Kabanata 21:Hadezar at Pagkikitang Muli

867 28 2
                                    

Lumipas ang 1 taon.....

Lumipas na ang isang taon ngunit hindi pa rin nila nahahanap ang mga diwani.At dumagdag pa na nalaman nila na may bago silang mga kaaway.

"Hara!Isang taon na ang nakalipas ngunit hindi pa rin natin nahahanap ang aking anak at hadia!"Malungkot na sabi ni Pirena.
"Isan-tabi na muna natin ang tungkol diyan,Pirena!Ang dapat muna nating pagtuunan ng pansin ay ang ating mga kalaban!Mga Hadezar!"Sabi ni Alena.
"Sumasang-ayon ako kay,Alena!Lalo na't hindi madali para sa atin na kalabanin ang mga hadezar!"Pagsang-ayon naman ni Danaya.
"Bakit hindi tayo humingi ng tulong kay Emre na pababain muna pansamantala ang aking mga magulang at ang inyong Yna pati ang Rehav Raquim!"Mungkahi ni Ybrahim.
"Ngunit ilang beses na nating ginawa iyon,Ybrahim!Ngunit ano?!Wala namang nagaganap!"Sabi ni Pirena.Nang biglang humangin at may ibinulong ito.
"Hanapin niyo ang plauta at patugtugin ito ng sa ganoon ay matulungan namin kayo sa digmaan!Ituturo ng hangin kung nasaan ito!"Bulong ng hangin at nawala na.
"Sino siya?"Takang tanong ni Alena.
"AMIHAN?"Hula ni Ybrahim at nagsitinginan lahat sa kanya."M-May masama ba akong nasabi?"Tanong ni Ybrahim pero umiling sila.
"Kung si Amihan nga iyon ay tatanggapin natin ng sa ganoon ay mabawi na natin ang mga diwani at magapi ang mga kalaban!Kaunting oras na lamang ang natitira bago tayo sumabak muli sa digmaan na dito magaganap sa Lireo!"Sabi ni Danaya at tumango sila tsaka sila umalis ng silid tanggapan.

Livea.....

Samantala nasa bulwagan naman ng Livea si Amihan kasama sina Lira at Mira.

"Nakasisiguro ka ba na tutulungan natin ang mga diwata,Yna?"Tanong ni Mira.
"Oo,Eirene!Sapat na ang panahon!Ito na ang tamang pagkakataon upang magpakita tayong muli sa kanila,ngunit hindi bilang sina Amihan,Lira at Mira!Kundi bilang sina Celestia,Cassandra at Eirene!"Sabi ni Amihan na ipinagtaka nila.
"Yna sino sina Lira at Mira?"Takang tanong ni Lira.
"Huwag niyo nang isipin iyon!Maghanda na kayo!"Sabi ni Amihan at tumango sila tsaka sila nagtungo sa kani-kanilang silid at nagpalit na ng baluting pang-sang'gre.

Bago ang digmaan.....

Handa na ang lahat para sa digmaan.Nahanap na rin ng mga diwata ang plauta.

"Patugtugin mo na ang plauta,Ybrahim!"Utos ni Danaya at tumango si Ybrahim tsaka niya sinimulang patugtugin ang plauta.Pagkatapos patugtugin ang plauta ay ibinigay niya na ito sa dama.Kasabay ng pagdating ng mga hadezar.
"Avisala mga hadezar!"Pagbati nila at nagsimula na silang magtunggalian.

Kalagitnaan ng Digmaan.....

Ginawa na ng mga sang'gre at rehav pati na rin ang mga kawal ang lahat ngunit nabubuhay pa rin ang mga hadezar.Marami na rin ang napaslang na mga kawal at sila ay mga sugatan na.Hanggang sa hindi na nila kaya,sabay-sabay ng biglang nagkaroon sila ng pananggalang at may lumabas na tatlong babae.

"Hara!Gamutin niyo na ang inyong mga sarili!"Utos ni Amihan na ginawa naman ni Danaya.Habang ginagamot nila ang kanilang mga sarili ay kinalaban naman nina Amihan ang mga hadezar.

Pagkatapos.....

Natalo nina Amihan ang lahat ng hadezar at ni-isa ay wala nang nabuhay muli.Pagkatapos ay tinulungan na nilang makatayo ang mga diwata.

"Avisala Eshma!"Pagpapasalamat nila at tumayo na sila.
"Maaari ba namin kayong makilala?"Tanong ni Ybrahim at nagkatinginan sila.Tsaka sila tumango.Naunang tanggalin ni Amihan ang kanyang takip sa mukha.
"Ako si Celestia!"Pagpapakilala ni Amihan.Sumunod namang tinanggal ni Lira ang kanya.
"Ako si Cassandra!"Pagpapakilala naman ni Lira at sumunod na si Mira.
"At ako si Eirene!"Pagpapakilala naman ni Mira na ikinatuwa nila Pirena at Ybrahim.
"Lira!Mira!Nagbalik na kayo!"Sabi ni Pirena at niyakap nila ni Ybrahim sila Lira at Mira na ipinagtaka naman ng dalawa.Kaya agad silang kumalas.
"Poltre!Kami ba ang inyong tinutukoy na Mira at Lira?"Takang sabi ni Mira.
"Kayo nga!"Sabi ni Ybrahim.
"Poltre!Ngunit...hindi Lira o Mira ang aming 'ngalan!Ako si Cassandra at siya si Eirene!'Ni hindi nga namin kayo kilala!Sumunod lamang kami sa utos ng aming Yna upang tulungan kayong magapi ang inong mga kaaway!"Sabi ni Lira na ipinagtaka nila kaya tumingin sila kay Amihan.
"Cassandra?Eirene?Mauna na kayong bumalik!"Utos ni Amihan na siya namang sinunod ng dalawa.
"Amihan ano ito?!Bakit hindi na nila kami kilala?!"Galit na tanong ni Pirena pero hindi sumagot si Amihan."Binura mo ba ang kanilang mga alaala?!Binura mo ba kami sa kanila?!"Dagdag pa niya.
"Bakit?!Ginusto ko ba na tanggalan sila ng alaala?!Pirena HINDI!Hindi ko ginusto iyon!Sila ang nagpumilit na tanggalan ko sila ng alaala!Labag man sa aking kalooban na tanggalin ang mga alaala ninyo sa kanila ay wala na akong nagawa 'pagkat bawat segundo,bawat minuto,bawat oras,bawat araw at bawat gabi kinukulit nila ako!Sa totoo nga niyan ay nais ko ng ibalik ang kanilang mga alaala ngunit natatakot ako na baka maranasan nila muli ang ginawa niyo sa kanila!Isa pa!Hindi ko tuluyang tinanggal ang kanilang mga alaala!Ang tanging tinanggal ko lamang sa kanilang mga alaala ay ang MAPOPOOT na naganap sa kanila noon!Ang kanilang tunay na 'ngalan,ang 'ngalan ng kanilang pamilya ay hindi ko binura iyon!Marahil hindi pa nila naaalala ang inyong mga 'ngalan!Ngunit may hangganan ang bisa ng enkantasyon na ginawa ko sa kanila!"Umiiyak na sabi ni Amihan.
"Pero bakit nga?!"Galit na tanong naman ni Ybrahim.
"Bakit?!Dahil sa inyo!Dahil sa inyo kaya nagkaganoon ang aking anak!Si Lira at Mira ay parang tunay na magkapatid na!Kaya problema ng isa,problema rin ng isa!Nagdadamayan sila palagi!Habang KAYO walang pakialam sa kanila!Ang hindi niyo batid ang tanging nais lamang nila ay ORAS!Oras para makasama nila kayo!"Pangangatwiran ni Amihan kaya hindi sinasadyang nasampal siya ni Alena na katabi ni Ybrahim.Agad namang dinaluhan nina Lira at Mira si Amihan 'pagkat nakita nila ang nagaganap ngunit hindi nila narinig ang mga pinag-uusapan.
"Huwag na huwag niyong sasaktan anh aming,Yna!"Singhal ni Mira.
"Mira!Lira!Bumalik na kayo sa amin!Masama siyang nilalang!"Sabi ni Alena.
"Hindi masama ang aming,Yna!Kayo ang masama!Kayo na nga ang tinulungan kayo pa ang mananakit!"Singhal naman sa kanila ni Lira."Dapat pala ay hindi na namin kayo tinulungan!Ganyan ba talaga kayong mga diwata?!Hindi marunog magpasalamat?!"Singhal muli sa kanila ni Lira.
"Lira!"Sabi ni Ybrahim at akmang yayakapin si Lira ngunit umiwas ito.
"Sinabi nang hindi LIRA o MIRA ang aming mga 'ngalan!CASSANDRA at EIRENE!"Galit na sabi ni Lira.
"Vueno Vesh'ka!"Sigaw ni Alena pero inawat siya ni Danaya.
"Alena tama na!"Pag-awat ni Danaya.
"Magpasalamat kayo at inawat ako ng hara!"Sabi ni Alena.
"Hindi ba kayo magbibigay-galang?"Tanong ni Danaya at nginisian lamang sila.
"Sa tingin niyo ba ay magbibigay-galang pa kami sa lahat ng ginawa ninyo?!HINDI!"Sabi ni Mira.
"Yna tayo na!"Sabi ni Lira at akmang maglalaho na sila ng biglang nagsalita si Pirena.
"Hindi kayo aalis!"Galit na sabi ni Pirena at pinuluputan sila ng Apoy.Hindi naman nila napigilang sumigaw dahil sa sakit ng pasong nadarama.
"A-Anong k-klase k-kang Y-Yna,P-Pirena?"Nahihirapang sabi ni Mira.Natauhan naman si Pirena kaya tinanggal niya ang apoy.
"Naaalala mo na kami?"Nasasabik na tanong ni Pirena at nginisian sila ni Mira.
"HINDI!At kailanman hindi ko nanaisin na makilala ka!"Sabi ni Mira at naglaho na silang tatlo pabalik sa Livea.Naiwan namang luhaan si Pirena.
"M-Mira."Sabi ni Pirena habang tumatangis.Pilit naman siyang pinapakalma ni Danaya.

Maalala pa kaya sila nina Mira at Lira?
Magkikita pa ba silang muli?

Comment & Votes!!!

Minimithing Pagmamahal (SEASON 2 ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon