Kabanata 7:Ang Bagong Reyna ng Lireo

878 45 14
                                    

Tapos na ang pagsubok at lahat sila ay pagod na pagod dahil sa nakalaban nilang nilalang na hindi nila kilala.

"Tapos na ang pagsubok!"Anunsyo ni Imaw aa lahat tumayo naman si Pirena at hinubad ang kwintas na may pendant na susi.
"Nakuha ko ang susi!"Sabi ni Pirena at ipinakita sa lahat ang susi.
"Binabati kita,Pirena!"Sabi ng nilalang at nagpalit ito ng anyo bilang si Mine-a."Ngunit Pirena...Hindi 'yan ang susi na aming tinutukoy!"Sabi ni Mine-a at kinuha ang kwintas at ito ay naging abo.
"Ngunit sino ang nagwagi?"Tanong ni Amihan.
"Si Danaya!"Sabi ni Mine-a na ikinatuwa nila kaya nagyakapan ang apat na sang'gre.
"Binabati ka namin,Danaya!"Pagbati ni Alena tsaka sila humiwalay sa yakap.
"Ivo Live Hara Danaya!"Anunsyo ni Aquil na pinaulit-ulit nila.

Pagkatapos ng Kasiyahan.....

Lahat ay napakasaya para sa bago nilang reyna.

"Tama ba ang ginawa natin,Imaw?"Tanong ni Mine-a habang sila ay naglalakad.
"Wala rin namang pinagkaiba!Nanalo si Amihan ngunit ipapasa niya rin naman ito kay Danaya!"Sabi ni Imaw at tumango nalang si Mine-a,ang hindi nila alam ay narinig ng tatlong sang'gre ang kanilang pinag-uusapan.
"Si Amihan ang tunay na nagwagi!"Sabi ni Alena at tumango sila.
"Puntahan na natin siya!"Sabi ni Pirena at nagtungo na sila sa silid ni Amihan.

Silid ni Amihan.....

Pagdating nila sa silid ay naabutan nila si Amihan na naka-upo at hinahaplos ang kanyang sandata.

"Hara!Alena!Pirena!Bakit kayo narito?"Tanong ni Amihan.
"Amihan?Hindi ako ang tunay na nagwagi!"Diretsuhang pag-amin ni Danaya na ipinagtaka ni Amihan.
"Anong ibig mong sabihin,Danaya?Ikaw ang nagwagi!"Sabi ni Amihan.
"Narinig namin ang pag-uusap ni Yna at Imaw!At sinabi ni Imaw na IKAW ang tunay na nagwagi!"Pagsiwalat ni Pirena,hindi naman makapaniwala si Amihan sa mga sinasabi nila.
"H-Hindi naman iyon totoo!Maaaring nagkamali lamang sila!"Depensa ni Amihan.
"Amihan!Narinig mismo ng aming dalawang tenga!"Sabi ni Alena nang biglang pumasok sa silid si Mine-a kasama si Imaw.
"Aking mga anak!"Sabi ni Mine-a.
"Yna!Ano't naparito kayo?"Tanong ni Amihan.
"May nais sana kaming ipagtapat sa inyo ngunit tila alam niyo na ito!"Sabi ni Mine-a.
"Na ano?!Na ako ang tunay na nagwagi sa pagsubok?!"Sabi ni Amihan.
"Oo!Ngunit ginawa naming si Danaya ang nagwagi 'pagkat wala naman kaming mapapala sa iyo!Ipapasa mo rin naman ito kay Danaya!"Sabi ni Imaw.
"Eh kung sinabi niyo noong una pa lang!TATANGGAPIN ko pa!Handa naman ako kahit ayaw ko!Kahit ayaw ko handa akong ibigay ang aking buhay para sa aking nasasakupan!Wala naman pala kayong mapapala sa akin!Wala rin naman pala akong silbi!"Sabi ni Amihan at kinuha ang kanyang sandata tsaka naglaho.
"AMIHAN!!!"Umiiyak na sabi ng mga sang'gre ngunit huli na 'pagkat nakapaglaho na si Amihan.

Samantala napadpad naman si Amihan sa kagubatan ng Lireo malapit sa kuta ng mga mandirigma at doon niya ibinuhos ang kanyang galit at hinanakit.

"Matapos kong tanggapin ang lahat ng parusa ninyo ganito lang ang igaganti ninyo!?Pumayag ako na hindi ako maaaring lumabas ng Lireo at bawal magpakita sa iba!Pero WALANG MAPAPALA?!Lahat-lahat ginawa ko!"Pagwawala niya ng may narinig siyang kaluskos kaya naging alerto siya."Batid kong may nilalang na narito!Magpakita ka!"Sigaw niya at nagpakita na si Ybarro.
"Amihan."Sabi ni Ybarro.
"Ybarro?Anong ginagawa mo dito?"Tanong naman ni Amihan.
"Ikaw?Anong ginagawa mo dito?"Pagbabalik ng tanong ni Ybarro kay Amihan.
"Umalis ako sa Lireo!Nalaman ko kasi ang totoo!"Sabi ni Amihan na ipinagtaka ni Ybarro.
"Anong totoo?"Tanong niya.
"Na...hindi si Danaya ang tunay na nagwagi sa aming pagsubok para maging reyna!AKO!Ako ang nagwagi ngunit pinalabas nila na si Danaya ang nagwagi 'pagkat WALA rin naman daw silang MAPAPALA sa akin 'pagkat ipapasa ko rin naman ang korona kay Danaya!"Paliwanag ni Amihan."Sabihin mo Ybarro!?Kung ako ba ang naging hara wala ba kayong mapapala sa akin?"Tanong ni Amihan.
"Batid kong marami kaming mapapala kapag ikaw ang naging hara!Batid kong busilak ang iyong corra,Amihan!"Sabi ni Ybarro at niyakap niya si Amihan na gumanti rin ng pagyakap sa kanya.
"Pero bakit ganoon sila sa akin?!Lahat na lamang ay BAWAL pagdating sa AKIN!Bawal akong lumabas at magpakita sa inyo!"Naguguluhang sabi ni Amihan.
"Nandito laman ako sa iyong tabi,Amihan!"Pagpapagaan ni Ybarro sa loob ni Amihan."Sa tingin ko...kailangan mong bumalik sa Lireo kinabukasan!"Sabi ni Ybarro at marahang tumango si Amihan.
"Maaari bang...sa inyo muna ako tumuloy ngayong gabi?"Pakiusap ni Amihan at tumango si Ybarro tsaka sila naglakad nang magkahawak ang kamay patungo sa kuta ng mga mandirigma.

Kuta.....

Pagdating nila sa kuta ng mandirigma ay nagulat ang lahat.

"Mahal na sang'gre!"Sabi ni Pako at yumukod silang lahat.
"Tama na!'Wag na kayong magbigay pugay!"Utos ni Amihan at tumayo ng matuwid ang mga mandirigma.
"Isa lamang ang aking kubol,Amihan!Ikaw na lamang ang magpahinga doon!"Sabi ni Ybarro at tumango si Amihan tsaka niya niyakap si Ybarro.
"Avisala Eshma!"Pagpapasalamat niya at kumalas na sa yakap tsaka nagtungo sa kubol.
"Ybarro!Bakit nandito ang sang'gre?!"Tanong ni Wantuk.
"Mahabang salaysayin!Bumalik na kayo sa inyong ginagawa!"Sabi ni Ybarro at bumalik na sila sa kanya-kanyang gawain.

Kinabukasan.....

Hindi pa sumisikat ang araw ay nasa Lireo na si Amihan.Naabutan niya ang kanyang pamilya na nagkakatuwaan.

"Sino ka?!"Sabi ng isang kawal at itinutok sa kanya ang sandata.
"Wala akong intensyon!"Sabi ni Amihan at humarap sa kawal.
"Sang'gre Amihan!"Pagsigaw ng kawal at yumukod.Narinig naman iyon ng mga sang'gre at ni Mine-a kaya agad silang nagtungo.Pagdating nila ay naabutan nga nila si Amihan.
"Amihan!Nagbalik ka!"Sabi ni Alena at niyakap si Amihan.
"Akala namin ay hindi ka na babalik!Muntik ka na ngang alisan ng tungkulin bilang isang sang'gre!"Sabi ni Pirena agad namang kumalas sa yakap si Amihan.
"Diyan naman kayo magaling eh!Ang pagbawalan ako sa lahat ng bagay!"Sumbat ni Amihan sa kanila.
"Dahil maaari kang mapahamak!"Sabi ni Danaya.
"Bakit KAYO?!Maaari rin naman kayong mapahamak!"Sabi ni Amihan."WALA naman akong SILBI hindi ba?!"Sabi muli ni Amihan at sinampal siya ni Mine-a na ikinagulat niya.
"WALA akong sinabi na WALA kang SILBI!"Sabi ni Mine-a.
"BALANG ARAW!HINDING-HINDI NIYO NA AKO MAKIKITA!DAHIL MAGTUTUNGO AKO SA LUGAR NA HINDI KAYO MAAARING MAGTUNGO!"Madiing sabi ni Amihan sa kanila.
"Saan ka patutungo?"Tanong ni Alena.
"Sa lugar kung nasaan ang aking AMA!Sa lugar kung nasaan ang mga IVTRE!Sa DEVAS!"Sabi ni Amihan at naglaho.Naiwan namang nakatulala ang kanyang pamilya.
"D-Devas?!"Umiiyak na sabi ni Alena."AMIHAN!!!!!"Sigaw niya.

Hala!!!DEVAS?!?!?

Comment & Votes!!!

Minimithing Pagmamahal (SEASON 2 ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon