Lumipas ang mga araw at buwan ay mas laling naging mailap si Amihan at lagi rin silang nag-aaway ng kanyang mga kapatid pati na rin ng kanyang kasintahan.Kaya nagdesisyon sila na ilayo muna si Lira at Ybrahim sa kanya.
"Saan kayo patutungo?"Tanong ni Amihan kay Ybrahim na binuhat si Lira.
"Sa Lireo!Doon muna mamamalagi si Lira hanggang sa ikaw ay makipag-ayos na!"Sabi ni Ybrahim at umalis na kasama ang dama ni Lira na dala ang mga gamit ng bata.
"Ybrahim!Ibalik mo ang aking anak!Ybrahim!!!"Sigaw ni Amihan habang umiiyak ngunit huli 'pagkat naka-alis na ang kanyang mag-ama at ang dama ng kanilang anak.Naglaho si Amihan patungong tabing-dagat."Emre!LAHAT na kinuha nila!!!Tanging si Lira na lamang ang nagpapalakas ng loob ko!Kinuha pa nila!Kasalanan ko ba na magalit ako sa pagkawala ng aking ama?!Hindi kasi nila ako naiintinfdihan 'pagkat hindi naman namayapa ang kanilang mga ama!Ang tanging nais ko lang naman ay mabigyan ng HUSTISYA ang pagpaslang sa aking AMA!"Sigaw ni Amihan at naramdaman nalang niya na may sumaksak sa kanya mula sa likuran na agad namang umalis kaya napaluhod siya at nagsuka ng dugo."I-Ito b-ba a-ang p-parusa s-sa a-akin,E-Emre?"Nahihirapang sabi ni Amihan at nawalan na siya ng malay.Lireo.....
Samantala nakarating na sina Ybrahim sa Lireo.
"Ybrahim!Avisala!"Pagbati nila at kinuha ni Alena si Lira.
"Avisala rin sa inyo!Kailangan ko ng bumalik!Babalik na lamang ako bukas para bisitahin si Lira!"Sabi ni Ybrahim at tumango sila tsaka niya hinalikan ang noo ng kanyang anak.Aalis na sana siya ng lumapit sa kanila ang humahangos na si Aquil.
"Aquil!Ano't ika'y humahangos?"Tanong ni Danaya.
"Mahal na Hara,Sang'gre at Rehav!Ang diwani Amihan!"Humahangos na sabi ni Aquil na ipinagtaka nila.
"Diretsuhin mo kami,Aquil!"Sabi ni Pirena at huminga muna ng malalim si Aquil.
"Habang naglalakad ako kasama ang aking hukbo sa may tabing-dagat mayroon kaming nakita na isang enkantada na nakahandusay kaya lumapit kami.Nang makalapit kami ay nalaman namin si diwani Amihan ito at may saksak na natamo!Tiningnan din namin ang kanyang pulso ngunit WALA na!"Sabi ni Aquil na ikinagulat nila at napaiyak sila.
"Nasaan na siya?!"Umiiyak na tanong ni Danaya at ipinasok na ng mga kawal ang bangkay ni Amihan.Pagkalapag ay agad silang lumapit dito.
"AMIHAN!!!"Sigaw nila at inilabas ni Danaya ang lanyang brilyante at sinubukang pagalingin si Amihan ngunit walang nangyayari.Nang biglang dumating si Cassiopeia.
"Mata!"Sabay-sabay na sabi nila.
"Wala na siya!Nangyari na ang kanyang propesiya!Unti-Unti ng manghihina ang inyong sentro!"Sabi ni Cassiopeia at mas lalo silang naiyak.
"Kasalanan natin 'toh!Kung hindi natin inilayo si Lira maaaring tayo na ang nagwagi sa magaganap na digmaan!"Umiiyak na sabi ni Pirena.
"Napakalaking tsanya ng pagkatalo ang makukuha ninyo 'pagkat nawala si Amihan!"Sabi muli ni Cassipeia.
"Si AMIHAN na pinaka-makapangyarihan sa mga nilalang dito sa Encantadia!Si AMIHAN na tagapagligtas at magbabalik ng kapayapaan dito sa Encantadia!"Umiiyak naman na sabi ni Alena habang si Ybrahim ay yakap-yakap si Amihan.
"Ang mga nangyari bago mapaslang si Amihan ay PARTE ng kanyang propesiya!"Sabi ni Cassiopeia at naglaho na.
"Kailangan na nating ihanda ang bangkay ni Amihan!"Sabi ni Alena at tumayo na sila tsaka kinuha ng mga dama ang bangkay ni Amihan.Kinarga naman ni Ybrahim si Lira.
"Lira!Hindi na kita ihihiwalay sa akin!"Umiiyak na sabi ni Ybrahim at niyakap si Lira.Tila naiintindihan naman siya ng kanyang anak kaya umiyak rin ito.Hinagod naman ni Ybrahim ang likod ni Lira.Pagkatapos maghanda.....
Natapos ng ihanda ng mga dama ang bangkay ni Amihan at ngayon ay mamamaalam na sila.
BINABASA MO ANG
Minimithing Pagmamahal (SEASON 2 ON-HOLD)
FanfictionLahat ay ginawa niya ngunit hindi niya nakamit ang kanyang minimithing pagmamahal mula sa kaniyang mga mahal. . . . Ito ang sarili kong version ng kwento ng Encantadia,kakaiba ito sa mga nababasa ninyo. . . . Suportahan niyo sana ang aking pangalawa...