bunsong anak ng Hara!"Pagpapakilala ni Danaya sa sarili.
"At ako si Alena ang ikatlong anak ng Hara!"Pagpapakilala naman ni Alena sa sarili tsaka sila tumingin kay Amihan na kanina pa tahimik at walang imik.
"Apwe!Ipakilala mo na ang iyong sarili!"Sabi ni Pirena at tumango si Amihan.
"At ako si Amihan ang pangalawang anak ng Hara!"Pagpapakilala ni Amihan sa kanyang sarili.
"Mga dama!Samahan sila sa imbakan ng mga pagkain at bigyan sila ng pagkain at pagkatapos ay makakabalik na kayo sa inyong kuta!"Utos ni Mine-a.
"Avisala Eshma,Mahal na Hara!Avisala Meiste!"Sabay-sabay na sabi nila at yumukod tsaka umalis.
"Amihan?!Ano't wala kang imik kanina?"Tanong ni Mine-a.
"Huh?Ah...Poltre!"Sabi ni Amihan.
"May dinaramdam ka ba?"Tanong naman ni Alena.
"Wala."Simpleng sagot ni Amihan.
"Ngunit nakatitig ka sa isang batang mandirigma na nagngangalang YBARRO!"Nakangiting sabi ni Danaya.
"Masama bang titigan siya?"Seryosong tanong ni Amihan."Tingnan mo paglaki natin Danaya!Dalawang nilalang ay mali!Tatlong nilalang ang magkakagusto sa iyo!"Dugtong pa ni Amihan na ikinagulat nila.
"T-Tatlong nilalang?"Sabi ni Alena at tumango si Amihan.
"Grabe ka,Danaya!"Pang-aasar ni Amihan at tiningnan naman siya ni Danaya ng masama.
"Hindi 'yan mangyayare!"Sabi ni Danaya at tumawa sila.
"Gusto mo bang sabihin ko ang isa sa kanila?"Tumatawang sabi ni Amihan.
"Sabihin mo na,Amihan!"Sabi ni Pirena habang tumatawa.
"Naalala niyo ang isang batang mandirigma yung maliit?Hindi ba may kakayahan ako na kilalanin ang isang nilalang?"Sabi ni Amihan at tumango sila."Siya!Siya ang isa sa mga nagkakagusto sayo,Danaya!Si.....Wantuk!"Sabi ni Amihan at tumawa muli sila.
"Eh ikaw nga may iniibig na MORTAL!"Pagkasabi nun ni Danaya ay tumigil sila sa pagtawa.
"Ano kamo?Umiibig ka sa isang MORTAL,Amihan?"Tanong ni Mine-a at napayuko si Amihan.
"Ano ka ngayon,Amihan?"Pang-aasar ni Danaya at binigyan siya ni Amihan ng masama at nakakamatay na tingin tsaka tumakbo paalis ng bulwagan.
"AMIHAN!"Magkapanabay na sabi nina Alena at Pirena pero hindi sila pinansin ni Amihan,tsaka sila tumingin kay Mine-a at Danaya.
"Bakit mo sinabi?"Tanong ni Alena.
"Nang-aasar siya eh!At tsaka...totoo naman diba?"Sabi ni Danaya."At isa pa BAWAL tayong umibig sa isang MORTAL!"Dugtong pa ni Danaya.
"Oo nga't BAWAL tayong umibig sa isang MORTAL!Ngunit...masisisi mo ba siya?Hindi pa naman niya alam yun!"Pangangatwiran ni Pirena.
"Tama na!Bumalik na kayo sa inyong silid!"Utos ni Mine-a at umalis na sila sa bulwagan ngunit imbes na magtungo sila sa silid nila ay nagtungo sila sa silid ni Amihan.Ngunit pagpasok nila sa silid ni Amihan ay wala siya.
"Nasaan na si Amihan?"Tanong ni Alena at nagkibit-balikat nalang sila tsaka sila nagtungo sa hardin.Pagdating nila sa hardin ay naabutan nila si Amihan hinahaplos ang bawat bulaklak habang tumatangis.
"Sa bisa ng aking kapangyarihan panatilihing maganda at mayabong ang mga bulaklak dito sa hardin ano man ang mangyari!"Utos ni Amihan na sinunod naman ng kanyang kapangyarihan."Batid kong narito kayo!Alena,Danaya,Pirena!Magpakita na kayo!"Sabi ni Amihan at nagpakita na ang tatlong Sang'gre sa kanya.
"Amihan!"Sabi ni Danaya.
"Masaya ka na?"Tanong ni Amihan at pilit na ngumiti.
"Poltre!Hindi ko sinasadya!"Paghingi ng tawad ni Danaya.
"Bakit mo kasi seneryoso?Hindi naman kasi lahat ng pagkakataon seryoso ako!Nais ko lang naman na mapatawa kayo 'pagkat hindi ko nais makitang nalulungkot kayo!"Sabi ni Amihan at nagsimula nang tumulo ang kanyang mga luha.
"Amihan!Tama na!"Pag-aawat ni Pirena.
"Tama si Pirena,Amihan!Tama na!"Pagsang-ayon ni Alena.
"Ganyan naman lagi ang mga nilalang na nakilala ko eh!Pinagtutulungan ako!"Sabi ni Amihan.
"Amihan hindi ka namin pinagtutulungan!Inaawat lamang namin kayo!"Pangangatwiran ni Alena at tsaka naglakad si Amihan papasok pero bago siya makalagpas ay nakita niya ang isang hathor na sasaksakin ang kanyang mga Apwe kaya tinulak niya ang tatlo at siya ang nasaksak.Pagkatapos ay agad na umalis ang hathor at napaluhod si Amihan dahil sa saksak na natamo.
"Amihan!"Magkapanabay na sabi ng tatlong sang'gre at dinaluhan nila si Amihan na napahiga.
"Amihan lumaban ka!"Sabi ni Pirena na umiiyak at dumating si Aquil.
"Anong nangyare?!"Tanong ng Mashna at dinaluhan sila.
"Dalhin na natin siya sa silid!"Sabi ni Alena at binuhat ni Aquil ang walang malay na Amihan at nagtungo sila sa silid nito.Hala!Anong nangyare?!
Comment & Votes!!!!!
BINABASA MO ANG
Minimithing Pagmamahal (SEASON 2 ON-HOLD)
FanfictionLahat ay ginawa niya ngunit hindi niya nakamit ang kanyang minimithing pagmamahal mula sa kaniyang mga mahal. . . . Ito ang sarili kong version ng kwento ng Encantadia,kakaiba ito sa mga nababasa ninyo. . . . Suportahan niyo sana ang aking pangalawa...