Kabanata 29:Pagbabalik ni Cassiopeia

736 23 12
                                    

Makalipas ang 3 Linggo.....

Dumaan ang mga araw mas lalong hindi naging maganda ang pikikitungo nina Lira at Mira kay Khalil at Alena.Kasabay din nito ang unti-unting pagbabalik ng kanilang mga alaala.

"Yna!Nais ko sana na mamasyal tayo sa paborito nating lugar!"Masayang pag-aaya ni Lira kay Amihan.
"Kung 'yan ang inyong nais!"Nakangiting sagot naman ni Amihan.
"Yna?Maaari po ba nating isama si Rama Ybrahim?"Tanong ni Mira kasabay ng pagpasok ni Ybrahim sa silid.
"Tila napagplanuhan na ninyo ang lahat!Wala na akong magagawa!"Natatawang turan ni Amihan at nag-apir naman ang tatlo."Tayo na?"Tanong ni Amihan at tumango sila.Maglalaho na sana sila nang pumasok si Aquil.
"Poltre!Ngunit ipinatatawag kayo ng Mahal a Hara!"Sabi ni Aquil at tumango sila tsaka sila nagtungo sa bulwagan.

Punong Bulwagan.....

Pagdating nila sa bulwagan ay napansin kaagad ni Amihan ang isang nilalang na nakatalikod at tila nakikilala niya ito.

"Y-Ynang Cassiopeia?"Pagtawag ni Amihan at lumingon naman si Cassiopeia sa kanya.
"Avisala aking tagapagmana!"Pagbati ni Cassiopeia tsaka nila niyakap ang isa't-isa.
"Natutuwa ako at nakita kitang muli,Yna!"Masayang sambit ni Amihan.
"Ganoon din ako!Matagal akong nanabik sa iyo!"Masayang sambit rin ni Cassiopeia tsaka sila bumalik sa pwesto.
"Maaari na ba naming malaman kung ano ang iyong pakay,Cassiopeia?"Tanong ni Danaya at tumango si Cassiopeia.Si Amihan naman ay tiningnan sa kanyang mata ang pakay ni Cassiopeia.
"Nais ko kayong balaan!Lalong lalo ka na Alena!Hindi niyo batid kung ano ang magaganap sa hinaharap kung kaya't hanggat maaga pa ay umamin na kayo sa inyong mga sikreto dahil kapag ito'y hindi nangyari...magkakagulong muli sa Encantadia!Danaya?Kinakailangan mo na rin ng kahalili sa trono!"Paliwanag ni Cassiopeia na lubhang ikinagulat nila.Hindi naman namalayan ni Amihan na tumutulo na pala ang kanyang mga luha kaya hindi niya naiwasang lisanin ang bulwagan na siyang ipinagtaka ng lahat kung kaya't sinundan siya ni Ybrahim.

Hardin.....

Naabutan ni Ybrahim si Amihan na nagwawala.

"Ahhhh!!!Kasalanan ko 'toh!"Sigaw ni Amihan.Lumapit naman sa kanya si Ybrahim at hinawakan ang kanyang dalawang kamay.
"Wala kang kasalanan!"Sambit ni Ybrahim pero umiling si Amihan tsaka bumitaw sa mga kamay ni Ybrahim.
"Hindi,Ybrahim!Kasalanan ko 'toh!"Pagtanggi ni Amihan."Tama kayo!Karapat-dapat akong kamuhian 'pagkat HINDI na ako ang dating AKO!Dahil din sa akin kung bakit nagbalik si Cassiopeia!Napakasama ko!"Dagdag pa niya at humangin ng malakas.Lumapit naman muli si Ybrahim sa kanya at hinawakan muli ang kanyang mga kamay.
"El Correi,Makinig ka!WALA kang KASALANAN!Tama ang iyong sinabi na hindi na ikaw ang dating ikaw pero hindi ka masama!Para sa akin...ikaw parin ang AMIHAN na nakilala ko!Ang AMIHAN na MINAHAL ko!Ang AMIHAN na aking KATIPAN!Ang AMIHAN na INA ng aming ANAK!Ikaw pa rin 'yun!"Sambit ni Ybrahim at niyakap si Amihan.Pagkatapos ng yakap ay humiwalay na sila.
"Ngunit Y--"Hindi na natapos ni Amihan ang kanyang sasabihin nang hagkan siya ni Ybrahim sa kanyang mga labi.Hindi naman magawang makapalag ni Amihan dahil sa higpit ng pagkakahawak sa kanya ni Ybrahim kung kaya't nadala na rin siya at kanya nang tinugon ang mga halik ni Ybrahim.Kahit sila'y nauubusan na ng hininga ay wala pa ring bumibitaw.Hanggang sa si Amihan na ang unang bumitaw at hingal na hingal sila.
"Hindi ka pa rin nagbabago,El Correi!"Panunukso ni Ybrahim.Si Amihan naman ay hinahabol parin ag hininga at hindi makatingin kay Ybrahim."Amihan?"Pagtawag ni Ybrahim at agad namang tumingin si Amihan.
"P-Poltre"Mahinang sabi ni Amihan pero umiling si Ybrahim.
"Hindi mo kailangang humingi ng TAWAD!"Sabi ni Ybrahim.
"Ngu--"Hindi na muling naituloy ni Amihan ang kanyang sasabihin 'pagkat tinakpan ni Ybrahim ang kanyang bibig.
"Isa pang angal at hindi lamang HALIK ang iyong makukuha,Amihan!"Paghahamon ni Ybrahim at tinanggal na ang kamay.
"A-Anong ibig mong sabihin?"Tanong ni Amihan.
"Hindi la man naibabalik ang alaala ni Lira ngunit susundan na natin siya!"Sabi ni Ybrahim na ikinalaki ng mga mata ni Amihan.
"Ashtadi!Ibig mo ba talagang bumalik ang alaala ni Cassandra?!"Sabi ni Amihan.
"Nagbibiro lamang ako!"Pagbawi ni Ybrahim."Batid ko naman na AYAW mong mangyari ang aking sinambit at...gagalangin ko ang iyong pasya!"Dagdag pa niya at nagyakapan sila.
"Avisala Eshma"Bulong ni Amihan habang magkayakap sila.Sa ganoong sitwasyon sila naabutan ng mga Sang'gre kasama sina Mine-a,Raquim,Armeo at Mayne.
"Narito lamang pala kayo!"Irirtang sambit ni Alena.Gulat naman silang napakalas sa yakap at humarap sa tatlo.
"P-Poltre"Paghingi ng tawad ni Amihan at akmang aalis na ng hawakan ni Pirena ang kanyang braso kaya napatigil siya ng maramdaman niya na tila nag-iinit ang kanyang braso.
"Maaari ba tayong mag-usap na apat?"Tanong ni Pirena,inalis naman ni Amihan ang kamay ni Pirena sa kanya.
"Kung nais mong makipag-usap 'wag kang mananakit!Hindi porket APOY ang iyong kapangyarihan ay magagawa mo na ang lahat ng iyong nais ng palihim!Hindi ka makakalusot sa akin,Pirena!"Sambit ni Amihan at umalis na.Sumunod naman ang tatlo sa kanya.

Punong Bulwagan.....

Pagdating nila sa bulwagan ay nakita nila si Cassiopeia na naghihintay sa kanila.Napansin din nila na wala na ang mga kawal at dama.

"Ano ba ang ating pag-uusapan?"Tanong ni Alena.
"Tungkol sa inyong mga sikreto!"Sagot ni Cassiopeia at tumingin kay Amihan.
"Batid ko na ag sasabihin mo!Ibalik ang mga alaala ng mga diwani?Poltre ngunt wala kayong mapapala!Hindi pa tapos..."Sambit ni Amihan at naglaho na.Napa-buntong hininga naman sila.
"Alena?Hanggat maaga pa ay sabihin mo na...darating ang panahon...mahihirapan na silang tanggapin ang katotohanan...lalo na si Amihan!"Sambit ni Cassiopeia at naglaho na.Napatingin naman ang dalawa kay Alena kasabay ng paglitaw ni Amihan.
"Alena?Anong ibig ipahiwatig ni Cassiopeia?"Tanong ni Danaya at nagkibit balikat na lamang si Alena tsaka sila tumingin kay Amihan."Amihan?May alam ka ba?"Tanong naman ni Danaya kay Amihan.
"Kung may nalalaman man ako ay matagal ko nang ibinulgar...ngunit hindi ko batid kung bakit tila hindi ko makita sa aking 'mata' ang ibig ipahiwatig ni Cassiopeia"Paliwanag ni Amihan at tumango sila.Nang dumating sina Ybrahim,Mine-a,Raquim,Mayne at Armeo.
"Nasaan na si Cassiopeia?"Tanong ni Mine-a.
"Lumisan na siya"Sagot ni Alena at tumango sila.
"Amihan?Maaari bang humiling?"Tanong ni Danaya at tumango si Amihan."Maaari mo bang ibalik ang nakaraan?"Dagdag pa niya na ikinagulat ni Amihan.
"B-Bakit?"Nauutal na tanong ni Amihan.
"Nais naming bumalil sa nakaraan upang maitama namin ang mga MALING nagawa namin"Paliwanag ni Pirena.
"Poltre!Aaminin ko...may kakayahan akong ibalik ang nakaraan...ngunit hindi ko kayo kayang ibalik...at kung susubukan ko man ay DELIKADO ito!"Sabi ni Amihan at nagkatinginan sila.
"Bakit hindi mo subukan,Amihan?"Tanong ni Alena.
"Nais niyo ba talagang mapaslang?!Pati buhay ninyo ay isusugal ninyo makabalik lamang sa nakaraan?!"Galit na tanong ni Amihan.
"Gagawin namin ang lahat kahit ang kapalit pa nito ay ang aming mga buhay...maibalik lamang ang mga alaala nina Lira at Mira"Sagot ni Pirena at umiling si Amihan.
"Kung magpupumilit kayong bumalik sa nakaraan...mas mahihirapan kayong maibalik ang mga alaala nila,bakit?!Dahil unti-unti nang nagbabalik ang mga ito...hindi magtatagal...makikilala na nilang muli kayo...hindi bilang mga sang'gre,Hara o Rama!Kundi bilang kanilang PAMILYA!"Sabi ni Amihan at natigilan sila."Babalik pa ba kayo sa nakaraan?!Sige!Kung nais ninyo ay papayag ako...hindi naman ako ang mahihirapan...'wag kayong mag-alala...sa oras na bumalik na ang kanilang mga alaala...ako naman ang mawawala..."Dagdag pa niya at nilisan na ang bulwagan.Natauhan naman sila nang dumating ang dalawang diwani.
"Sino ang babalik sa nakaraan?"Tanong ni Lira.
"Wala iyon!'Wag niyo nang isipin kung ano man ang inyong narinig!"Sabi ni Ybrahim at tumango ang dalawa tsaka umalis.

Babalik pa rin ba sila sa nakaraan?

Comment & Votes!!!

Last 5-10 Chapters.....

Minimithing Pagmamahal (SEASON 2 ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon