Lumipas ang 3 Linggo.....
Sapiro.....
Lumipas ang 3 linggo,ito na ang araw na kokoronahan si Khalil bilang ganap na Rehav ng Sapirona magiging tagapagmana n kanyang Amang Hari balang araw.
"Yna!Kinakabahan ako!"Kinakabahang sabi ni Khalil kay Alena na inaayos ang kanyang kasuotan.
"Huwag kang kabahan,Anak!'Pagkat ilang sandali na lamang ay magiging ganap na Rehav ka na ng Sapiro!Mula sa diwan hanggang sa ganap na Rehav ng Sapiro!"Sabi ni Alena at niyakap niya ang kanyang anak.
"Pero...paano ka,Yna?Si Ama ay Rama ng Sapiro ako ay Rehav!Ikaw?"Tanong ni Khalil na ikinagulat niya."Ikaw po ba ang Madea ng Sapiro?"Tanong pa nito.
"Hindi ako ang Madea ng Sapiro!Dahil bago ako mahalin ng iyong Ama ay may hinirang silang diwani na makakatuwang niya!"Paliwanag ni Alena na ipinagtaka ni Khalil.
"Sino po iyon?"Takang tabong nito.Huminga naman ng malalim si Alena.
"Ang iyong Ashti Amihan!Nagmamahalan sila NOON ng iyong Ama,ngunit WALA nang pagmamahal ang iyong Ama sa kanya ngayon dahil TAYO na ang kanyang PAMILYA ngayon!At balang araw...magiging Madea din ako ng Sapiro!"Sabi ni Alena at tumango si Khalil tsaka sila nagtungo sa bulwagan.Punong Bulwagan.....
Pagdating ni Khalil sa punong bulwagan ay naglakad na siya patungo sa harap ng trono ng Sapiro.Habang siya ay naglalakad nagpapalakpakan ang mamamayan.
"Avisala!"Bati ni Khalil at yumukod.
"Bilang hara ng mga diwata at Encantadia!Ikaw Khalil ay aking inaatasan bilang isang ganap na na Rehav ng Sapiro!"Sabi ni Danaya at ipinatong ang sandata ni Ybrahim sa magkabilang balikat ni Khalil tsaka isinuot ni Ybrahim ang korona kay Khalil.Pagkatapos ay humarap si Khalil sa mga mamamayan.
"Pagmasdan ninyo!Ang bagong Rehav ng Sapiro!"Sigaw ni Ybrahim at nagpalakpakan ang mga mamamayan.
"Ivo live,Rehav Khalil!"Sigaw ni Muros na pinaulit-ulit din ng mga mamamayan maliban kay Aquil na tahimik lamang.
"Naging ganap na Rehav ka man,Ang Sang'gre Amihan pa rin ang magiging Madea ng Sapiro!"Sabi ni Aquil sa kanyang isip.Pagkatapos ay nagdiwang na ang mga mamamayan.Livea.....
Samantala pinagmamasdan naman ni Amihan ang mga nagaganap sa Sapiro.
"Magsaya lamang kayo!Wala naman akong dapat ipag-alala 'pagkat HINDI magiging Madea ng Sapiro si Alena!Kahit anong mangyari AKO pa rin ang Diwani ng Sapiro!"Sabi ni Amihan.Nang dumating sina Lira at Mira.
"Yna!Nabalitaan namin na naging ganap na Rehav ng ng Sapiro si Khalil!"Masayang sabi ni Mira.
"Oo,Eirene!Ngunit kulang pa sila!Wala pa ang kanilang Madea!"Sabi ni Amihan at nagkatinginan ang dalawa.
"Oo nga po!Pero...sino po ba ang diwani ng Sapiro dati?"Sabi naman ni Lira.
"Ako,Cassandra!"Sabi ni Amihan na ikinagulat ng dalawa."Batid kong nakakagulat ngunit totoo!Ako ang dating Diwani ng Sapiro!"Sabi muli ni Amihan.
"Kung kayo po ang diwani ng Sapiro...diba po dapat nandoon ka?"Tanong ni Mira.Hinawakan naman sila ni Amihan sa kanilang pisnge.
"Iba na kasi ngayon,Eirene!Ngunit kahit anong mangyari ako pa rin ang tunay na diwani ng Sapiro!'Pagkat kasabay ng paghirang kay Ybrahim bilang Rehav ng Sapiro ay hinirang din nila akong Diwani ng Sapiro 'pagkat nagmamahalan kami at kailangan niya ng makakatuwang!"Paliwanag ni Amihan at tumango sila.
"Pero diba po Yna ikaw na ang Hara ng Livea?"Tanong ni Lira at tumango si Amihan.
"Oo,Cassandra!At kayo?Kayo ang aking mga SUTIL na diwani!"Sabi ni Amihan at nagtawanan sila.
"Pareho lamang po tayo,Yna!Sutil ka rin noong bata ka pa!"Tumatawang sabi ni Mira.
"May pinagmanahan nga talaga kayo!Ngunit alam niyo ba kung kanino talaga kayo nagmana ng kasutilan?"Sabi ni Amihan at napatigil sila sa pagtawa.
"Sino po?!"Sabay na tanong ng dalawa.
"Ang inyong Ashti Diantha!"Sabi ni Amihan na ipinagtaka ng dalawa.
"Yna?Sino siya?Kapatid mo?"Sunod-sunod na tanong ni Lira.
"Oo,Cassandra!Kapatid ko siya!Noong mga bata pa kami siya ang pinaka-sutil!Palagi siyang napapagalitan ng aming Menantre sa tuwing nagsasanay kami noon!"Paliwanag ni Amihan at tumango sila.
"Huling katanungan na lamang po,Yna!Ilan po ba kayong magkakapatud at nasaan sila?"Tanong ni naman Mira.
"Apat kaming magkakapatid!Ang panganay ay si Amyntha,ang pangatlo ay si Eirene at ang pang-apat ay si Diantha!"Sabi ni Amihan at tumango sila."Sa aking kapatid ko rin nakuha ang iyong 'ngalan,Eirene!"Dagdag pa ni Amihan.
"Pero.....nasaan na po sila?"Tanong naman ni Lira.
"Mga bata pa lamang kami ay nahiwalay na ako sa kanila!Hindi kasi namin kasundo ang aming nakatatandang kapatid na si Amyntha!Kaya ako ay pinaalis sa aming tahanan!Ang aking mga kapatid na sina Eirene at Diantha ay nais sumama ngunit mas pinili kong ako nalang ang lumayo!"Pagkekwento ni Amihan at tumango sila tsaka sila nagyakapan.
"El Correi Diu,Ada!"Magkasabay na bulong ng dalawa.
"El Correi...Dei Diu,Aking mga anak!"Bulong naman ni Amihan.Sapiro.....
Habang nagsasaya ang lahat,nagtungo si Khalil at Ybrahim sa balkonahe ng Sapiro.
"Sana'y narito ang iyong Edea Lira!"Sabi ni Ybrahim at bumuntong hininga ng malalim.
"Oo nga po!Sana din po nandito si Edea Mira at Ashti Amihan!"Sabi naman ni Khalil at bumuntong hininga rin.
"Tama ka!Kung sana ay hindi ko sila trinaydor...kasama pa sana natin sila!"Sabi ni Ybrahim.
"Ama?Mahal mo pa po ba si Ashti Amihan?"Tanong ni Khalil na ikinagulat ng dalawa.
"Ano namang klaseng tanong iyan,Khalil?"Tanong ni Ybrahim.
"Sabi po kasi ni Yna nagmamahalan daw po kayo ni Ashti Amihan!Pero kami na daw po ang mahal niyo kasi kami na ang pamilya niyo!"Paliwanag ni Khalil.Umupo naman si Ybrahim ng sa ganoon ay magkasingtangkad na sila ni Khalil.
"Khalil?Ito ang tatandaan mo!MAHAL kita ano pa ang mangyari!MAHAL ko kayo ng iyong Edea Lira!"Sabi ni Ybrahim.
"Si Yna po?"Tanong ni Khalil.
"Aaminin ko...simula noong nawala ang iyong Ashti Amihan ang iyong Yna na ang naging sandalan ko.Umamin din siya na may pagtingin siya sa akin...pero nang mga panahon na iyon ay MAHAL ko parin ang iyong Ashti Amihan at hindi pa ako handa na magmahal muli!Ngunit wala akong nagawa 'pagkat ipinagkasundo ako ng Hara Danaya sa iyong Yna!At dahil siya ang Hara...Hindi ko siya maaaring suwayin!"Paliwanag ni Ybrahim.
"Minahal niyo po ba si Yna?"Tanog ni Khalil.
"Huwag ka sanang masasaktan,Khalil!"Sabi ni Ybrahim at tumango si Khalil."HINDI!'Pagkat hanggang ngayon...ang iyong Ashti Amihan pa rin ang nagmamay-ari ng aking Corra!"Sabi ulit ni Ybrahim at tumango si Khalil tsaka ngumiti ng pilit.
"Ayos lamang,Ama!Alam ko din naman po na MAHAL niyo pa si Ashti Amihan!Kasi noong pinagbigyan niya kayo na makasama sina Edea Lira at Edea Mira,niyakap mo siya!"Sabi ni Khalil na ikinagulat ni Ybrahim.
"Nandoon ka ng sandaling iyon?"Gulat na tanong ni Ybrahim at tumango si Khalil.
"Opo,Ama!Pero bumalik na rin po ako,pagbalik ko ako ay natalisod kaya ako ay nasugatan!Mabuti na nga lang po at dumating sina Edea Lira at Mira!Ginamot po ni Edea Lira ang aking sugat!"Paliwanag ni Khalil at nagyakapan sila.Hindi nila batid...narinig ni Alena ang lahat ng sinabi nila.Ano ang gagawin ni Alena?
Magkakabalikan pa ba sina Amihan at Ybrahim?
Magiging buo na ba silang magkakapatid?
Maibabalik na ba ang mga alaala ng mga diwani?
Tunay na AMA ni Khalil?Comment & Votes!!!
BINABASA MO ANG
Minimithing Pagmamahal (SEASON 2 ON-HOLD)
FanfictionLahat ay ginawa niya ngunit hindi niya nakamit ang kanyang minimithing pagmamahal mula sa kaniyang mga mahal. . . . Ito ang sarili kong version ng kwento ng Encantadia,kakaiba ito sa mga nababasa ninyo. . . . Suportahan niyo sana ang aking pangalawa...