😭Epilogue😭

1K 24 8
                                    

Lumipas ang mga araw,Ngayon na kokoronahan si Alena bilang bagong Hara.Hindi lamang sa Lireo kundi maging sa buong Encantadia.

"Alena...Handa ka na ba?"Tanong ni Amihan.
"O-Oo!Handa na ako..."Sagot ni Alena.
"Nais kong humingi ng 'TAWAD at nais rin kitang BATIIN..."Sambit ni Amihan.
"TAWAD?"Takang tanong ni Alena.Ngumiti naman ng pilit si Amihan at hinawakan ang kamay ni Alena.
"Para sa pang-aagaw ko sa iyo kay Ybrahim..."Sagot ni Amihan.
"Tila AKO nga yata ang dapat magsabi sa iyo n'yan,Amihan...AKO ang NANG-AGAW at HINDI IKAW..."Medyo natatawang sambit ni Alena.
"Para patas...PAREHO na lamang tayo..."Sambit ni Amihan at nagtawanan silang dalawa.
"Amihan...Salamat nga pala sa pagpapatawad mo sa akin...At kung hindi rin dahil sa'yo ay hindi ko pa masasabi ang katotohanan ukol sa TUNAY na AMA ni Kahlil..."Pagpapasalamat ni Alena.
"Wala iyon,Alena...Lahat ng nilalang ay mayroong karapatang PATAWARIN at MAGPATAWAD..."Sambit ni Amihan at nagyakapan sila.Sa ganoong sitwasyon sila naabutan ng kanilang mga kapatid kasama sina Ybrahim,Memfes,Aquil at Kahlil.
"Malapit nang magsimula ang seremonya..."Nakangiting sambit ni Danaya na dahilan upang kumalas sa yakap ang dalawa at humarap sa kanila.
"Memfes...Kahlil...Kayo na ang maghatid sa kanya patungo  sa trono...maglalakad kayo na para bang...mag-iisang dibdib kayo..."Nakangiting sambit ni Pirena.Napayuko naman si Alena 'pagkat alam niyang pinamulahan niya ang sinabi ni Pirena.
"Ahm...maaari bang iwan niyo muna kaming magkakapatid?"Hiling ni Amihan na sinunod naman ng mga kalalakihan.

"Bakit mo sila pinaalis?"Tanong ni Alena na sinang-ayunan nama ng iba pa nilang mga kapatid.
"Nais ko lamang kayong Ma-SOLO sa huling pagkakataon..."Sagot ni Amihan na ikinakunot ng noo ng kanyang mga Apwe.
"MA-SOLO SA HULING PAGKAKATAON?"Takang tanong ng kanyang mga kapatid.
"Oo...maaaring pagkatapos mag-isang dibdib ang Hara at Mashna...kasabay ng pagbabalik ng mga alaala ng mga diwani ay ang aking paglisan..."Sabi ni Amihan.Halo-halo naman ang nararamdaman ng kanyang mga Apwe.NatuTUWA sila 'pagkat babalik na ang mga alaala ng mga diwani at ang pag-iisang dibdib nina Danaya at Aquil...Ngunit kasabay rin n'un ay LUNGKOT 'pagkat lilisan ang kanilang Apwe.
"Amihan 'ayan ka na naman...paglisan,paglisan na naman..."Sabi ni Danaya at lumapit kay Amihan.
"HINDI ako NAGBIBIRO..."Seryosong sambit ni Amihan.
"Sige...ipalagay natin na TOTOO nga ang iyong sinasabi...ngunit...paano si Lira?"Sambit ni Pirena."Maging si...Mira..."Dugtong pa niya.
"Huwag kayong mag-alala...sa oras na magbalik ang kanilang mga alaala...IBANG LIRA at MIRA na ang inyong gigisnan...Hindi na sila ang dating sila na...SUTIL..."Nakangiting sambit ni Amihan.
"Ngunit paano nga si Lira?Matagal s'yang nanabik sa iyo,Amihan..."Pagmamatigas ni Pirena.
"Malalaman niyo 'yan...sa oras na itanong niyo sa kanila ang aking pangalan pagkatapos kong lumisan..."Sagot ni Amihan.Naguguluhan man ay tumango na lamang ang kanyang mga kapatid.Hanggang sa tumunog na ang dambana ng Lireo.
"Tumunog na ang dambana!"Nakangiting sambit ni Danaya tsaka sila nagtungo sa bulwagan.

Punong Bulwagan.....

Marahang naglakad sina Alena at Memfes patungo sa trono.Pagdating nila sa hangganan nito ay sinalubong sila ni Kahlil,ipinaubaya naman ni Memfes si Alena kay Kahlil na ihinatid ang kanyang Yna sa trono at tsaka bumalik sa pwesto.Kinuha naman ni Danaya ang kanyang sandata at ipinatong ito sa magkabilang balikat ni Alena.Pagkatapos ay ipinaubaya niya ang kanyang sandata sa isang dama.

"Sa bisa ng kapangyarihan at karapatan bilang isang Hara...Ikaw SANG'GRE Alena ay aking itinatalaga na...hindi bilang aking kahalili...ngunit bilang bagong HARA...hindi lamang ng Lireo...kundi HARA ng BUONG ENCANTADIA..."Sambit ni Danaya.Nagbigay daan naman siya upang paupuin si Alena sa trono.Nang makaupo na si Alena sa trono ay marahan niyang kinuha ang korona at marahan ding ipinutong ito sa ulo ni Alena habang nakangiti.Matapos niyang gawin iyon ay inilahad niya ang kanyang kamay na tinanggap naman ni Alena tsaka niya ito hinayaang maglakad patungo sa harap ng mga mamamayang saksi sa pagiging Hara ni Alena.
"HASNE IVO LIVE,HARA ALENA!"Sigaw ni Aquil.
"HASNE IVO LIVE!"Sigaw naman ng mga mamamayan at tsaka sila nagpalakpakan.Nakangiting nakatingin naman sa kanila si Alena.Ang mga Sang'gre naman ay lumapit sa kanya at niyakap nila ang isa't-isa.Tila nakaramdam naman ng paninikip ng dibdib si Amihan matapos nilang kumalas sa yakap,na siyang napansin naman ng kanyang mga Apwe.
"Amihan...Ayos ka lang?"Nag-aalalang tanong ni Pirena.Pilit namang ngumiti si Amihan at marahang tumango.
"O-Oo...Marahil napagod lamang ako...'wag niyo na ako pansinin...sige na...magpatuloy na tayo sa kasiyahan..."Sambit ni Amihan at pilit na ngumiting muli.Tumango na lamang ang kanyang mga kapatid."Danaya...'wag mo sanang mamasamain ang aking tanong...naabutan ko kasi kayo ni Aquil sa balkonahe kagabi...Naabutan ko siya na nakaluhod sa iyong harapan...SINAGOT MO NA BA SIYA NG 'OO'?"Sambit ni Amihan.Nagkatinginan naman ang kanyang mga kapatid.
"OO!Mamaya na mismo gaganapin ang aming pag-iisang dibdib sa may tabing-dagat..."Nakangiting sagot ni Danaya.Natuwa naman ang kanyang mga kapatid sa kanyang sinambit habang si Amihan ay walang emosyon na ipinakita ng sambitin ni Danaya ang salitang 'TABING-DAGAT'...Tila natigil ang kanyang mundo at bumalik sa kanyang isipan ang mga naganap noon.
"Amihan?!Amihan?!Ayos ka lang ba?Kanina pa kami nagsasalita ngunit tila 'di ka naman nakikinig..."Sambit ni Alena.Bigla namang bumalik ang ulirat ni Amihan.
"P-Poltre...May naalala lamang ako..."Sagot ni Amihan.Nagkatinginan naman ang kanyang mga Kapatid.
"Ano naman iyon?"Pag-uusisa ni Danaya.
"Tungkol sa tabing-dagat...(Tsk)naalala ko lamang na DOON ako NAPASLANG..."Nakangising sagot ni Amihan.Muli ay nagakatinginan ang kanyang mga kapatid.Ngunit ang ipinagtaka ng mga Sang'gre ay wala na si Amihan nang sila ay lumingon dito.Nilibot nila ang kanilang mga paningin sa buong bulwagan ngunit hindi nila mahagilap si Amihan.
"Mga Sang'gre!May problema ba?"Tanong ni Ybrahim."Bakit tila wala yata dito si Amihan?"Dagdag pa niya.
"Iyon nga ang ipinagtataka namin...bigla na lamang siyang nawala na parang...BULA!"Sagot ni Alena.
"Hah?!Ano bang nangyari?!"Natatarantang tanong ni Ybrahim.Isinalaysay naman nila kung ano ang naganap."TABING DAGAT?!"Wika ni Ybrahim at tumango sila.
"Wala ka bang ideya kung saan siya maaaring magtungo?"Tanong ni Pirena,umaasa na OO ang isasagot ni Ybrahim ngunit nagkamali siya 'pagkat umiling si Ybrahim.Nang biglang lumitaw sa kanilang harapan si Amihan na nakangiti.
"AMIHAN!SAAN KA NANGGALING?!PINAG-ALALA MO KAMI!"Sambit ni Alena.
"Saan ako galing?Sa TABING DAGAT!SETTLED na ang lahat para sa inyong WEDDING,Hara Durie Danaya!"Nakangiting sambit ni Amihan nagkatinginan naman ang kanyang mga kapatid at si Ybrahim bago tumingin muli sa kanya."HEP!Alam ko na ang sasabihin niyo!SAULADO ko na 'yan!Tama na...Basta...AYOS na ang lahat para sa pag-iisang dibdib ng Hara Durie at Mashna..."Dagdag pa ni Amihan.Nakasimangot naman na tumingin sa kanya ang kanyang mga kapatid.Habang si Ybrahim ay bumalik muna sa kanyang pwesto na napapa-iling.
"Doon ka nanggaling?"Tanong ni Danaya at nakangiting tumango si Amihan.
"Wala man lang 'SALAMAT'?"Nakasimangot na tanong ni Amihan.
"Bakit naman kami magpapasalamat?"Mataray ma tanong ni Pirena."Gayong wala nga kaming naintindihan sa iyong sinambit..."Dagdag pa niya.
"Haayy...'Wag na..."Sambit ni Amihan na nakasimagot pa rin."Di man lang nila na-appriciate ang ginawa ko para sa kasal...bahala sila...wala ako do'n mamaya..."Bulong ni Amihan.
"Ano 'yon,Amihan?"Tanong ni Danaya,tanging iling lamang ang sagot ni Amihan.Lumapit naman sa kanila ang dalawang diwani.
"Sang'gre Alena!Este...HARA Alena...Binabati ka namin!Masaya ako para sa iyo!"Nakangiting pagbati ni Lira.
"Ganoon din ako!"Nakangiting pagbati naman ni Mira.
"Li--Cassandra...Eirene...Ashti na lamang..."Nakangiting sambit ni Alena.
"Huh?!Bakit po?Hindi naman po kami taga-dito...sa totoo nga n'yan...nakipagkasundo lang si Yna...hindi kami nararapat dito...at isa pa...WALA tayong ugnayan..."Sambit ni Lira.Napangiti naman ng mapait ang mga Sang'gre dahil sa tinuran ng kanilang hadia.
"Kahit na...Isa pa...dahil dito na kayo naninirahan...nabibilang na kayo sa amin!Kahit rin...WALA tayong ugnayan...Ashti na ang itawag ninyo sa amin..."Mapait na napangiti si Pirena ng sambitin niya ang mga salitang iyon.Labag man sa kanyang kalooban at kahit na masakit na ay kanyang titiisin,makasama lamang ang kanyang anak at hadia.
"Kung iyan ang inyong nais..."Sambit ni Mira.Tsaka nila ibinaling ang kanilang tingin kay Amihan na nakatanaw sa mga mamamayan na nagsasaya."Bakit tila...wala sa sarili si Yna?"Tanong naman niya(Mira).
"Hayaan niyo muna siya..."Sambit na lamang ni Danaya at tumango na lamang din sila kahit na nais pa nilang usisain ang naganap ay mas pinili nilang itikom na lamang ang kanilang mga bibig.
"Sige na...Lira,Mira...Maghanda na kayo para mamaya sa pag-iisang dibdib ng Hara Durie at Mashna..."Mahinahong utos ni Alena.
"Masusunod..."Magkapanabay nilang sambit tsaka nila nilisan ang bulwagan.Sinundan lamang sila ng tingin ng mga Sang'gre.
"Ehem..."Magkakapanabay na sambit nina Ybrahim,Memfes at Aquil.
"B-Bakit?"Tanong nila.
"Maaari ba namin kayong maisayaw?"Nakangiting tanong ni Ybrahim habang nakalahad ang kanyang kamay kay Amihan.Nakangiti ring inilahad ng mga Sang'gre ang kanilang mga kamay maliban kay Pirena.
"Ikaw,Edea?"Tanong ni Amihan.
"Hindi ako mahilig sa mga ganyan..."Naiiritang sagot ni Pirena.Luminga-linga naman si Amihan at nakita niya si Azullan na titig na titig kay Pirena.
"Sandali lamang..."Sambit niya tsaka bumaba ng trono at nagtungo sa pwesto ni Azullan.Nang makarating siya doon ay gulat na napatingin sa kanya ang mga punjbawe."Sandali!Wala naman akong gagawing masama..."Sambit niya sa mga ito.
"Kung ganoon...anong kailangan mo?"Tanong ni Manik.
"SIYA!"Sagot niya at itinuro si Azullan.
"Anong kailangan mo sa akin?"Tanong ni Azullan sa kanya.
"Nais mo bang makasayaw ang aking Edea?"Tanong ni Amihan.
"Sa tingin mo ba...papayag siya na makasayaw ako?"Tanong muli ni Azullan.
"Huwag kang mag-alala...ako ang bahala..."Nakangiting sambit ni Amihan tsaka niya ibinaling ang kanyang tingin sa mga kasamahang punjabwe ni Azullan."Maaari ko bang mahiram ang punjabweng ito?"Tanong niya at tumango na lamang ang mga punjabwe.Maliban kay Ariana na titig na titig naman kay Ybrahim.
"Ariana!Tinatanong ka!"Sigaw ni Azullan.Nagbalik naman ang ulirat ni Ariana at bumaling na sa kanila.
"B-Bakit?"Tanong niya.
"Maaari ko bang mahiram ang iyong,Adto?"Tanong ni Amihan at tanging tango lang ang sagot ni Ariana tsaka niya hinila si Azullan patungo sa hangganan ng trono kung saan naroon din ang kanyang mga kapatid.
"Amihan?!Ano't ka'y tagal mo?!Isa pa...Sino siya?!"Sunod-sunod na tanong ni Pirena sa kanya.
"Chill Edea!Siya si AZULLAN!Ang pangalawa sa pinuno ng mga punjbawe!May nais siyang sabihin sa iyo..."Sambit ni Amihan at nagbigay daan kay Azullan na lumapit naman kay Pirena.
"Maaari ko bang makasayaw ang Hara ng Hathoria at Sang'gre Pirena ng Lireo?"Tanong ni Azullan at inilahad ang kanyang kamay kay Pirena.Ang kanilang mga katabi ay naghihintay ng sagot,maging si Azullan ay ganoon din,umaasa na OO o 'di kaya ay MAAARI ang isasagot ng Sang'gre ng Apoy.Tila nainip naman si Amihan dahil sa tagal ng sagot ni Pirena kung kaya't palihim niyang ginamit ang kanyang kapangyarihan at kinontrol ang isipan ni Pirena.
"Oo naman!Maaari!"Sagot ni Pirena.Napangiti naman sila dahil sa sagot ni Pirena.Nagtungo na sila sa gitna at nagsimula nang tumugtog ang musika kung kaya't nagsimula na rin silang magsayaw.Sa pwesto nila Amihan at Ybrahim ay nakangiti sila sa isa't isa ngunit sa kaloob-looban ni Amihan ay nagagalit siya sa kanyang sarili dahil pinangunahan niya ang desisyon ng kanyang Edea.Samantala habang nagsasayaw naman sina Pirena at Azullan ay may kung anong gumugulo kay Pirena.Tila napwersa siya sa pagsagot ng OO kay Azullan ng alukin siya nitong maisayaw ngunit ipinasintabi niya muna ito.Sa pwesto naman nina Danaya at Aquil ay labis labis ang mga ngiti sa kanilang mga wangis.Habang sina Alena at Memfes naman ay ganoon din...ngunit sa kaloob-looban rin ni Memfes ay halo halo ang kanyang nararamdaman.Natutuwa siya 'pagkat may bago ng Hara ang mga diwata ngunit kasabay ng kanyang tuwa ay ang lungkot 'pagkat alam niya na kailanman ay hindi niya na maaangkin ang diwatang matagal na niyang itinatangi,sapul pa ng una silang magkita.Makaraan ang ilang sandali ay natapos na ang musika kung kaya't bumalik na sila sa kani-kanilang mga pwesto.Habang bumabalik si Azullan sa kanilang pwesto ay 'di niya maitago ang kanyang galak 'pagkat sa wakas,nakasayaw niya na rin ang kanyang itinatanging Hara ng Hathoria at Panganay na Sang'gre ng Lireo.Nang makabalik na siya sa tabi ni Ariana ay nakita niya kung paano nadismaya ang kanyang nakababatang kapatid sa matatamis na titig at ngiti sa isa't-isa nina Amihan at Ybrahim.
"Ariana,Magtapat ka nga sa akin!May pagtingin ka ba sa Rama ng Sapiro?"Diretsuhang tanong ni Azullan.Hindi naman makasagot si Ariana sa tanong ng kanyang Adto."Totoo ba?"Pag-uulit niya.
"Poltre,Adto...Ngunit...OO!"Sagot ni Ariana.
"Ngunit Ariana may iniibig na ang Rama!At iyan ay ang Sang'gre Amihan!"Sabi ni Azullan.
"Bakit tila naniniwala ka na sa kanya?!Hindi ba't sinabi mo na kailanman ay hindi ka maniniwala na SIYA nga ang ikalawang Sang'gre?!"Tanong ni Ariana na may halong pagtataas ng boses.
"Batid ko ngunit napatunayan na ito sa akin ng tungkod ng pinuno ng mga Adamyan na si Imaw!Hiniling ko na kung maaari ay makita ko ang nakaraan ng ikalawang Sang'gre at TOTOO ang kanilang mga sinasabi!"Paliwanag ni Azullan.
"Ngunit anong magagawa ko,Adto?!MAHAL ko siya!Simula pa lamang ng magtungo siya sa ating tribo!"Sambit ni Ariana.
"Wala kang pag-asa sa kanya,Ariana...Lalo't ang kanyang puso ay nasa Sang'gre ng Hangin na at sa kanilang anak..."Sabi ni Azullan ma ikinakunot ng noo ni Ariana
"ANAK?Mayroon silang Anak?"Tanong ni Ariana at tumango si Azullan.
"Poltre...ngunit wala na tayong magagawa..."Malungkot na turan ni Azullan.
"Ngunit SINO ang kanilang anak?"Tanong muli ni Ariana.
"Ang diwatang kausap kanina ng bagong Hara at malaki ang ngiti sa kanyang Wangis...'yun ang kanilang anak...Ang Diwani Lira..."Sagot ni Azullan at napatango na lamang si Ariana at mapait na napangiti.Hanggang sa lumapit sa kanila sina Amihan at Ybrahim."Anong maipaglilingkod namin sa inyo mga Kamahalan?"Tanong ni Azullan.
"Nais ko lamang magpasalamat 'pagkat muli mong napangiti ang aking Edea...kahit ngumingiti siya ay naibalik mo pa rin ang TUNAY at kinagisnan kong ngiti sa kanyang Wangis...kaya muli...Avisala Eshma..."Pagpapasalamat ni Amihan.
"Walang anuman,Mahal na Sang'gre!"Sagot naman ni Azullan at binigyan ng isang ngiti si Amihan na sinuklian din naman nito.
"Sa susunod na magkita kayo...UMAMIN ka na sa kanya!Makikita mo...magkakatotoo ang iyong hiling!"Sabi ni Amihan na ikinakunot naman ng noo ni Azullan."Sa takdang panahon ay malalaman mo kung ano ang aking ibig sabihin..."Dagdag pa ni Amihan at tumango na lamang si Azullan.
"Anong 'ngalan ng enkantadang iyong katabi?"Tanong ni Ybrahim.
"Siya ang aking nakababatang kapatid,Rama...Siya si ARIANA..."Pagpapakilala ni Azullan kay Ariana.
"Avisala!"Pagbati ni Ariana at nginitian si Ybrahim na ngumiti rin pabalik,Na siyang hindi nakaligtas sa paningin ni Amihan.Magsasalita na sana siya ng lumapit sa kanya sina Lira at Mira.
"YNA!"Pagtawag ng dalawa at agad na lumapit sa kanya.
"Mag-uusap lamang kami...Ybrahim...nais mo bang sumama?"Sabi ni Amihan.
"Susunod ako...Mag-iingat kayo...Magkita na lamang tayo sa paborito nating lugar...Cassandra...Eirene...'wag niyong pababayaan ang aking AMIHAN..."Sagot at bilin ni Ybrahim.
"Masusunod,Ama..."Nakangiting tugon ng dalawa at nilisan na nila ang bulwagan.
"Rama...'Wag mo sanang mamasamain ang aking tanong ngunit...ang sabi nila ay iisa lamang ang inyong anak ng Sang'gre Amihan...ngunit bakit dalawa sila?"Takang tanong ni Azullan.
"Mahabang salaysayin..."Nakangiting sagot ni Ybrahim at tumango na lang si Azullan tsaka niya nilisan ang bulwagan at sumunod sa tatlo(Amihan,Lira,Mira).

Minimithing Pagmamahal (SEASON 2 ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon