Nakabalik na ang mga sang'gre at naabutan nila si Aquil na galit ang mukha.
"Saan kayo nanggaling?!"Galit at Seryosong tanong ni Aquil sa kanila.
"Namasyal lamang kami gurong Aquil!"Sagot ni Alena.
"Nagkakatuwaan lang naman kami!"Dugtong ni Danaya.
"Hindi ako natutuwa!Lalong-lalo ka na DANAYA!"Sabi ni Aquil at tumahimik na lamang si Danaya.
"Poltre!Gurong Aquil!Kung...napainit namin ang iyong ulo!Hayaan mo sa susunod hindi na namin uulitin!"Paghingi ng paumhin ni Alena.
"Bakit kayo humihingi ng tawad sa kanya?!Tayo'y mga sang'gre at siya'y isang mashna lamang!Mas mataas pa rin ang katungkulan natin kaysa sa kanya!"Sabi ni Pirena.
"Kahit na,Pirena!Kaibigan siya ni Yna!Dapat pa rin natin siyang igalang ano man ang mangyari!"Pangangatwiran ni Amihan at inirapan na lamang siya ni Pirena.
"Oo nga naman,Pirena!Tama si Amihan!Hirap kasi sayo masyado ring mainitin ang iyong ulo!"Parinig ni Danaya na ikina-inis ni Pirena.
"Anong sinabi mo?!"Galit na turan ni Pirena pero inawat sila nina Amihan at Alena.
"Tama na!Mag-aaway na naman kayo eh!Bawal ang FIGHT!"Pag-aawat ni Amihan na ipinagtaka nila.
"FIGHT?"Sabay-sabay na tanong nila.
"Hanggang ngayon pa rin ba ay dala-dala mo pa ang mga salita sa mundo ng mga tao?"Tanong ni Alena at tumango si Amihan.
"Tama na!Magbalik na kayo sa pagsasanay!Pangalan at Karangalan ko ang nakasalalay dito!"Sabi ni Aquil at kinuha na ng mga sang'gre ang kani-kanilang sandata at nagpatuloy.Pagkatapos.....
Natapos na sa huling pagsasanay ang mga sang'gre kaya nagtungo na sila sa hapag.
"Yna!"Pagtawag ni Pirena.
"Ynang Reyna?"Pagtawag naman ni Amihan at yumuko sila tsaka sila umupo.
"Binabati ko kayo aking mga Anak!Iniulat sa akin ni Aquil na mahusay na kayong himawak ng sandata!"Sabi ni Mine-a at nagkatinginan ang mga sang'gre."Ngunit!Minsan raw ay SAKIT kayo ng ulo sa kanya!"Sabi muli ni Mine-a at nagtawanan sila.
"Si Danaya lang naman ang sutil,Yna!"Sabi ni Alena.
"Bakit ako?!Si Pirena kaya!O ikaw Alena!"Sabi ni Danaya.
"Bakit rin ako?!"Sabi ni Pirena.
"Baka si Amihan!"Sabi ni Alena sabay turo kay Amihan na nakatingin sa kanila habang nakangiti.
"OO na!Ako na ang SUTIL!"Pag-ako ni Amihan.
"Ngunit gayon pa man...binabati ko kayo!"Sabi ni Mine-a nang biglang may dumating na mga paru-paro.
"Kay gandang mga retre!"Sabi ni Danaya lumapit naman si Imaw kay Mine-a.
"Dumating na ang senyales na hinihintay mo,Mine-a!"Sabi ni Imaw at tumango si Mine-a tsaka tumayo.
"Ito na ang panahon!Upang pumili ako sa inyo ng susunod na hahalili sa akin bilang Hara!Sino kaya sa inyo ang karapat-dapat?"Sabi ni Mine-a at bumalik sa pagkaka-upo kasabay ng pagtayo ni Pirena.
"Bilang panganay ako ang karapat-dapat na humalili sa inyo!"Sabi ni Pirena.
"Hindi lamang gulang ang pamantayan sa pagiging hara,Pirena!Oo nga't...ikaw ang panganay!Ngunit ako man ang bunso kaya ko ring pamunuan ang Lireo!"Pangangatwiran ni Danaya.
"Ganoon din ako!"Pagsang-ayon naman ni Alena.
"Puro sat-sat kaya ba ng GAWA?"Pang-iinsulto ni Pirena.
"Iniinsulto mo ba ang aming mga kakayahan?!"Galit na tanong ni Danaya sa nakatatandang kapatid.
"Tama na!"Pag-aawat ni Mine-a at umupo na sila.
"Hindi niyo makukuha ang inyong nais ng ganyan-ganyan lamang!"Sabi ni Imaw.
"Sa anong paraan po ba,Nuno?"Mahinahong tanong ni Amihan.
"Sa isang pagsubok!Bukas!Bago kumagat ang dilim!"Sabi ni Mine-a at nilisan ang hapag sumunod naman sa kanya ang mga sang'gre.Habang naglalakad ay hindi pa rin tumitigil ang tatlo sa pagtatalo.
"Ako ang mananalo!"Sabi ni Pirena.
"Hindi!Ako!Ako ang mananalo!"Sabi naman ni Danaya.
"Ako ang magwawagi at hindi kayo!"Sabi ni Alena si Amihan naman ay humarap sa kanila at nilagyan ng busal ang kanilang mga bibig gamit ang kanyang kapangyarihan sapagkat naririndi na siya sa pagtatalo ng kanyang mga Apwe.
"Nakakarindi kayo!Hanggang ngayon nagfa-FIGHT pa rin kayo?!Para walang away!AKO ang magwawagi!"Nakangiting sabi ni Amihan at naunang lumakad sa kanyang mga kapatid.Ang tatlo naman ay natulala hanggang sa mawala ang busal sa kanilang bibig.
"Arghhh!!!AMIHAN!!!"Sabay-sabay na sabi nila at hinabol nila si Amihan.Kinabukasan.....
Lahat ay naghahanda na para sa magaganap na pagsubok ngunit si Amihan ay tila walang pakialam sa pagsubok na magaganap.
"Amihan!Bakit ganyan pa rin ang iyong kasoutan?!Bakit hindi ka pa nagpapalit ng dami pangsanay natin?"Sunod-sunod na tanong ni Danaya.
"Ayaw ko naman talagang maging hara!"Sabi ni Amihan na ikinagulat nila.
"Ibig sabihin nagbibiro ka lamang tungkol sa kagabi?"Tanong ni Alena at tumango si Amihan.
"Ginawa ko lamang iyon 'pagkat...nakakarindi ang inyong pagtatalo!FIGHT dito FIGHT doon!"Sabi ni Amihan.
"Ngunit kailangan nating sumabak sa pagsubok,Amihan!Malay mo!Ikaw ang magwagi!"Sabi ni Pirena.
"Wala akong pakialam kung ako ang magwawagi!Ipapasa ko na lamang ito sa isa sa inyo!"Sabi ni Amihan."Nais ko munang magpahangin bago an pagsubok!"Sabi ni Amihan at tsaka tumayo at naglaho.
"Sana'y manalo si Amihan sa paligsahan!"Sabi ni Alena at tumango sila.Habang si Amihan naman ay nagtungo sa kagubatan ng Lireo.Habang siya ay naglalakad ay may natanaw siyang isang kuta na ngayon lamang niya nakita kaya nagtungo siya dito.
"Diwata!"Sigaw ng isang mandirigma at itinutok ng mga mandirigma ang kanilang mga sandata kay Amihan.
"Ssheda!Wala akong intensyon na saktan kayo!Naglalakad-lakad lamang ako!"Sabi ni Amihan at ibinaba na ng mga mandirigma ang kanilang mga sandata.
"Maaari ka bang magpakilala,Diwata?"Tanong ni Ybarro.
"Ako si AMIHAN!Ikalawa sa anak ng Hara ng Lireo!"Pagpapakilala ni Amihan sa kanyang sarili,agad namang yumukod ang mga mandirigma.
"Poltre,Mahal na Sang'gre!"Sabi ni Pako at tumayo na sila ng matuwid.
"Ayos lang!Batid ko naman na hindi niyo pa ako nakikilala sapagkat bawal akong lumabas ng Lireo!Ngunit ang aking mga kapatid...sila ay malayang magtungo saan man nila naisin!"Sabi ni Amihan at tumango sila.
"Ngunit kilala ka namin!"Sabi ni Wantuk na ipinagtaka ni Amihan.
"Wantuk?"Sabi ni Amihan na ikinagulat nila."Pako?Y-Ybarro?"Dugtong pa niya.
"Kami nga!Kami ang mga batang mandirigma noon na dinakip ng inyong mashna!"Sabi ni Pako.
"Pagpasensyahan na ninyo si Aquil!Minsan talaga ay...Matigas ang PUSO!"Sabi ni Amihan at nagtawanan sila."Nga pala,Wantuk!May nagugustuhan ka bang nilalang?"Tanong ni Amihan na ipinagtaka ni Wantuk.
"W-Wala!Wala!"Mabilis na sagot ni Wantuk at tumawa si Amihan.
"Detrumvia!'Wag mo nang itago!Alam ko simula noon nang madakip kayo ay may GUSTO ka kay DANAYA!"Sabi ni Amihan.
"Hindi kaya!"Depensa ni Wantuk.
"Weh?!Eh bakit todo-DEFENSE ka?!Siguro totoo noh?!"Sabi ni Amihan na hindi nila maunawaan.
"Defense?"Takang tanong ni Ybarro.
"Defense!Yung parang tinatanong ka lang tapos todo emosyon mo!"Paliwanag ni Amihan at tumango sila nang tumunog amg kampang ng Lireo."Kailangan ko nang bumalik!Magsisimula na ang pagsubok!"Sabi ni Amihan.
"Pagsubok?Saan?"Tanong ni Pako.
"Kung sino ang susunod na Hara ng Lireo!"Sabi ni Amihan at naglaho na.Sino ang mananalo sa pagsubok?
A.)Pirena
B.)Amihan
C.)Alena
D.)DanayaABANGAN!
Comment & Votes!!!
BINABASA MO ANG
Minimithing Pagmamahal (SEASON 2 ON-HOLD)
FanfictionLahat ay ginawa niya ngunit hindi niya nakamit ang kanyang minimithing pagmamahal mula sa kaniyang mga mahal. . . . Ito ang sarili kong version ng kwento ng Encantadia,kakaiba ito sa mga nababasa ninyo. . . . Suportahan niyo sana ang aking pangalawa...