Hindi pa sumisikat ang araw ay nakapaghanda na ang tatlong sang'gre para sa kanilang pagsasanay na gaganapin sa tabing-dagat.
"Yna!Hindi ba maaring sumama si Amihan?"Tanong ni Alena na ipinagtaka ni Mine-a.
"Wala akong sinabi na hindi siya kasama!Oo nga't pinagbawalan ko siyang magtungo sa hardin!Ngunit!Hindi ko siya pinagbawalan na sumama sa inyong magsasanay!"Sabi ni Mine-a.
"Puntahan na natin siya!"Sabi ni Danaya at nagtungo na sila sa silid ni Amihan.Silid ni Amihan.....
Pagdating nila sa silid ay naabutan nila si Amihan na nagsasanay kasama si Muros at namangha sila sa bilis at liksi ni Amihan.Hanggang sa matapos na ang laban at nanalo si Amihan.
"Natalo kitang muli sa ikatlong pagkakataon,Muros!"Sabi ni Amihan.
"Binabati kita!Maiwan ko muna kayo!"Sabi ni Muros at yumukod tsaka umalis.
"May maipaglilingkod ba ako sa inyo?Ada?Mga apwe?"Tanong ni Amihan.
"Amihan?!Bakit hindi mo sinabi na magaling ka humawak ng sandata?"Tanong ni Pirena.
"Hindi niyo naman tinanong!"Pilosopong tanong ni Amihan.
"Tama na!Amihan!Sasama ka sa amin!"Sabi ni Alena na ipinagtaka ni Amihan.
"Saan?"Takang tanong niya.
"Sa ating pagsasanay!"Sagot ni Danaya.
"Paano ako makakasama?Eh hindi nga ako maaring lumabas hindi ba?Hardin nga lang 'di ako maaaring magtungo sa tabing-dagat pa kaya?!"Sabi ni Amihan.
"Maaari kang sumama sa kanila!"Sabi ni Mine-a na ikinagulat ni Amihan.
"S-Sigurado k-ka p-po,Y-Yna?"Nauutal na sabi ni Amihan at tumango lang si Mine-a.
"Hindi ka ba natutuwa na makakasama ka?"Tanong ni Pirena.
"Masaya ngunit...hindi ko naman talaga nais sumama sa inyong pagsasanay noong nalaman ko ito!"Sabi ni Amihan.
"Alam mo na may pagsasanay tayo ngayon?"Tanong muli ni Pirena at tumango si Amihan.
"Poltre ngunit oo!Narinig ko ang inyong usapan!"Pag-amin ni Amihan.
"Sasama ka ba?"Tanong ni Alena.
"Poltre,mga apwe!Ngunit..... OO!Napagpasyahan ko na ako ay sasama sa inyong pagsasanay!"Sabi ni Amihan na lubos nilang ikinatuwa kaya naguakapan sila nang biglang dumating si Aquil.Panira ng Moment!
"Handa na kami,Hara!"Sabi ni Aquil at tumango si Mine-a.
"Sumama na kayo kay Aquil!Mag-iingat kayo!"Sabi ni Mine-a at tumango sila tsaka sila sumama kay Aquil.Tabing Dagat.....
Nakarating na sa kanilang pagsasanayan ang mga Sang'gre kasama ang ilang kawal at mga dama.
"Pumwesto na kayo!"Utos ni Aquil at pumwesto na sila."Estasectu!"Sabi ni Aquil at nagsimula na sila.
Habang Nagsasanay.....
Hindi pa tapos ang pagsasanay ngunit pagod na ang mga sang'gre maliban kay Amihan na nagpapatuloy.
"Bakit kayo tumigil?"Tanong ni Aquil lumapit naman sa kanya si Danaya.
"Ngunit menantre Aquil!Pagod na kami!Pwede bang mamaya na lang ulit?"Sabi ni Danaya pero umiling si Aquil.
"Siya nga ako rin pagod na!"Sabi naman ni Alena.
"Hindi maaari!Susundin niyo ang nais ko kaya isa pa!"Pagalit ni Aquil.
"Ngunit menantre Aquil!Pagod na nga kami!Ang kulit mo naman eh!"Reklamo muli ni Danaya.Umupo naman si Aquil para makapantay niya si Danaya.
"SUTIL ka talaga,Danaya!Maaawa ako sa magiging asawa mo!"Sabi ni Aquil na pailing-iling tsaka niya ibinalik sa pwesto si Danaya."Susundin niyo ang nais ko kaya isa pa!"Utos ni Aquil tsaka tumalikod pagtalikod naman niya ay itinaas ni Danaya ang kanyang ARNIS at akmang papaluin si Aquil ngunit bago niya magawa iyon ay humarap si Aquil kaya bumalik si Danaya sa pagkakatayo ng matuwid."Sundin niyo ang aking gagawin!"Utos ni Aquil at inilabas ang sandata at nagsimulang magbilang.Nagbulungan naman ang mga sang'gre tsaka sila naglaho."Naintidihan niyo mga--"Hindi naituloy ni Aquil ang sasabihin niya 'pagkat wala na ang mga sang'gre."Mga sang'gre lumabas kayo!Bibilang ako hanggang kaskhil at kapag hindi pa kayo lumabas!?Isusuplo ko kayo sa inyong Yna!IRE!"Pagbabanta ni Aquil ngunit walang ni-isang sang'gre ang lumabas.Samantala naman ay nakarating sa kabilang bahagi ng tabing-dagat ang mga sang'gre at sila ay nagtatatakbo.
Sana nagustuhan ninyo kahit maikli!
Comment & Votes!!!
BINABASA MO ANG
Minimithing Pagmamahal (SEASON 2 ON-HOLD)
Fiksi PenggemarLahat ay ginawa niya ngunit hindi niya nakamit ang kanyang minimithing pagmamahal mula sa kaniyang mga mahal. . . . Ito ang sarili kong version ng kwento ng Encantadia,kakaiba ito sa mga nababasa ninyo. . . . Suportahan niyo sana ang aking pangalawa...