Kabanata XII

527 11 2
                                    

Continuously...

"Avisala!"Binigyan ni Wahid ng isang nakakalokong ngiti si Lira na ginantihan naman ni Lira nang pag-irap.
"H-Hindi ba't...ikaw ang nilalang na aking nakita noong ako ay nagtungo sa isang bahagi nang kagubatan ilang taon lamang ang nakakalipas...tama ba?"Naka-kunot noong sambit ni Lira.
"Ako nga...at AKO rin ang nagligtas sa iyo..."Sambit ni Wahid.
"Kung ganoon...Avisala Eshma sa iyong pagliligtas sa akin..."Pilot na ngumiti si Lira at tsaka nilisan na ang silid pam-panauhin upang magbalik na sa kanilang silid sa sentrong tore.
.
.
.
.
.
Lumipas ang mga araw...natupad nga ang hiling ni Amihan...ngayon ay isa nang ganap na paslit ang kanyang si Ayel.

"Mayka...tinakasan ka bang muli ni Ayel sa inyong pagsasanay?"Natatawang tanong ni Amihan...hindi na kasi bago sa kanya ang mga pangyayaring ganito.
"Hindi ka nagkakamali,Hara..."Napapa-iling na tugon ni Mayka.
"Ayel..."Pagtawag ni Amihan.Agad namang tumakbo papalapit sa kanya ang kanyang munting rehav."Mag-paalam ka na sa iyong guro...magpapahinga na tayo..."Nakangiting utos ni Amihan.
"Paalam,Menantre Mayka...hanggang sa muli nating pagkikita..."Nakangiting pagpa-paalam naman ni Ayel at yumukod na si Mayka tanda ng kanyang paggalang.
"Ayel...hindi ko na nais pang tatakasan mo ang iyong menantre Mayka sa inyong susunod na pagsasanay...maliwanag ba?"Pagpa-paalala ni Amihan sa kanyang si Ayel.
"Poltre,Yna..."Paghingi ng tawad ni Ayel habang nakayuko.Niyakap naman siya ni Amihan."Yna...isa na akong paslit...ngunit hanggang ngayon ay hindi ko pa rin po nalalaman kung sino ang aking Ama..."Biglang sambit ni Ayel kung kaya't napatingin sa kanya si Amihan.
"Ayel...hindi ba't napag-usapan na natin ang bagay na ito?"Sambit na lamang ni Amihan kung kaya't napahinga na lamang rin ng malalim si Ayel.
"Naiingit lamang ako sa mga paslit na aking nakikita at natatanaw sa labas ng ating palasyo...buo ang kanilang pamilya...mayroon silang Ama at Yna...Samantalang ako...hindi ko alam kung sino ang aking Ama...ni makalabas ng Livea ay hindi ko magawa..."Pagtatampo ni Ayel,agad naman siyang niyakap nang mahigpit ni Amihan.
"Poltre,Ayel...Poltre,aking anak..."Kanyang bulong na kasabay nito ay ang tuluyang pagpatak ng kanyang mga luha.Hindi naglaon ay tuluyan nang nakahimbing si Ayel,marahan siyang inihiga nang maayos ni Amihan sa kanilang kama.
.
.
.
.
.
"Mahal na Reyna...mayroon kayong mga panauhin..."Nakangiting bungad ni Mayka at nagbigay saan sa tatlong Sang'gre.
"Alena...Danaya...Pirena..."Nakangiting sambit ni Amihan at niyakap ang kanyang mga Apwe."Mabuti naman at napadalaw kayo..."Dagdag pa niya.
"Nais ka naming kamustahin at may isa pa kaming nais ikahingi nang tulong sa iyo..."Tugon naman ni Pirena.
"Maayos lamang kami dito sa Livea...at...tungkol sa nangyari sa kuta ng mga barbaro ang nais ninyong itanong,Hindi ba?"Si Amihan.
"Oo,Amihan...'pagkat nagtungo ang Ilang sa kanilang mga nakaligtas sa Lireo upang makahingi ng tulong sa ating mga Diwata..."Tugon naman ni Alena.Sandaling pumikit si Amihan at dumilat rin.
"Hindi ko mawari ngunit...hindi sila basta-bastang pang-karaniwang engkantado lamang,Alena...ang kanilang pinuno ay mayroon ring kapangyarihan..."Matalinhagang sambit ni Amihan.Nagkatinginan naman ang mga Sang'gre.
"Hindi mo man nasagot nang eksakto ang aming tanong ay Avisala Eshma pa rin sa iyo...'pagkat kahit pa paano ay nagkaroon kami ng idea..."Pagpapasalamat ni Alena.
"Yna..."Biglang sulpot nang bagong gising na si Ayel kung kaya't napatingin ang lahat sa kanya.
"Ayel...anak...halika..."Pag-aya ni Amihan at lumapit naman ito sa kanya(Ayel).
"A-Amihan...siya na ba?"Hindi makapaniwalang tanong ni Pirena nang buhatin ni Amihan si Ayel.
"Oo...siya si Ayel...Ayel...nais kong makilala mo ang iyong mga Ashti..."Nakangiting sambit ni Amihan.
"Avisala,Ayel...aming hadia...ako ang iyong Ashti Danaya..."Pagbati ni Danaya.
"Ako ang iyong Ashti Pirena..."Pagpapakilala ni Pirena.
"At ako naman ang iyong Ashti-Hara Alena..."Pagpapakilala naman ni Alena.
"Avisala..."Nakangiting pagbati naman ni Ayel.
"Ayel...magtungo ka muna sa ating Hardin...antayin mo ako roon..."Utos ni Amihan habang marahang ibinaba si Ayel."Kawal..."Kanyang pagtawag at sinamahan naman ng mga kawal si Ayel.
"I-Isa na siyang paslit?"Hindi makapaniwalang sambit ni Danaya.
"Sapgkat binigyan ko siya ng basbas nang sa ganoon ay mula sa pagiging isang arksha ay maging ganap na siyang paslit na mayroong wastong pag-iisp..."Paliwanag ni Amihan.
"Kay kisig niyang tingnan...kuhang-kuha niya ang repleka ni Ybrahim..."Nakangiting pagpuri naman ni Alena na ikinayuko ni Amihan..."Poltre,Ideya...hindi ko sinasadya..."Paghinging paumanhin ni Alena.
"Amihan...alam mo na ba ang naganap sa iyong panganay na si Lira?"Pag-iiba ni Pirena lung kaya't napatingin naman sa kanya si Amihan.
"Oo..."Maikling sagot ni Amihan at napatango na lamang sila.
"Mauuna na kami,Ideya...muli...Avisala Eshma..."Pagpa-paalam ni Alena at niyakap ang isa't-isa...tsaka sila tuluyang naglahong tatlo.Kasabay naman n'un ay ang pagdating ni Ayel galing sa hardin.
"Yna...bakit po ang tagal ninyo?at...nasaan sina Ashti?"Tanong ni Ayel,napangiti naman si Amihan.
"Bumalik na sila sa Lireo,anak...kung saan naroon ang kanilang mga anak at minamahal..."Tugon ni Amihan.
"Hindi rin malabong naroon si Ama!"Nabuhayang sambit ni Ayel."Yna nais ko pong magtungo sa Lireo..."Dagdag pa niya.
"Hindi maaari,Ayel...isa pa...wala roon ang iyong Ama..."Pagsalungat ni Amihan sa gusto ng kanyang anak.Napayuko na lamang si Ayel...ang tanging nais lang naman niya ay ang makilala ang kanyang Ama...kahit pangalan lang nito ay sapat na para sa kanya...
.
.
.
.
.
Sa pamamagitan ng kakayahang mag-evictus ni Lira ay madali silang nakarating sa Sapiro.

"Lira...kailangan nga pala nating magbalik sa Lireo kinabukasan...may pagpupulong kasing magaganap at kinakailangang naroroon tayo..."Sambit ni Ybrahim.
"Hindi ba maaaring dito na lamang ako,Ama?"Tanong ni Lira.
"Lira..."May tonong sambit ni Ybrahim kaya't napahinga na lamang nang malalim ang batang Sang'gre.
"Mahal na Rama...mayroon kaming nahuling nagmamanman sa ating kaharian..."Ulat nang bagong dating na kanyang Mashna Deng si Alira Naswen.Inilabas naman ng mga kasamahan niyang kawal ang kanilang nabihag.
"Ssheda...pakawalan niyo siya...kilala ko siya..."Utos ng Rama na agad namang sinunod ng mga kawal."Arianna ang iyong 'ngalan hindi ba?"Tanong niya sa engkantada habang tinutulungan itong tumayo.
"Ako nga Rama...naglalakbay lamang kami pabalik ng aking mga kasamahan mula sa pangangalap ng mga karagdagang kagamitan at pagkain nang mahiwalay ako sa kanila at napadpad sa harap ng iyong palasyo..."Mahabang salaysayin ni Arianna.
"Sige na...maaari ka nang bumalik muli sa iyong pinanggalingan..."Sambit ni Ybrahim.Tumango naman si Arianna at yumukod bago tuluyang lisanin ang bulwagan.Napatingin naman si Ybrahim sa kanyang si Lira na nakapanga-lumbaba at tila malalim ang iniisp."Lira..."Kanyang pag-agaw sa atensyon nito.Napatingin naman si Lira sa kanya.
"P-Poltre,Ama...maaari bang lumabas muna ako panandalian upang lumanghap ng sariwang hangin?"Pagbalik sa ulirat ni Lira.
"Basta't mag-iingat ka...hindi ko nanaising may mangyaring muli sa iyo na masama..."Paalala ni Ybrahim at tanging tango lamang ang isinagot ni Lira at naglaho na.
.
.
.
.
.
Sa isang karatig nang kagubatan nagtungo si Lira...

"Avisala,Livea..."Nakangiti niyang Pagbati at inilibot ang paningin sa kagubatan.Napansin naman niya na tila may nilalang na parating..."Sino ka!?Magpakita ka!"Kanyang sigaw at Ilang sandali pa ay nagpakita na ang nilalang...na isang...lalaki at...tumatangis...
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
A/N:Sino sa tingin ninyo ang nakita ni Lira?

Comments and Votes!!!

Minimithing Pagmamahal (SEASON 2 ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon