Kabanata XIV

613 13 0
                                    

Continuously...

Nagbalik na si Amihan sa Punong Bulwagan mula sa Azotea.

"Amihan..."Pagsalubong sa kanya ng kanyang mga kapatid.
"Huwag muna ngayon...hindi pa ako handa..."Sambit niya at napatango nalang ang tatlong Sang'gre at hinayaan siyang nagtungo sa kanyang mga anak.Una niyang nilapitan si Ayel at lumuhod upang magkasing-tangkad sila nito.
"Ayel,anak...pansamantala ka munang mananatili dito kasama ang iyong Idea Lira ang iyong mga Ashti at iyong Ama...susunduin na lamang kita kapag kaya ko na..."Bilin niya sa kanyang si Ayel at hinalikan ito sa noo at tsaka tumayo upang harapin naman ang kanyang panganay."Lira...aking anak...ingatan at pangalagaan ninyo ni Ayel ang isa't-isa...babalik ako..."Bilin naman ni Amihan sa kanyang si Lira at hinagkan ito sa noo bago umatras ng ilang hakbang at tuluyan nang naglaho pabalik ng Livea.Kasabay naman nang paglahong iyon ni Amihan ay ang pagdating ni Ybrahim.
"Amihan..."Kanyang bulong ngunit huli na 'pagkat nakapaglaho na ang kanyang si Amihan.
.
.
.
.
.
"Idea...bakit ganoon?Hindi ba't isang pamilya tayo nina Yna at Ama?Ngunit bakit hindi tayo sama-sama?"Tanong ni Ayel sa kanyang Idea na naghahanda na sa kanilang pagpapahinga.
"Ayel...maraming mga tanong ang mahirap sagutin...at sa ngayon ay hindi mo pa ito mauunawaan...kaya magpahinga ka na at malalim na ang gabi..."Tugon naman ni Lira at wala nang nagawa si Ayel kundi ang sumunod na lamang sa nais nito.
.
.
.
.
.
Kinabukasan ay naisipan ni Lirang isama si Ayel sa kanyang pagsasanay kasama sina Mira at Kahlil...

"Estasectu!Agtu!"Sigaw ni Ayel hudyat upang magsimula na ang pagsasanay.Siya kasi ang inatasan ni Lira upang nagbigay hudyat.Tahimik naman na ino-obserbahan ni Ayel ang mga kilos at galaw ng kanyang kapatid at mga pinsan.At ilang sandali pa nga ay natapos na sila.
"Halika,Ayel...subukan mong magsanay..."Pag-aya ni Mira sa kanya.
"Hindi na po..."Pagtanggi ni Ayel.Ngunit wala na siyang nagawa nang hilahin siya ng kanyang Ideang si Lira at Binigyan ng sandata na kanilang ginagamit sa pagsasanay.
"Magsasanay ka kasama ako o kung hindi ay isusuplo kita kay Ama at Yna..."Pananakot ni Lira kung kaya't napahinga na lamang ng malalim si Ayel.Habang sina Mira at Kahlil naman ay naupo muna panandalian.
"Estasectu,Ayel!Agtu!"Sigaw ni Lira at nagsimula na nga silang magtagisan ng sandatahan.Ilang minuto ang nakalipas ay sumuko na silang pareho."Mahusay,Ayel!"Papuri ni Lira sa kanyang nakababatang kapatid na nginitian lamang siya.Pareho silang hingal na hingal.Umupo na sana sila nang dumating si Ybrahim.
"Lira...Ayel...tayo na...magbabalik na tayong muli sa Sapiro..."Sambit ni Ybrahim kung kaya't napatingin silang dapat sa kanya.
"Ngunit,Ama...hindi manlang po muna ba natin hihintayin si Yna?"Tanong ni Ayel na ikina-iwas ng tingin ni Ybrahim na naunawaan naman ni Lira.
"Tama si Ama,Ayel...kailangan na nating magbalik ng Sapiro 'pagkat doon naman talaga ang ating tirahan...isa pa...hindi ba't sinabi naman ni Yna na babalik siya kapag siya'y handa na?"Paghimok ni Lira sa kanyang nakababatang kapatid na si Ayel.Napatango naman ito."Kaya halika na..."Dagdag pa ni Lira at tumayo na nga silang dalawa.
"Avisala Meiste,Idea Lira at Ayel...hanggang sa muli nating pagkikita..."Pagpa-paalam ni Kahlil na sinuklian naman ng ngiti nina Lira at Ayel bago sila tuluyang lumisan ng Hardin upang makapag-handa na sa kanilang pagbabalik sa Sapiro.
.
.
.
.
.
"Mahal na Reyna...Nakatanaw kang muli sa Sapiro..."Sambit ni Mayka nang maabutan niyang muli si Amihan na nakatanaw muli sa Sapiro.
"Iniisip ko,Mayka...ano nga ba ang dapat kong unahin?Ang aking MISYON?o ang aking PAMILYA?"Napayuko si Amihan,gulong-gulo ang kanyang puso't isipan.Sinasabi ng kanyang PUSO na ma's unahin niya ang kanyang PAMILYA ngunit kabaliktaran naman nito ay ang sinasabi ng kanyang ISIPAN na mas unahin niya ang kanyang MISYON...
"Hindi sa nanghihimasok ako,Hara...ngunit bakit hindi mo bigyan ng kaonting panahon at pagkakataon ang iyong sarili upang makasama mo ang iyong Pamilya?Pero kung iyong mamarapatin ay mas maganda kung maaayos at matatapos mo na ang misyong ibinigay sa iyo ng Mahal na Emre..."Suhustesiyon ni Mayka at marahang tinapik ang balikat ni Amihan bago tuluyang lisanin ang Azotea ng Livea.
"Ngayon ay alam ko na ang dapat kong unahin..."Determinadong sambit ni Amihan.Masakit man sa kanya ngunit kailangan niya munang tapusin ang kanyang misyon nang sa ganoon ay malaya na niyang makakasamang muli ang kanyang pamilya...
.
.
.
.
.
"Amihan...Avisala..."Nakangiting pagbati ni Alena ng makita ang paglitaw ni Amihan sa kanilang harapan.
"Kailangan na nating masulusyunan ang tungkol sa mga gunikar na nanggugulo noon sa palengke ng Lireo..."Walang-ano anong sambit ni Amihan tungkol sa kanyang pakay sa kanyang pagpunta sa Lireo.Nagkatinginan naman ang tatlong Sang'gre.
"Hindi na sila nanggugulo,Amihan..."Sambit ni Danaya.
"Kahit na,Danaya...kailangan pa rin nating makatiyak ng lubusan..."Depensa ni Amihan.
"Bakit mo ito ginagawa,Amihan?"Tanong ni Pirena.
"Upang matapos ko na ang aking misyon..."Sagot niya.Nagkatinginan namang muli ang tatlong Sang'gre.
"Tayo na..."Sambit ni Alena at sabay-sabay nga silang naglaho ng apat.
.
.
.
.
.
Nakarating na ang apat na Sang'gre sa Adamya sa lugar ng mga gunikar.

"Mga Mahal na Sang'gre..."Pagbati ni Memfes at yumukod tanda ng kanyang paggalang.Napatingin naman siya kay Amihan."M-Mahal na Reyna Amihan...narito ka ba upang sunduin na ang aking i-ivtre?"Kinakabahang tanong niya.Napangiti naman si Amihan.
"Hindi,Memfes...narito lamang kami upang kausapin ang iyong mga kapwa gunikar..."Sagot ni Amihan.Napatango naman si Memfes at tsaka sumipol at ilang sandali pa ay lumabas na ang mga gunikar.Nang makita sila ng mga ito ay agad yumukod ang mga ito.
"Mga gunikar ng Adamya...nais kong mangako kayong kayo'y hindi na muling mamiminsala o manggugulo sa mga diwatang naghahanap-buhay sa palengke ng Lireo..."Sambit ni Alena.Nagkatinginan naman ang mga gunikar at nagtanguan.
"Nangangako kami,Mahal na Reyna Alena ng Lireo at ng buong Encantadia!"Magkakapanabay na tugon ng mga gunikar maliban kay Memfes na napangiti.
"Avisala Eshma sa inyong pagpayag...asahan niyo ring kami'y handang tumulong sa inyo sa oras ng inyong pangagailangan at nawa'y huwag rin kayong mag-atubiling lumapit sa amin..."Sambit pa ni Alena na tinanguan lamang ng mga gunikar.
"Poltre,Memfes ngunit tatlong araw na lamang ang maaari kong ibigay na palugit bago ko tuluyang kuhaning muli ang iyong Ivtre..."Biglang sambit ni Amihan na prehong ikinawala ng ngiti nina Alena at Memfes.
"Naiintindihan ko,Hara..."Pilit na ngumiti si Memfes.
"Muli...Avisala Eshma sa inyo...hindi ninyo alam kung gaano ito kahalaga para sa akin..."Muling pasasalamat ni Amihan at yumukod naman ang mga gunikar tsaka sila sabay-sabay na apat na naglaho pabalik ng Lireo ngunit si Amihan ay dumiretso na sa Sapiro kung saan naroon ang kanyang pamilya.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
A/N:Mabubuo na bang muli ang YbraMihan kasama ang kanilang mga anak na sina Lira at Ayel???

Comments & Votes!!!

Minimithing Pagmamahal (SEASON 2 ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon