Kabanata 34:Pagkakabating Muli at Desisyon ni Danaya

967 24 11
                                    

Lumipas ang mga araw,napagdesisyunan nina Amihan at Ybrahim na hanapin si Alena at Kahlil.Nagtungo sila sa Adamya at hindi nga sila nagkamali,Naroon si Alena at Kahlil kasama ang iba pang adamyan at isang gunikar.

"Alena"Pagtawag ni Amihan.Napalingon naman si Alena sa kanila.Maging ang kanyang mga kasama ay napalingon din.
"A-Amihan...Y-Ybrahim..."Nauutal na sambit ni Alena."Kung narito kayo upang kami ay PASLANGIN...gawin niyo na!"Matapang na sambit ni Alena.Nagkatinginan naman sina Amihan at Ybrahim.
"Hindi namin kayo papaslangin...bakit namin gagawin iyon?Kug gagawin namin iyon ay mawawalan si Danaya ng kahalili sa trono..."Sambit ni Ybrahim.
"Kung ganoon...anong ginagawa ninyo rito?!"Tanong ni Memfes.Ang gunikar na kanilang kasama at AMA ni Kahlil.
"Nais naming sunduin si Alena at Kahlil pabalik ng Lireo...Pagpupulungan at Pagpaplanuhan na ang iyong pagiging hara,Alena!"Sagot ni Amihan.
"Sa kabila mg aking ginawa ay gagawin pa rin akong hara?"Takang tanong ni Alena.
"Ikaw ang kahalili ni Danaya,Alena!"Sambit ni Ybrahim."Batid namin na hindi ka pa napapatawad nina Pirena at Danaya...ngunit kung saka-sakaling naisin nila kayong saktan...proprotektahan namin kayo..."Dagdag pa ni Ybrahim.
"Lalo't hindi pa nila batid na ibabalik na namin kayo sa Lireo"Dagdag pa ni Amihan.Nagkatinginan naman sina Alena at Memfes.
"Pumapayag kami!Ngunit...SASAMA AKO!"Pagpayag ni Memfes na may riing sambit.
"O-Oo!Oo!S-Sasama ka..."Sambit ni Amihan at ngumiti ng pilit.Tsaka sila sabay-sabay na naglaho.Ang mga adamyan namang naiwan ay bumalik na muna sa kanilang mga gawain.

Lireo.....

Pagdating nila sa Lireo ay agad na naging alerto ang mga kawal pati na rin sina Pirena at Danaya na nagulat sa kanilang pagdating.

"Amihan!?Ybrahim?!Anong ibig sabihin nito?!"Tanong ni Pirena habang nakalabas ang kanyang brilyante ng Apoy.
"Pirena!Danaya!Huminahon kayo!"Mahinahong sambit ni Amihan
"Anong nais ninyong pag-usapan?"Tanong ni Danaya na katulad ni Pirena ay nakalabas rin ang kanyang brilyante ng Lupa.
"Tungkol sa pagiging hara ni Alena!"Sagot ni Ybrahim.Nagkatinginan naman sina Pirena at Danaya tsaka sila tumango sa isa't-isa at itinago na ang kanya-kanyang brilyante.
"Anong tungkol doon?"Tanong ni Pirena.Marahan naman silang naglalakad papalapit sa mga ito.
"Kung kailan kokoronahan si Alena bilang hara..."Sagot ni Amihan.
"Sandali...bago ang lahat...sino ang kasama ninyo?"Tanong ni Danaya na ang itinutukoy ay si Memfes.
"Ah...Siya si MEMFES...isang gunikar...SIYA ang TUNAY na AMA ni KAHLIL!"Sagot ni Amihan na ikinagulat nila.
"Sandali...mawalang galang na ngunit...paano mo nalaman ang tungkol sa bagay na iyan?Maging ang aking 'ngalan at pinagmulan ay alam mo!Gayong...hindi pa naman ako nagpapakilala at...hindi rin kita kilala..."Naguguluhang sambit ni Memfes.
"(Tsk)Hindi mo na kailangang malaman kung sino ako...At kung paano kita nakilala?(Tsk)Walang naitatago ang isang nilalang sa akin,Gunikar!Noong una rin kitang nakita ay naghinala na ako na may ugnayan kayo ni Alena maging kayo ni Kahlil...At hindi nga ako nagkamali...IKAW ang AMA ni Kahlil..."Paliwanag ni Amihan.Pilit na lamang tumango si Memfes kahit na naguguluhan pa rin siya.Pagkatapos magpaliwanag ni Amihan kay Memfes ay humarap na siya kay Danaya.Mayroon na naman kasi siyang naisip na kalokohan na tiyak niyang hindi nila maiintindihan ang kanyang sasambitin."So...Hara!Danaya?Kailan ang pagbitiw mo sa trone at ang wedding niyo ni Aquil?"Nakangising tanong niya.Nagkatinginan naman sila na nakakunot ang noo.
"Trone?Wedding?"Takang tanong nila.Napahagalpak naman ng tawa si Amihan 'pagkat hindi siya nagkamali,Hindi nga siya naintindihan ng kanyang mga kapatid maging sina Ybrahim at Memfes.
"AMIHAN?!HINDI BA'T SINABI NAMIN NA 'WALA NG SALITA MULA SA MUNDO NG MGA TAO!?"Sabay sabay na pagalit ng tatlo niyang kapatid kung kaya't siya'y napatigil sa pagtawa.
"Nahh...ang TAGAL na n'un!"Sambit ni Amihan.Pinamewangan naman siya ng kanyang mga kapatid at tiningnan siya ng masama."S-Sabi k-ko n-nga...b-bawal n-na a-ang s-salita m-mula s-sa m-mundo n-ng m-mga t-tao..."Nauutal na sambit ni Amihan.
"MABUTI!"Sabay sabay na sambit muli ng kanyang mga kapatid.Tumango na lamang siya.
"Pupuntahan ko lamang sina Cassandra at Eirene...pagbalik ko ay ipagpapatuloy na natin ang pagpupulong..."Pagpapaalam ni Amihan at nilisan na ang bulwagan.

Hardin.....

Naabutan ni Amihan sina Lira at Mira sa hardin.Si Lira ay umaawit habang nakasandal naman ang ulo ni Mira sa balikat ng kanyang pinsan/kapatid.Marahan siyang lumapit sa mga ito.

"Cassandra...Eirene..."Nakangiting pagtawag niya.Agad namang lumingon ang dalawa at ngumiti ng pagkalaki-laki.
"YNA!"Nasisisyahang sambit ng dalawa at niyakap si Amihan na niyakap rin sila pabalik.
"Yna saan ka nanggaling?Nag-alala kami sa iyo!Maging kay...AMA!"Sambit ni Lira.
"Doon na ako nagpalipas ng gabi sa Sapiro...sinundo rin namin si Sang'gre Alena at si Kahlil...kasama rin nila ang TUNAY na AMA ni KAHLIL..."Paliwanag ni Amihan at tumango na lamang sila.
"Yna?Lagi ka naming naririnig sa iyong silid...nais sana naming ika'y makatabi ngunit naabutan ka namin na nakatanaw sa bintana ng iyong silid...narinig rin namin ang iyong parating sinasambit...'MALAPIT NA AKONG MAWALA...KAONTING TIIS NA LAMANG AT BABALIK NA ANG MGA ALAALA NINA LIRA AT MIRA'...Yna anong ibig sabihin n'un?"Pagkekwento at tanong ni Mira.Maging si Lira ay 'yun din ang nais sabihin.Pilit namang ngumiti si Amihan at hinawakan ang pisnge ng dalawa.
"Malalaman niyo 'yan sa takdang panahon...oras na koronahan na ang Sang'gre Alena bilang bagong hara at kasabay n'un ay ang pag-iisang dibdib ng Hara Danaya at Mashna Aquil..."Sambit ni Amihan."Ngayon pa lamang ay nais kong malaman ninyo na MAHAL NA MAHAL NA MAHAL ko kayong dalawa..."Dagdag pa niya.
"MAHAL NA MAHAL ka rin namin,Yna!"Sambit ng dalawa at sila'y nagyakapan.
"Sige na...mamaya na lamang muli...may pagpupulungan pa kami..."Sambit ni Amihan at parehong hinalikan ang mga noo nina Lira at Mira.Tsaka niya nilisan ang hardin.Habang siya'y naglalakad hindi niya mapigilang mapaiyak...Nang malapit na siya sa bulwagan ay pinunasan niya na ang kanyang mga luha at tuluyan ng pumasok sa bulwagan.Agad siyang umupo sa tabi ni Ybrahim.
"Ayos ka lang ba?"Tanong ni Ybrahim at tumango na lamang siya."Hara Danaya...kailan niyo nais maganap ang pagkorona kay Alena bilang bagong hara?"Tanong ni Ybrahim.
"Sa susunod na linggo!"Sagot ni Danaya.Nagbulong-bulungan namna ang kanyang mga konseho tsaka tumango ang mga ito."TAPOS NA ANG PAGPUPULONG!"Sambit ni Danaya at nilisan na ang bulwagan.Sumunod naman sa kanya sina Alena at Pirena kasama sina Kahlil at Memfes.Habang naiwan naman sina Amihan at Ybrahim.
"Amihan?Kanina ka pa tahimik...Anong problema?"Tanong ni Ybrahim ngunit umiling lang muli si Amihan.Ipinagsantabi na lamang ito ni Ybrahim at hinalikan sa noo si Amihan tsaka sila nagyakapan.

Handa na ba kayo?

1 na lamang ang natitirang kabanata bago magwakas ang aking ikalawang istorya...

Abangan ang huling kabanata.











PAALAM.....

Minimithing Pagmamahal (SEASON 2 ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon